Chapter 1

474 35 3
                                    

16 missed calls.

Tala! Ngayon na entrance exam natin sa University! Excited na ako sobra!

Gising kana ba?

Ano ba yan parang nakalimutan pa?!

Gooood morning, Tala! Gising na, susunduin kita jan sa bahay niyo, please lang sana nakaligo kana! Ha?

 This past few weeks, wake up call ko ang texts at mga tawag ni Eman. Grabe, parang di na ako gigising sa mga pinaggagawa niya. Ang ingay nya pa!

"Hoy?! Anung minumuni-muni mo jan?! Anung oras na Tal?? Gash naman!!! Kilos na!" sabi ni Eman sabay hampas ng unan sa akin.

"Grabe naman to! Anung oras pa oh? Ala-sais pa lang ng umaga Eman, alas-nwebe pa exam natin! Ano ba yan! Grabeh na talaga."

"Ikaw ang grabeh jan, tayo na!!"

"Heto na po, tatayo na......" nang biglang, inambangan niya ako sa kama at napa higa tuloy kami at ipit na ipit ako sakanya.

"Taaaal! Ang saya siguro sa college na magkasama tayo, noh?" sabi niya sabay tingin sakin.

"Ano baaa?! Ang bigat mo ha! Tama na nga! Hindi, hindi masaya para sa akin, halos kalahati ng buhay natin eh magkasama na kaya tayo." Habang inaalis ko ang sarili ko sa pagkakaipit sa katawan niya.

"Ahhh!!! Hindi pala masaya ha!!! Sige magdusa ka jan. Iipitin pa kita lalo. Hahahah!" At inipit niya nga ako sabay tawa ng ulol na ito.

"Oo na po, sasapakin na po talaga po kita po pag  di mo pa ako pinakawalan po!!!!" pilit ko talagang inaalis sarili ko pero sadyang ang lakas nya talaga plus ang bigat niya talaga.

Naawa rin naman siguro sya at pinakawalan na ako.

Yun naman at nag madali narin akong mag handa. 

Ano ba talaga ang dapat kong maramdaman? College? Eh pag naririnig ko ang word na yan, takot ang pumapasok sa kalamnan ko. Hebigat na mga lessons at independence day araw-araw yan, malamang! Hayyy. Bahala na si Lord! Kakayanin ko 'to! Aja, Tala. Aja!

Tapos na nga akong mag ayos, nag susuklay ako nang nakita kong inaayos ni Eman ang DSLR nya habang nakaupo sa kama ko. Dala-dala niya pala cam nya. At oo, sanay na akong walang privacy kay Eman. Labas-masok na yan sa kwarto ko mula pa noon, minsan nga sya pa nag aayos dito kasi sobrang kalat ko daw talaga. Haha!

"Dala mo pala yan? Bakit? May shoot tayo? Dadalhin ko nalang din akin." Tanong ko at kinuha ko nalang din ang cam ko.

"Hindi, wala namang shoot. Gusto ko lang remembrance sa araw nato." Namangha naman ako sa sagot nya, anung remembrance? Hahaha. Halos araw2 na nga kami magkasama eh remembrance pa naisip nya.

"Nakakatawa ka naman bespren, nako! Eman kaibigan kong Ewan! Bwahaha."

"Wag ka nga jan, eh sa gusto kong may remembrance tayo."

At yun nga, remembrance, nag papicture kami sa favorite spot namin sa bahay. Haha! Inayos nya tripod nya and... we pose.

"Click.. Click.. Click.."

Marami raming shots din, bago kami pumunta sa school.

"Sasakyan ko, sasakyan mo?" tanong ni Eman.

"hmmmm... pwede sasakyan ko, gasolina mo! Hahaha."

"Ahhh!!! ano ba yan, sasakyan ko na nga lang!" Napakamot sya sa ulo. Haha! Yan talaga problema namin pag may lakad, kung kaninong sasakyan gagamitin. Kasi naman pag akin, gasolina ko for sure at ako driver same lang pag kanya gagamitin, kanya din lahat pati sya driver. Sanay na kami ni Eman sa isa't isa, komportable na kami sa isa't isa sobra!

On our way to the University, hiniram ko cam niya. Tiningnan ko mga kuha at yung mga past pictures narin na nakastore dun. Sa pagsa-scan, parang may napansin ako. Puro mga mukha ko 'to ah?! Di nya pa dinidelete yung last Easter celebration pictures namin pati yung High School grad pictures namin. Ano ba 'to? Major Throwback? Hahaha. At nakita ko si Sandra sa larawan.

"Eman, kumusta na pala kayo ni Sandra?"

I'm not his typeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon