TALA
"Bye-bye, Tal!" kaway ni Eman sakin habang papasok na ako ng gate. Hinatid nya na kasi ako matapos yung mala-You Changed my Life in a moment na ganapan sa park.
"Bye, Eman! Ingat ka ha? Salamat. magtext kung nakaabot na ng bahay, ha?"
"Naks! Miss mo na ako agad? Gusto na ako makita agad bukas?"
"Eman!!!"
"Hindi, joke lang." bumalik sya sakin at hinug ako.
"Ikaw nga jan miss na ako agad, hug hug ka pa jan." sabi ko sa kanya habang nakaakap.
Tiningnan nya ako, "Ano ka? Adik mo. Bye bye na nga.." at hinalikan ako sa noo. Pagkatapos nyang ikiss noo ko, hinawakan nya ito at nag smile, "Tiis tiis na muna tayo ha? Tiis tiis muna sa noo. Sa susunod, dito na yan (habang hinawakan ang labi ko.)"
"Heeeee!!! Nako Emaaan!!! Ano na naman yan." nag rolling eyeballs ako sa kanya.
"Pag ako... Nako! Pag yaaan, pag yaaan nagkatotoo!! Sus nako!!" sabi nya habang naglalakad na papunta sasakyan nya.
"Kulit mo Eman, haha! Bye-bye!"
"Bye-bye, pasok ka na Tal. Bilis."
"Po! Bye! :)" at nag flying kiss ako. Ito namang baliw na si Eman eh sinalo nya kuno ang kiss ko at nag drama na parang natamaan sa dibdib. Nako! Di talaga nauubusan ng mga pakulo sa buhay tong bespren ko.
"Nak, anjan ka na pala. May nag hihintay sayo." sabi ni Mama.
Ha? Sino naman kaya yan? Ah! Baka si Jill, chika time na naman to! Nako.
"Hi Tal!" nagulat ako sa nakita ko, si Rapha pala. Bat nya alam dito? Kakahiya naman sa mayamang ito, bat pa ba pumunta sa humble abode namin.
"Hello, Rapha! Kanina ka pa ba dito? Pasensya na ha, galing kasi kami nag simba ng bespren kong si Em----"
"Ay nako anak, ok lang si Rapha dito, nagkausap nga kami. Di naman yata sya naging bored sa paghihintay. Ano, hijo?" Nako talaga tong si Mama, umiral na naman tong pagka chikadora sa mga classmates ko.
"Okay lang naman ako Tal, tsaka, tama mama mo, di naman ako nainip kasi di rin naman masyadong matagal paghihintay ko."
"Oh, bat ka pala andito?" sabi ko sa kanya habang nagbubukas ng frig, nauhaw ako.
"Andito kasi ako para magpaalam sayo at sa Mama mo kung pwede lang ba kitang i-date?" HA??? TAMA BA ANG NARINIG KO????? MUNTIKAN KO NANG MABUGA ANG INIINOM KONG TUBIG!
Natulala ako bigla at napatingin lang kay Rapha. Ha? Ano daw? Nabingi ba ako?! Napakamot si Rapha sa ulo nya.
"Eh, he-he-he.. Hindi naman katulad ng date na date nyong iniisip. Kasi po, birthday ng Mama ko sa susunod na linggo, may konting party si Mama and she expects me to bring a date."
Napainom ako ulit ng tubig, ano ba yan. Di ako sanay sa mga ganyan.
"Talaga ba hijo? Oo naman! Walang problema yan kay Tala! Diba anak? Aba'y teka, bat si Tala ang napili mong date?" tanong ni Mama sa kanya. Wow, Ma ha! Kung maka Walang problema yan kay Tala! naman parang wala lang akong utak na di makasagot at sumagot ka para sakin?! Haynakooo nanay kong ewan!
"Eh, kasi ho Tita sya lang naikekwento ko kay Mama. Kaklase ko kasi sya tapos kami rin partners mostly sa mga school papers, pairing and requirements namin. Pero syempre, ok lang ho kung ayaw nyo."
"Ahh hehe, Rapha eh kasi ----"
"Ay nako hijo! Walang problema yan. this coming sunday, Tala will be the most beautiful lady!"
BINABASA MO ANG
I'm not his type
RomanceKwento ni Tala at Eman na denial sa nararamdaman nila sa isa't isa. Pano kaya nila napaalam sa isa't -isa ang feelings nila? Yan ang malalaman niyo sa pagpapatuloy nito.