INCOMING FRESHMEN, READY YOUR EXAM SLIP, 2 PENCILS AND ERASER. DPAU ENTRANCE EXAM WILL BE STARTING IN A MINUTE. FOLLOW THE LINE ACCORDING TO YOUR COURSES.
Announcement na nagmula sa school system hudyat na mag sisimula na ang exam. Omg! Parang kinakain na ako ng kaba. Sana naman Lord pumasa ako nito, chaka naman pag si Eman pasado at ako hindi?! San na ako papasok? Nako!!! Ipasa mo naman sana ako.
"Tal, lilinya na ako sa course namin ha? Good luck, ang talino mo kaya!" Tuluyan na ngang umalis si Eman ako nalang mag isa, jusko naman!!! Wala akong ibang magawa kundi pumikit at di makakilos sa kinatatayuan ko at....
ARAAAAYYY!!!
May bumangga sakin at malapit pa akong mabatukan!!! Sinung walang mata naman kaya yun?! Sa laki kong to eh di nya ako nakita?! Nakooo!!!! Grrr. Umuusok na ilong ko at paglingon ko, may isang lalaki na nakatingin sakin habang ang laki ng tawa! Sa laki eh lumabas pa yata sa gate ng DPAU!
"Sorry miss ah? Di ko sinasadya!"
Ano ba yan?! Ang aga aga, di pa nag sisimula ang exam eh ang haggard ko na. BIglang tumunog phone ko at may message galing kay Eman.
Kaya natin to! Smile! Wag kabahan! :)
Smile, Tala! Wag kabahan, ok?! Okay.
Nag simula na nga ang exam at ka kurso ko ang bumangga sakin kasi pumasok sya sa testing room ko eh. Bahala sya, mas pagtutuunan ko ng pansin ang exam kesa sa kanya.
NO ONE IS ALLOWED TO GO OUTSIDE DURING THE EXAM. WE WILL NOT BE DISMISSED UNLESS THERE IS STILL ONE OF YOU WHO IS STILL ANSWERING. ALL BAGS IN FRONT ONLY YOUR PENCIL, ERASER AND TEST SHEETS ON THE ARMCHAIR.
Klarong klaro naman siguro ang instruction Tala ano? Ibig sabihin, walang pangongopyang magaganap kaya't gamitin ang utak. Please? Huhu! Nagsisimula nang umiyak ang utak ko, wala daw syang kain, papakainin ko muna! Huhuhu. Ano ba yan! Bahala na si Batman at si Daniel Padilla! Wish me luck!
.....after 30minutes
Pansin na pansin kong nagbubuklat na nang mga pages ng test booklet ang mga kasama ko samantalang ako.... HAAAAAAAAA??????? DI KO PA NABUBUKSAN YUNG AKIN!!! Omg!!! Tala!! anung kabobohan na naman ba ito?! Nakoooo!! Di naman nangangain ang papel!!! Buksan mo na at magsimula ka nang sumagot!!!
.....after 1hour
Aba! kayong mag alala, malapit ko na matapos ang unang parte ng exam. Nako! Ang dali lang naman pala. Hahaha. Ako lang naman ang unang nag pasa para sa unang bahagi ng test. Kupad kupad naman ng mga kasama ko, sus! Wala kayo sakin! Hahahaha.
2ND PART OF THE TEST CONTAINS LOGIC. SCRATCH PAPERS ARE PROVIDED AT THE END OF THE BOOKLET. THIS EXAM IS FOR 1 AND A HALF HOURS, ONLY FOR 20 ITEMS. MAKE SURE TO TAKE YOUR TIME.
Sa narinig kong iyon, confident na akong ako na naman ang mauunang magpasa. Sus, logic? Nako kahit anung logic pa yan! Hahahahaha. Ha ha ha.. Ha... ha... hu... hu... hu... huhuhuhuhu! Napatingin ako sa bubongan at biglang nabanggit na ang lahat ng santo sa kalangitan! Jusko po! Nursing po ang kinuha ko, bakit... MATH ITO????? Nakoooo! Huhuhuhuhuhu. I'm doomed! Mas malas pa ako sa lahat ng naputulan ng tsinelas habang nag lalakad, nawalan ng baryang pangbayad sa jeep at mas sobrang malas pa ako sa mukha ni bakekang!!! Jusko po, rescue me!!!! Dumudugo na ang apdo ko, di ko na kayang makita ang mga numbers sa papel ko!!!! 20 items lang pero parang mas brutal pa ito sa endless ng Plants vs. Zombies!!!
45MINUTES LEFT
Nakoooo, sa countdown ni Maam parang unti unti akong kinakain ng lupa, number 3 pa lang ako. Ni hindi ko nga sigurado and sagot ko sa number 1 at 2! Lord, ikaw na ho bahalang magsabi kina Mama kung sakasakaling bumagsak ako dito, di lang ho talaga ako magaling sa Math na syang minana ko kay Papa. Kasalanan din ho iyon ni Papa hindi ho ba? Ano ba to, baliw na baliw na ako dito!!! Nang biglang may tumunog na cellphone sa loob...
Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat
Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat
Lahat na mismo nasa 'yo
Ang ganda, ang bait, ang talino
Inggit lahat sila sa'yo
Kahit pa tapat man kanino
Kaya nung lumapit ka sa'kin
Ay, bigla akong nahilo
Di akalaing sabihin mong ako na 'yon
Ang hinahanap mo...
Daniel Padilla, my forever saviour!
BINABASA MO ANG
I'm not his type
RomantikKwento ni Tala at Eman na denial sa nararamdaman nila sa isa't isa. Pano kaya nila napaalam sa isa't -isa ang feelings nila? Yan ang malalaman niyo sa pagpapatuloy nito.