MIDTERMS NAAAA!!!!
Woah! Ang bilis nga ng panahon pag college. Nagsimula lang kami nun sa quiz ah! Tapos ngayon pangalawang exam na namin sa sem nato?! Hayyy! Di na ako makakahinga nito sa Finals. Okay lang naman ang mga grades na nakuha ko sa prelims. Alam mo bang napasa ko ang algebra exam ko dahil kay Mr. Yabang?! Grabeh lang talaga. Ang talino nya sa Math! Grabeh parang hinihipan lang test paper and.. buella! Tapos na sya! Ano ba yan, sana ganyan din ako. Anyway, oo. Tama kayo. Close na kami. Mabait rin naman tong si Rapha. Mas prefer nya tinatawag syang si Rapha. Cute rin naman. Ngayung unti unti ko nang nakikilala si Rapha, mas nagugustuhan ko pesonality nya. Di sya pikon eh, down to earth at sobrang intelligent. Kaso nga lang, may isang wala sa kanya. Hindi sya marunong mag commute at di rin sanay pumuntang wet market, ukay-ukayan at di marunong makipag tawaran. Bat ko nalaman yan? Ganito kasi..
Diba nga partner kami sa buong sem nato para sa AnaPhysio Lec namin sa lahat ng research, assignments at project. Nag simula kami syempre sa vital na gawin. Yun ay yung daily diet. Iaassess namin ang daily diet namin kung healthy ba at syempre ieexplain namin yan sa class kung saang internal organ or kahit pati sa bones namin ang makakabenefit sa nutrition na yun. Ayun! Last weekend lang, wala kaming NSTP class kaya nakapag decide kami na mamalengke nalang. Syempre, NSTP, dahil sa mula nga kami sa mala-Cambridge University ng Pilipinas, napag sabihan na kami ng NSTP prof namin na di kami pwedeng mag dala ng mga sasakyan namin kasi di nila gusto na magka impresyon ang brgy. na tutulungan namin na nagpapagandahan lang kami ng mga sasakyan sa tuwing bumubisita kami doon at nag rereach out.
"Tal, hintay na muna tayo itetext ko si manong ipapahatid ko car ko para di na tayo mag commute papuntang palengke." Habang kinukuha nya ang phoen nya sa bulsa at magtetext.
"Ha? Lapit lang ng palengke dito. One ride lang ah! Mag jijeep nalang tayo. Aabalahin mo pa driver nyo eh."
"Sure ka?! Magjijeep tayo?" gulat na sabi nya.
"Oo, bakit?! Hindi nakapag jeep ano!?" tanong ko with kawawang-nilalang-look.
"Ah..ehh.. nako! Kaya ko yan. Tara." Sabi nya with plastic smile.
Huh!! Kala nya ha!!! Kawawang rich kid, di marunong mag jeep. Iwan ko kaya to? Sure ako di to makakauwi mag isa!! Hahaha. Pumara na ako ng jeep. Dun sa nakaupo sa harapan ko. Kumuha na ako ng bayad kasi malapit lang naman, mabuti nang makapag bayad agad.
"Oh, ako na Tal!" Sabi nya habang hinugot ang isang daan sa bulsa nya.
"Omg! Ano ba, jeep lang to! Bente, kasya na sa ating dalawa!"
"Ganun ba? Sorry naman." at tila naghahanap sya ng bente sa pitaka nya.
"Wag na nga yabang! Ako na. 'manong bayad ho, dalawa sa palengke lang studyante' "
Napakamot nalang sya sa ulo nya. Teka, parang si manong naman tigil ng tigil ah! Tsk tsk wala namang sasakay na pasahero dito na side. Napansin kong sumisikip na ang jeep kaya umuurong na ako. Ito namang si yabang feel na feel ang paglalaro sa iPhone nya. Alam nyang naka iPhone sya na napaka init sa mata ng mga magnanakaw eh panay pa labas na nasa jeep kami!!! Nakooo!!! Sakit to sa ulo!!!
"Huy! Tago mo yang phone mo, baka manakaw!!" Sabi ko sa kanya ng pabulong sabay sign language na itago phone nya. Na gets nya naman. Nilagay nya sa bag nya at pagkatapos ay nilagay ang bag sa tabi nya. Nako!!! Rich kid talaga!! Alam na ngang siksikan na ang jeep eh pinaupo pa ang bag nya. Pang dalawa lang binayad ko at di kasali bag na dun -_____- pahamak naman!!!
