Chapter 15

208 30 0
                                    

RAPHA

Wew!!! At natapos rin ang day1 ng college fiesta. Sha nga pala! Natapos namin yung concept work namin, syempre, inspired kaya ako kaya natapos agad. Naks!!! Kaya napapangiti ako eh. Biglang tumunog phone ko, uy si Tala!

Salamat kanina, Rapha ha! Sa susunod at bukas ulit.

Walang anuman Ms. Ramirez! :) sana naman manalo tayo.

Positive tayo jan, at kung hindi man, chokeh lang yun may susunod pa naman eh ^___^

Ang bait nya talaga sobra. Kung ako? Ako nagsakripisyo sa init? Papatalo? Subukan nila!!! Hahaha.

Sige lang Tala, pag tayo talo, kilala at alam ko naman kung san offices ng judge. Yari sila sakin!

Hoy! Bibig mo! Sira ka talaga! Hahaha. Sge, see you bukas! Thanks again, gbu! :*

Naknang!!!! Hinahalikan nya ba ako?? Shemay. Syempre, hindi!!! Smiley lang yan eh! Praning kana nga talaga Raphael!

Alright! See you, gbu2 :*

Ang sweet naman. Hahayy puso ko nalalaglag na!!!

"Huy kuya!!! Bat ka nakangiti habang nagtetxt jan??" Sipat nitong si Ram habang naka cross arms.

"Huh? A-ahh. E-ehh.. nag GM ng joke kaklase ko." Deny ko.

"Joke?? Mukhang kinikilig ka eh. May nakakakilig na bang joke ngayon? Bigyan mo nga ako para makilig din ako!" At nagbigay sya ng famous rolling eyeballs nya.

"Heeee!!! Masyado ka nang maingay Ram ha!!!" Hinila ko ang towel na nakapulupot sa leeg ko, bagong ligo lang kasi ako. Sinapak ko iyon kay Ram habang pababa kami ng hagdanan.

"Ma si Kuya kinikilig oh!!!" tumakbo sya pababa papunta kay mama.

"Sshh sshh kayo ha! Dahan dahan Ram! Buti naman nakababa na kayo kakain na." Paalala ni mama habang tinutulungan si manang sa pag hahanda ng hapag. Naupo na ako sa upuan ko at kaharap ko si Ram. Nagbebelat parin sya sakin at minamouth nya parin ang words na 'kinikilig' nakooo!!! Kung lalaki lang talaga tong batang to kanina ko pato ni wrestling eh!

"Oh, kain na tayo. Ram, lead the prayer."

Umayos na kami ni Ram at nagsimula na sya sa pagdadasal.

"Lord thank you sa food. Thank you dahil kasabay ko si Mama at kuya sa hapag. Thank you dahil nakarating ng safe si Kuya sa Canada. Thank you din sa work ni Papa dun sa Cebu, keep him safe. Ame--. Oops, tsaka po Lord sana umamin si Kuya na kinilig sya kanina. Yun lang po, thanks! Amen!"

Bat nasali ang pagkakilig ko dun?! (O.O)

"Kayo ha, ano ba yang kilig2 na sabi nyo?" Tanong ni mama habang nilalagyan ng kanin si Ram.

"Oo nga KUYA, ano kaya yung KINIKILIG KANG NAGTETXT??" at emphasize pa ang mga yan Ram ha!!!

"Si Ram kasi Ma! Gumagawa na naman ng story."

"May nililigawan ka ba anak?"

"Nako! Wala po!"

"Mama, baka liligawan pa." Dagdag nitong si Ram. Grabeh di matahimik!!!

"Totoo ba anak?"

I cant deny things kay mama. Kahit idedeny ko yan, sooner or later malalaman rin naman nila, kaya ioopen ko na nga lang.

"Hmm, Mama.. hindi naman sa ganun. Wala pang ligawan. Hmm, sabihin nalang nating, crush ko sya."

"see?! I won, you got kilig talaga kanina." Sabat nitong si Ram habang halatang napaka maldita nya sa tawa nya.

I'm not his typeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon