(DISCLAIMER: Process and tests written in this chapter is not certain and only represents the imagination of the author.)
Will Get You Back
=Kasalukuyang Panahon=
Habang naaalala ni Aga ang lahat ay hindi niya mapigilan ang sumigaw habang siya ay naiyak, ikinabigla naman ito ng mga nurse na naka-assign sa kanya. Pumunta sila sa kwartong pinaglalagian ni Aga at kaagad siyang binigyan ng pampakalma.
"I remember everything." Tanging ang mga katagang ito ang nasabi ni Aga matapos ng pangyayaring iyon.
"Sir, what did you just said?" Tanong ng doctor ni Aga.
"I said I remember everything, and I can't stay here any longer. Paalisin niyo na ako, kailangan kong makita ang taong mahal ko." Sagot muli ni Aga na ngayon ay naiyak muli.
"Sir, we will process your papers pa and we will make sure na magaling ka na talaga."
"Please do everything now, kaya kong patunayan sa inyo na okay na ako. Kailangan kong bawiin ang mahal ko."
The doctors and nurses process Aga's papers. They made various tests to really see if Aga's already in his normal state, dahil kung hindi ay mas matatagalan pa siya sa loob. And after a day of doing many tests they confirmed tuluyan na ngang gumaling si Aga from his condition Schizophrenia and Post Traumatic Amnesia
"Sir, ito na po yung releasing papers niyo, pwede na po kayong makauwi, pero kung meron po kayong maramdaman ulit na parang kakaiba about your activities, sudden changes of emotion pwede po kayong kumonsulta ulit."
"Thank you very much; you don't know how this means to me."
Matapos ang isa at kalahating taon ay tuluyan nang nakalabas si Aga sa mental facility na nagmistulang kanyang tahanan. Mabilis siyang pumara ng taxi para ihatid siya sa bahay nila, humahangos siyang pumasok sa loob ng bahay ay nakasalubong niya ang kanyang ina.
"Anak! Anong ginagawa mo dito?" Sabi ng nanay ni Aga, hindi naman niya pinansin ito, bagkus ay pumunta sa kwarto ni Lea.
Hinalughog niya ang kwarto, nagbabakasakaling nandoon pa si Lea. Tumingin siya sa walk in closet ng dalaga ngunit wala na ni isang gamit ang natira. Patakbo siyang pumunta sa kinaroroonan ng kanyang ina.
"Mom, where is Lea?"
"Umalis na siya anak, pumunta na siya sa airport. Sabi niya sa akin ngayon daw ang alis niya papuntang America." Kinuha ni Aga ang susi nang kanyang kotse, passport at pocket money. Patakbong aalis sana si Aga sa kanilang bahay ngunit pinigilan siya ng kanyang ina.
"Saan ka pupunta?"
"Mom I need to fetch Lea, hindi siya pwedeng umalis. Babawiin ko siya." Binitawan niya ang kamay ng kanyang ina at tumakbo para makaalis na kaagad.
"I don't know what to do without you my love." Saad ni Aga habang nagmamaneho, hindi niya maiwasang umiyak. Hanggang ngayon ay dumaragsa parin sa isip niya ang mga alaala nilang dalawa ni Lea.
"The hell! Sobrang traffic! How can I get there if ganito." Paulit-ulit na pinindot ni Aga ang busina ng kanyang sasakyan sa pag-aakalang aandar ang sitwasyon ng trapiko ngunit wala. Ipinarke niya ang kanyang sasakyan sa pinakagilid ng daan at napagdesisyunan niyang tumakbo.
"Hello Chard."
"Oh Aga! Wait why do you have a cellphone? Diba bawal yan sa facility."

BINABASA MO ANG
Gaya Ng Dati
RomansaStory that will prove everyone that LOVE is UNCONDITIONAL. Story that will prove that with LOVE everything is POSSIBLE. Story that will prove everyone that LOVE is PATIENT. |Our MIND may not remember everything but our HEART will| |Memories with som...