Eman
Sa araw na ito, naramdaman ko na miss na miss ko si Tala kahit naman alam ko sa sarili ko na magkikita rin kami. Iba tong nararamdaman ko, parang ngayon ko nga lang to nafeel kay Tala usually kasi kay mama ko to nafifeel. Ewan ko, kaya nga rin nadala na ako kanina at napapalapit ako sa kanya. Gusto ko , gusto ko lang sya parating hawak or di kaya kasama. Bakit ganyan? Ano ba yan?! Sobra naman to. Matawagan nga si Paeng. Ah, sha nga pala. Si Paeng kababata ko, martyr sa pag ibig kaso nga lang, wala sya dito sa Pilipinas, ngayon, parang nag bakasyon ata as Canada kasi sabi nya sasama sya sa kuya nya para sunduin yung mapapangasawa ng kuya nya para rin daw makapag bakasyon sya. Sa iMessage nga lang kami mag usap nun pero puro walang silbi. Haha.
Eman: Bro, wasap?!
Paeng: Adik naman nito! Nag aaral pa ako!
Eman: Woah! Woah! Woah! Tama ba nabasa ko?! Nag aaral ang sobrang matalinong walang kwenta kong kababata?!
Paeng: Trashtalkin kita jan hahaha o? anung problema?
Eman: Wala. puso bro. pero paran wala kang interes. sge hahaha
Paeng: woah! woah! ikaw ang woah jan! Sino ba yan bro? yun ba yung sabi mo?
Eman: Hahaha sira. anung sabi ko?
Paeng: yung bespren mo! suuus!! nahihiya ka pa?! Ano?! napag alaman mo na bang pag ibig na nararamdaman mo sa kanya?! Hahaha
Eman: sira! parang ganun na nga pero na a-awkward ao, kabaklaan naman tong pinag uusapan natin. hahaha bat ba lovelife ko pa? ang bakla hahaha
Paeng: ow, im your dr. love remember?! HAhaha!
Eman: yun nga, sana andito ka para naman matulungan mo ko.
Paeng: bro nga pala!! di mo alam?! Andito na ako. ay teka, di pala talaga ako umalis. hahah si kuya nalang kasi pupunta di kami natuloy nung summer kasi naman snow storm daw halos ever week sa canada kaya di natuloy si kuya, ngayon nalang daw kasi summer na eh dito naman klase, kaya yun, di na ako sumama
Eman: ayos naman pala kung ganun eh! Sana naman makapunta ka dito sa bahay.
Paeng: sana nga, sige bro pag usapan natin yang puso mo pag may time ha? ngayon eh di talaga, need ko pa bumawi. kakasuka first day ko, literrally! hahaha. yo, bye.
Di man lang nagsabi? Hahaha. Busy nga siguro sya. kakausapin ko nalang sarili ko. Sa tuwing ganito, naaalala ko talaga sinabi sakin ni Sandra na mas bagay kami ni Tala. Ano ba yan? Bat ganun? Ang galing naman ni Sandra at nauna nya pang naramdaman kesa sakin na may pagtingin ako kay Tala. Ganun siguro talaga yun pag naramdaman mo nang mahal mo na ang taong naging malapit na sayo. Ahh!!! Hindi!!! Sobra pa sa lapit, kambal tuko na yata tawag jan. Sabayan pa nang kaba sa dibdib kasi di mo malaman kung ano kaya ang nararamdaman nya sakin. Pano pag kaibigan lang talaga tingin nya sakin? Ipagpapatuloy ko pa ba? Pag sinabi ko bang mahal ko sya, eh, mahal rin kita ang sagot nya? Pag hindi ko naman sabihin, eh, pano ko malalaman kung anung nararamdaman nya? Masisira pa ba itong kung ano mang meron kami ngayon? Oh, diba? Ang dami talagang tanong sa utak ko na kahit ako ay di ko masagot. Kaya nga rin siguro tingnan ny ako, hanggang ngayon ay denial parin sa lahat lahat. Pero parang di nato magtatagal, damang dama ko nang hindi ko na matago ang ibang pag aalaga ko kay Tala sa tuwing.......
RING!!!!!! RING!!!!!!!!!
Tumunog phone ko. Ano ba, distorbo sa pag mumuni muni ko. Ay, hindi pala, galing kay Tala eh :)
Bespren, sabay parin tayo bukas ha? Kung gusto mo dito ka nalang breakfast :)
Oh naman, kahit araw arawin ko pa yan. Hahaha!
Salamat bespren! Kaya mahal kita eh! Tulog kana, see you :*
YUN OH! MAHAL NYA DAW AKO OH!!!! MAY PA KISS NA SMILEY PA!!! TATAWA NA BA AKO ABOT TENGA?? HAHA!
Okay, see you tomorrow bespren! Good night, mas mahal kita! :*
Ang cheezy na natin, pumapanghe eh! Hahaha!
Hahahaha! Tulog na nga!!
Kaninong gabi ang maganda??? EH KANINO PA, KAY THE GREAT EMMANUEL SANTOS!!!! :)
Mahal ko nga tong babaeng to. Siya na!
Kahit ideny ko man sa sarili ko. Di ko talaga matago. Habang tinitingnan ko ang mga larawan naming magkasama kami, walang kapares! Gatas-Kape, Mouse-mousepad, kutsara-tinidor, KimXi, KathNiel at anu-ano pa, yan na! Ganyan na talaga kami ka-close/swak/pakners/the best forever!!! Type ko ba sya? Hind, mahal ko sya! Type? Ano bang kaibahan nun? Hahaha. Ewan nga lang.. Basta, mahal ko siya.
BINABASA MO ANG
I'm not his type
RomanceKwento ni Tala at Eman na denial sa nararamdaman nila sa isa't isa. Pano kaya nila napaalam sa isa't -isa ang feelings nila? Yan ang malalaman niyo sa pagpapatuloy nito.