Chapter 8

246 34 0
                                        

RAPHAEL

Sir, alas otso na ho. Anung oras ho ba klase nyo? Gising na.

Panaginip ba tong ginigising ako ni manang? Anak ng !@#$%!!!!!!!!!!!!! Klase ko naman pala!!!!!!!!!!! Late na ako para sa 1st subject!!!!!!!

"Manang bat di nyo naman po ako ginising ng maaga? Late na po ako, sobra!" tanong ko kay manang Leni habang papuntang CR.

"Eh sir kanina ko pa po yan ginawa, sabay tapik pa nga po eh pero di talaga kayo nagigising."

"Ganun ba manang?! nako malas ko nalang talaga na di ako nagising."

8:45am

Nagsusuot pa lamang ako ng medyas. 30mins. mula bahay pa ang school ko, nako naman!!! Malas ng mukha mo bro!!! Naturingan kapa namang DPAU HS vale tapos pa petiks petiks ka?! nako talaga!!!

Kumuha nalang ako ng apat na tinapay at nagdrive na papuntang school. Ang hassle! Bakit pa kasi... nakoo!!!!!!!!!

Ang tahimik na ng hallway papuntang BioLab. hahaha. Tiyak na tiyak na akong wala na akong maaabutan, pero tumtakbo parin ako. Ayuun!!! May tao pa pala...... palabas.

"Hoyyy!!!!!!!!! Bakit hindi nag iingat!?" nakooo! Nasigawan pa ako ng babaeng to!

"Sorry, sorry Miss!! Di kasi talaga kita nakita. Eh kasi klase ko to, kaso parang...." woah? walkout? oo-okay.

Ayan, naka abala pa tuloy ako. Nabangga ko pa yung kaklase ko dahil sa pagka late. Ano ba to. Wala naman akong mapagtanungan ng mga nangyari, si Aaron habang buhay kong sidekick eh wala rin. Di ko rin nakita. First day, absent agad ang galing lang. Napansin kong aga naman nag dismiss nung last prof. Tamang tama lang din kasi kailangan ko pang pumunta sa school bookstore para kunin yung books ko. 

GRABEH!!!!!!!!!!! Ang haba ng pila! Pila ba ito ng relief? Ang haba naman!!! Gagamitin ko pa naman sana yung mga libro ko para mamaya sa klase namin sa Lit at English. Grabeh talaga, parang no choice ako nito ah!

Mabobored na yata ako sa pila nang makita ko ang girlfriend ni Aaron na nakapila rin.

"Hi Jen! Kamusta? Di ko nakita Si Aaron sa first class namin ah? Absent ba sya?" tanong ko kay Jen sabay kamay nalang rin.

"OMG! Andito ka pala?!" gulat na gulat na tanong nya. "...pambihirang boyfriend talaga to oh! Actually nasa first subj nyo sya kanina nang mahalata nya na wala ka, nagtxt sya sakin na pupunta sya sa inyo para bulabugin ka baka daw nag iba ka na ng course at di ka tumupad sa usapan nyong mag Nunursing kayo." napakamot sya sa ulo nya..

"Bat naman ako titiwalag sa usapan?! May problema din to sakin si Aaron, ano? Haha. Wag kang mag alala, tatawagan ko nalang yun para di na aabsent sa next class."

Buti naman at anjan si Jen, di na ako na bored sa linya, nag usap nalang din kami. Si Jen at Aaron barkada ko na HS pa lang. 3yrs. na silang mag nobyo, ewan ko ba't natiis nya si Aaron na ang babaero nun. Hahaha! Eh kasi tong si Jen, astigin din. Isang maling galaw nitong kaibigan ko eh World war 3 agad! Haha.

Thank God! Ako na susunod sa pila. Pero bakit parang.... biglang bahagyang sinarado ang window at nilagyan ng..  "Books are already out of stock. Please claim books tomorrow morning. Thanks." Wow naman Raphael Arellano!!! Pahamak ka talagang bata ka! Napaka malas mo kahit kelan! Sumakit ulo ko dun, badtrip naman to!!! Di ko napansin eh lunch time na pala. Kaya pala kumukulo narin tong tyan ko. Wait, ha???!!! Lunch time na??? ANAK NG DAGANG MAY HALONG PALAKA NAMAN!!!!!!!!!!!! Di ako nakapasok sa previous class ko!!!! May Lit pa pala ako!!! Grabeh to bro!! Ang galing ko lang!!! Ano nalang masasabi ng prof ko pag nalaman nilang ako ang DPAU HS vale tapos pa petiks petiks!!! Ayoko naman sirain ang reputasyon ko, kawawa naman magulang ko pag ganun. Saktong tumawag si Aaron.

"Bro san ka bang p*tang ina ka?! Gag* lang bat wala ka kanina sa klase?!" wow galit na galit, itay? Ikaw ba yan? Hahaha.

"Waittt! Chill! Bibig mo! Baka malunok mo phone mo nyan! Haha. Nursing parin ako, balik kana school at samahan mo akong kumain." patawang yaya ko.

"Nawalan na ako ng ganang pumasok. Dota nalang tayo. Alis kana rin dyan! Tara!" forever Dota utak nito haha! Syempre ayokong lumiban, wala parin ako sa mood mag dota. binabaan ko nalang sya ng phone. Naglakad nalang ako mag isa sa Caf. At parang may balak akong gawin. Hahaha. Dating gawi!!!

Ang haba ng pila, gutom na gutom na ako, dating gawi nato. SSB, Singit pila, Sorry, Bawi o Bahala na. Hahaha. Jan kami magaling nila Aaron at nung iba pa naming HS friends eh. Hahaha. Ibig sabihin nyan, sisingit kami sa pila, pag may pumalag, mag sosorry kami syempre, pag ok lang sa kanila bahala na pag hindi naman,babawi kami sa ibang paraan. Hahaha.

"Hoyyy!!! ano ba! Nakapila kami dito, matuto ka naman sumunod sa pila!" ayun, nag react na! 

"Miss sorry ha? gutom na gutom na kasi talaga ako. Paunahin mo na ako, please?" sabi ko nang nakangiti.

"Sobraaa na! Di ko akalain na sa paaralang to pa ako makakabangga ng taong parang di man lang naturuan ng good manners!"  Woah? Ouch, tinamaan ako nun ah. Tama nga ako, di sya from DPAU High.

"Miss, sige na naman chillax lang. Makakakain ka naman eh kaso nga lang.. mauuna ako syempre! Hahaha." habang sinusulat ko ang number ko sa kamay nya at nakangiti parin sa kanya. Wala po talaga akong masamang intensyon kung alam nya lang, gutom lang din haha!

Oooopss!! Mukhang galit na galit ang girl. Parang tigre! hahaha. pero mas galit na mga alaga ko sa tyan, sorry naman dun haha.

Sana naman di na ako late sa next class ko!

I'm not his typeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon