PWEH! PWEHH!!!
Ano ba to! Hindi talaga kaaya ayang lumaklak ng ink! Ano na ba nangyayari sakin?! Bat ang tanga ko ngayung araw? Lumalambot na ba ako? Oh No!! Nag tatransform na ba ako sa pagiging...... No waaayyyyyyyy!!!!!!! Lalaki pa ako! Tanga nga lang. Bakit kaya ang galing kong sumablay ngayon? Kung alam ko lang talagang ganito pala tong araw to sana tuluyan nalang talaga akong hindi nagpa gising kay Manang Leni. Di na tuloy ako makalabas dito sa boys' CR dahil sa ink dito sa bibig ko!
...1 hour later
Wow, parang amoy ink hininga ko haha! Sakto nato bubble gum lang katapat nito basta's okay na sa labas, wala nang ink sa mukha ko.
"Mr, Yabang? Mr. Yabang? Anjan ka ba sa loob? Kung anjan ka , sumagot ka naman oh. Nakakhiya na eh, kanina pa ako mukhang krung krung dito." May boses akong narinig. Tama ba ako? Mr.Yabang? At sino naman kaya yun, boses babae pa. Nang lumabas ako eh nakita ko si yung mataray na girl na kaklase ko pala. Bakit mukha syang worried?
"Uy! Ok kana? Bakit mo kasi kinain yung ink! Di ko naman sinabi na kainin yun, bakit sabi ba ng nanay mo na masarap ang ink para higupin mo yun? Tsaka, naghintay ka nalang kasi sana sa ballpen ko, bat mo pa yun kinain. Kung nakita mo lang yung mukha mo kanina, mukha ka talagang.."
Di paman sya natapos sa pagsasalita nya ay di ko na mapigilan ang pagtawa ko. Pansin na pansin ko sa mukha nya na biglang bago ng reaksyon niya mula sa nag-alala ay biglang sumimangot.
"Oh, bat ka tumatawa jan?" Nakapamewang nyang tanong.
"Hahahaha! Eh kasi ikaw! Ang guilty mo! Wag kana maguilty Koala bear! Nagiging mas cute ka eh."
"Koala bear?! Aba! Di porket nagiguilty ako sayo eh kwits na tayo! May Atraso kapa sakin!" at naalala nya pa talaga ang sa caf kanina! Hahaha. Ang cute naman nitong babaeng to. Kapal kapal ng buhok nya na dumadaloy lang sa gilid ng mukha nya. Gustong gusto ko ang mga mata nya, kitang kita mo ang totoong nararamdaman nya. Woah? Men! bat ba ako ganito mag salita? Hahaha. Nakakaaliw naman tong araw na to.
"Oh, sorry na. yang number ko, save mo yan bago ka maligo baka mabura pa." habang naglakad na ako papalayo.
"Hoy Mr. Yabang! Di ko alam kung maiintindihan mo ako pero kasi.. hmm..ayokong.. magkautang ng..."
"Raphael! Raphael Arellano. Hindi Mr. Yabang! Ikaw sino ka?"
"Tala Ramirez."
"Ayaw mong magkautang ng loob sa akin? San ba ang kasalanan mo dun? Diba nga ako pa may kasalanan sayo?"
"Eh kasi..... hmmmm.. sinadya kong mag tagal tagalan sa pag gamit ng ballpen para di mo magamit at para makaganti ako sayo." Sabi nya habang nakayuko at hinihila hila ang edge ng blouse nya. Hahahaha! Kaya pala ang guilty guilty nya! Natatawa na talaga ako sobra sa kanya.
"Ano ba yan, okay nga lang. Di mo naman kasalanan yun. Okay lang yun. Wala yun sakin..."
"Eh kasi naman.. yung... hindi nakasagot kanina, eh..."
"Ano??"
"EH ZERO NA SA PRELIMS!!!" Sinigaw nya habang nakapikit.
Hahahaha. Natawa nalang ako saobra. Kaya pala talaga ang guilty nya. Kawawang Koala bear!
"Okay nga lang, ano ba! Sige mauna na ako." Tinaas ko ang thumb ko habang naglalakad palayo sa kanya.
"Teka Mr. Yabang!!! Gusto kong bumawi, gusto mo tutor mo nalang ako sa English?! Para di naman ako tuluyang lamunin ng konsensya ko!! Hoy! Makinig ka naman!" insist nya habang sinisigawan ako sa likuran. Natigilan naman ako nun, haha. Nice! Automatic tutor to ah. Sino bang aatras sa free tutorial sessions? Hahaha.
Lumingon ako sa kanya sabay sabing, "Alright, Ma'am! See you tomorrow!"
Koala bear, my tutor baby!
![](https://img.wattpad.com/cover/17937753-288-k871966.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm not his type
RomantizmKwento ni Tala at Eman na denial sa nararamdaman nila sa isa't isa. Pano kaya nila napaalam sa isa't -isa ang feelings nila? Yan ang malalaman niyo sa pagpapatuloy nito.