"Rapha!! Ano ba! Kandungin mo nga yang bag mo!" Sabi ko sa kanya.
"Ha? Kakandong ka sakin?"
"Wow!! Ang layo lang nung ako sa bag mo ah?!"
"Joke lang, narinig ko. Hahahaha! Okay maam, kakandungin na." nag smile sya at nawala mata nya. Nagpapa cute pa eh! Binabawi pagka tanga sa pagpapacute eh!!
Dumating na kami at bumaba na sa may kanto.
"Oh, so san tayo uuna madam?"
"Sa palengke tayo. Ready ka na?"
Chinek up ko dating nya. Ooops! Need to make over. Pinataas ko sa kanya yung pantalon nya kasi alam kong mamasamasa sa loob baka mabasa pantalon nya sa may heels. Pinahubad ko polo nya, may white tshirt naman syang panloob at pinalipat ang bag nya sa harapan. Mahirap na baka manakawan. Prevention is better than cure!!! Ako naman ay tinali na pataas ang buhok ko at nilabas ang listahan na last week ko pang ginawa para sa project nato. Palengke, here we go!
"Oh, anung daily diet mo? Nalista ko na kasi akin dito." habang naglalakad kami papasok.
"Ha? Wala naman. Bread lang ako sa umaga tapos di yan always kasi nag aagahan lang ako pag di ako late magising. Weekends naman eh... oo nag aagahan ako, usually beef steak, or pork stew favorite ko yan or siomai!!! gusto ko rin yun."
Woah!!!! Breakfast ba yan???? parang pang buong araw na meal ko na yan ah. Grabeh! Nahiya naman ako sa mga itlog, isda, daing at talong na mga nilista kong breakfast ko!!!
"Sure ka jan? Grabeh! pwede bang tumira nalang din sa bahay nyo?? Di kaba kumakain ng talong?? Itlog?? pritong isda, or ampalaya sa agahan??
"Eww! Ayoko ng ampalaya!! pero the rest na sinabi, syempre nakakain na! Lalo na pag doon nag sisleep over dati ang bespren kong adik sa dota sya nagluluto eh."
"Goood! Ayoko rin sa ampalaya eh. Buti naman kumakain ka nang normal na pagkain." at namili na kami.
Sa pamimiling yun, tinuruan ko syang magtawad, mamili ng mga magagandang klase ng gulay at prutas na hindi lanta at sya rin taga bitbit ko. Advantage rin pala na sinama ko sya. Hahaha.
Halos magkapareha kami ng mga ayaw kainin. Ayaw namin ng ampalaya, karots, guyabano, at patola. Pero gusto nya ang isang ayaw ko. Parang napagod kasi sya at nauhaw. Nakakita sya ng sago't gulaman. Grabeh parang camel kung makainom ng sago't gulaman. Ayoko talaga nyan. Suuuper! Napagpasyahan na nya na sa bahay nalang nila lutuin lahat nun para sa meal and table preparation namin next week sakto na at ako nalang bahala sa utensils. Ok rin naman sakin yun.
"Tal, salamat ha? Andami kong natutunan sa buong araw na pinagod moko sa pamamalengke." Sabi nya kasi pauwi na kami sa kanya kanyang bahay namin.
"Walang anuman, salamat din. Ayan, mabubuhay kana mag isa. Marunong kana mamalengke eh. " Sabi ko sa kanya sabay tawa at wave sa kamay ng bye bye.
Diba? Mission accomplish kami ngayon ah. May nanay instinct na pala ako konti. San ko yan natutunan? Syempre, kay Eman. Kung wala sya, di yata ako magiging babae. Hahaha! At infairness nitong si Rapha, walang reklamo at walang pag aalinlangan na sumunod lang din. Mabait mabait at mabuti mabuti! Isa itong indikasyon ng magandang samahan..

BINABASA MO ANG
I'm not his type
RomanceKwento ni Tala at Eman na denial sa nararamdaman nila sa isa't isa. Pano kaya nila napaalam sa isa't -isa ang feelings nila? Yan ang malalaman niyo sa pagpapatuloy nito.