Flashback
Matapos ang dalawang linggo, nandon parin si Lea, hindi siya umalis kailanman sa tabi ni Aga, binabantayan niya ang kanyang minamahal kahit na hindi niya alam kung maaalala pa ba siya nito kapag nagising na ito.
"Babes, gising ka na ha, I promise to be here right beside you and hinding hindi kita iiwan."
Hinawakan niya ang mga kamay ni Aga, at sa sobrang pagod at pag-iyak ay bigla na lamang siyang nakatulog. Habang natutulog siya ay napanaginipan niya ang mga nangyari sa kanila noon ni Aga.
=B A L I K T A N A W=
"Babes tara pasyal tayo." Pang-aaya ni Aga kay Lea.
"Saan naman tayo pupunta?" Agad na tanong naman ni Lea.
"Kung gusto mo sa park nalang para mahangin tapos para pwedeng mag-relax." Pagbibigay suhestiyon ni Aga.
"Sa park? Gusto ko dun!" Walang pag-aatubiling pagsang-ayon ni Lea sa ideya ni Aga.
Hindi naman maitago sa mga mata ni Lea ang pagka-excite dahil matagal-tagal na siyang hindi nakakapunta sa park. Nagbihis na kaagad si Lea upang makaalis na agad sila ni Aga at upang mahaba pa ang oras ng kanilang paglalaro. Pagkadating nila sa Park ay may nakitang ice cream vendor si Lea, agad siyang lumapit dito.
"Babes! Bili mo ko please." Habang nagpapa-cute upang ibili siya ni Aga ng sorbetes. Hindi naman tumanggi si Aga, lumapit siya sa nagtitinda ng ice cream.
"Kuya dalawa nga po ng sorbetes."
"Anong flavor po sir?" Magalang na tanong naman ng tindero.
"Chocolate sa akin!" Ganadong sagot naman ni Lea.
"Dalawang chocolate po." Tugon ni Aga.
"Eto na po sir." Saad ng tindero habang binibigay ang dalawang ice cream kay Aga.
"Salamat po!" Masiglang pasasalamat ni Lea.
Pagkatapos bumili ng sorbetes ay pumunta si Lea at Aga sa bench upang umupo at kumain. Habang kumakain si Aga ay napansin niya ang paraan ng pagkain ni Lea ng ice cream, habang natitig naman si Aga kay Lea ay tumulo ang ang ice cream sa damit nito.
"Ay! Tumulo!" Saad ni Lea habang tinitignan ang tumulong ice cream sa kanyang kamay. Kumuha naman si Aga ng tissue upang punasan ang tumulong ice cream sa damit ni Lea.
"Babes alam mo ba para kang bata." Giliw na giliw na sabi ni Aga.
"Why?" Habang kinakain parin ang ice cream na hawak niya.
"Tingnan mo nga, tumulo na sa damit mo yung ice cream tapos pati kamay mo ang dami nang ice cream." Habang natawa at naku-kyutan sa itsura ng kanyang nobya.
"Babes, ang lagkit na ng kamay ko. Meron bang faucet dito?" Mukhang nandidiring itsura ni Lea.
"Ayun babes oh! Tara, hugas ka ng kamay." Pumunta sila Aga at Lea patungo sa hugasan ng kamay. Pagkatapos maghugas ng kamay ni Lea, ay tumakbo ito pabalik ng bench habang si Aga naman ay hingal na hingal na hinabol si Lea.
"Babes ang bilis mo namang tumakbo." Sambit ni Aga habang hinahabol ang kanyang hininga.
"Babes sorry ha, para akong bata kanina, ngayon nalang kasi ulit ako nakakain ng ice cream eh."
"Babes you don't have to say sorry, ang cute mo kaya." Nakangiting bigkas ni Aga.
"Thank you!" Habang naka-full smile kay Aga na para paring isang bata.
Sa likod ni Aga ay nakita ni Lea ang isang slide kaya tumayo ito at tumakbo nanaman papunta sa Slide, sinundan din naman ni Aga si Lea. Umakyat si Lea sa pinaka-tuktok at nagpadulas dito, sakto namang dala ni Aga ang kanyang DSLR kaya nakuhaan niya ng litrato ang pinakamagandang anggulo Lea.
Monkey Bar naman ang sunod na pinuntahan nila Lea at Aga, umakyat ulit si Lea upang tawirin ang monkey bar, habang ginagawa ito ni Lea ay inaalalayan siya ni Aga upang hindi ito mahulog. At see saw naman ang huling sinubukan ni Lea at Aga. Pagkatapos nilang gawin ang lahat ng ito ay umuwi na silang dalawa.
"You're really beautiful while sleeping." Saad ni Aga habang tinititigan ang tulog na si Lea.
Matapos ang mahaba-habang biyahe ay nakarating narin ang dalawa sa condominium ni Lea. Iniakyat na niya ito sa kanyang unit, pagkatapos nito ay ginising na ni Aga si Lea upang makapag-paalam.
Binaba ni Aga si Lea at sinabing, "Babes, Gising na nandito na tayo sa condo mo."
*Hikab* "Babes thank you for making me happy lalo na today, nawala lahat ng stress ko, I feel like I'm a little baby again." Si Lea, halatang tuwang-tuwa dahil sa nangyari sa araw na iyon. Pagkatapos niya iyong sabihin ay niyakap niya si Aga.
"And that's my job. To make you happy, so you don't have to say thank you." Buong pusong sabi ni Aga. Namula naman si Lea ng marinig ito mula sa binata.
"I love you." Sabay hinalikan si Aga sa cheeks, ito lamang ang katagang alam ng dalaga na papantay sa mga ginawa ni Aga para sa kanya.
"I love you too. Sige na pumasok ka na sa room mo, uuwi na ako." Sinserong tugon naman ni Aga.
"Bye babes, see you tomorrow." Masiglang pagpa-paalam ni Lea kay Aga.

BINABASA MO ANG
Gaya Ng Dati
RomanceStory that will prove everyone that LOVE is UNCONDITIONAL. Story that will prove that with LOVE everything is POSSIBLE. Story that will prove everyone that LOVE is PATIENT. |Our MIND may not remember everything but our HEART will| |Memories with som...