EMAN
Sino nga ba si Sandra?
Siya lang naman ang nag-iisa kong ex-girlfriend. Oo, ex. Kasi naman tong si Tala pinaalala pa. Nung 2nd yr HS namin kaklase ni Tala si Sandra. Maganda sya, makapal ang mahaba at itim nyang buhok, nuknukan sa kabaitan at ang ganda ng paningin sa buhay.
Sila ni Tala ang unang naging close, nakaka selos nga noon kasi parang mas gusto na nyang kasama si Sandra kesa sakin. Syempre nga rin naman, babae sila, meron talagang mga bagay na awkward iopen ni Tala sakin na napakadali nga lang naman nyang masabi kay Sandra.
Festival nun sa school nang sinagot ako ni Sandra. Parang walang mapaglagyan ang saya ko nun.
"Congrats bespren! Sa wakas, may GF kana bwahaha!" panay kantsaw ni Tala sakin, kasi naman tong babaeng to, 3 na naging ex. Haha! Pero puro di nya siniseryoso, kasi naman tong babae to ang galing lang magpaasa. Alam na alam ko pag di nya gusto manliligaw nya, sobrang taray lang! Haha. Di ko rin sya masisi, lapitin din sya. Di pa talaga sya mature sa buhay. Okay lang, bata parin naman kami enjoyin lang ang buhay. Teka?! Mabalik natin si Sandra sa usapan.
Bespren, happy ako sayo. Alam ko kasing noon mo pa talaga like si Sandra, sabi ko nga sayo bagay kayo. Ingatan mo si Sandra ha?! Kundi, nako! Tatamaan ka ng marami sakin.
Text message na natanggap ko mula kay Tala.
Oh naman bespren! Salamat pala sa lahat ng tulong mo, mas mahal kita sa lahat! Ang lakas ko talaga sayo.
Aba, nambola pato! Oh sha, matulog na tayo. See you bukas, good night.
Nag tagal din kami ni Sandra ng dalawang taon, sobrang mahal ko sya ngunit dumating ang araw ng 2nd anniversary namin.
"Oh, ano Tal? Handa na na kayo jan? Pag sabi kong buksan ang ilaw, buksan ha?"
Oo, andito na kami sa classroom after class ready to blow out the surprise for Sandra.
"Paparating na si Sandra, Eman, mag handa ka na!" warning nung kaklase na kinunchaba din namin.
Lumapit si Tala sakin at inayos ang buhok ko, "Bespren, sobrang proud ako sayo. Swerte ni Sandra sayo, sana mag tagal pa kayo forever forever forever!!!"
"Salamat Tal, alam kong mas swerte ako kasi anjan ka sumusuporta sa amin."
"Anjan na syaa!!"
Wooooh! Grabe na ang kaba ko ano ba to! Bahala na.
And it's our God-forsaken right to be loved, loved, loved, loved, loved
So I won't hesitate
No more, no more.
It cannot wait,
I'm sure.
There's no need to complicate.
Our time is short.
This is our fate,
I'm yours.
Hinawakan ko ang kamay ni Sandra, "Happy 2nd Annivers....."
Di paman ako nakakatapos sa sinsabi ko biglang inalis nya ang kamay nya sa pagkakahawak ko. Nagtaka ako sobra at di man lang sya mkatingin sa akin. Nagtaka at nagulat din yata sila Tala at iba pa naming kaklase kaya lumabas na sila sa room.
"Sandr...."
"Alam kong di ka nagkulang Eman, kitang kita ko nga kung gaano ka umeffort sa akin, sa atin.. Kaso.." sabi nya habang nangingilid ang luha nya.
"Ano bang ibig sabihin nito? Ano bang sinasabi mo Sandra? Kita mo oh, ang perfect natin. Dalawang taon na tayo." Ang sakit na talaga, pinipigilan ko nalang ang maiyak.
"Eman, ssshh! Wag kang umiyak, alam mo bang ang sarap mong mahalin at ang sarap mong magmahal. Eman, mahal mo ko alam ko yun pero alam mo bang noon ko pa to tinatago?" Sabi nya habang hinahawakan ang mukha ko.
"Anung tinatago? Ano ba talaga ako sayo?"
"Hindi Eman, importante ka sakin. Kaso lang, noon ko pa talaga napapansin na ibang iba ang mga titig mo kay.." Napahinto sya sa pagsasalita at napatingin sahig.
"Alam mo ba nung araw na singot kita eh grabe nalang ang takot ko. Takot ko baka one day ma realize mong hindi talaga ako para sa iyo."
"Ano ba Sandra?! Ayokong makinig sa mga pinagsasabi mo!"
"Eman, wag ka ngang magbubulag bulagan, buksan mo yang mga mata mo! Mahal mo si Tala, alam ko, mas iba kang tumingin sa kanya kesa sakin. Unang una, balak ko kayong dalawa ni Tala ang paglapitin namalapit pa sa isang higit pa sa mag kaibigan. Di ko naman inakala na iba ang gusto ni Tala na mangyari kaya tayong dalawa ang nahulog sa isa't isa. Yang mga kaklase natin? Alam nila ang plano kong mas ipamukha sayo na si Tala ang mahal mo. Hindi porket andito ako, Eman eh ako narin ang laman ng puso mo. Alam ko na alam mong si Tala ang nanjajan." habang hawak-hawak nya ang dibdib ko, napahinto sya sa pag sasalita at lumakad papalayo sa akin.
Bakit hindi ko man lang sya mapigilan? Ni-hindi ko man lang sya kayang tingnan? Ba't di ako umimik at ipagtanggol kung ano man ang mayroon kami? Kami pa nga ba ang para sa isa't isa?

BINABASA MO ANG
I'm not his type
RomanceKwento ni Tala at Eman na denial sa nararamdaman nila sa isa't isa. Pano kaya nila napaalam sa isa't -isa ang feelings nila? Yan ang malalaman niyo sa pagpapatuloy nito.