Tala
HA??? TANGA KA BA ALISANDRA RAMIREZ?!
Wala na, patay na patay na talaga ako nito. Huhuhu. Ano ba yung sinabi ko sa kanya?! Tutor?! Wow!!! Ano 'to? Ako pa mahina utak, ako pa magtututor? Matalino ba yun? Sana naman hindi yun masyadong mautak para naman di ako mapapahiya. Nako naman! "Ano na naman ba ito Tala?!" sabi ko sa sarili ko habang sinusuntok ang magkabilang braso ko naglalakad sa hallway palabas ng campus at narinig kong may tumatakbo sa likuran ko pero biglang huminto sabay may nag takip ng mga mata ko.
"Kamusta kana Chichay?"
Sa amoy pa lang ng kamay, lambot at laki alam ko ng si Eman.
"Joaquin, san na ang magic dust? Gusto kong mag disappear!!!" sabi ko sa kanya habang pilit na tinatanggal ang kamay nyang nakatakip sa mga mata ko.
Niyakap nya ako mula sa likod at pinaikot paharap sa kanya, "Bakit? Anong problema Chichay? May asungot bang nanggulo ng araw mo?"
Gustong gusto ko na talaga umiyak, wala na akong nagawa kundi ang ipatong ang ulo ko sa balikat nya, "Tara, uwi na tayo. Ay teka, ice cream muna???" palambing kong sabi sa kanya. Naramdaman ko ang pag tango nya dahil dumampi ang chin nya sa ulo ko.
Ice cream + plus bespren kong spoiled ako = Happy stressfree life!!! Habang papunta kaming Ice cream shop malapit sa school, naikwento ko ang nangyari sa akin sa buong araw, ganun din si Eman. Parang wala naman syang problema. Hawak kamay kaming naglalakad habang papuntang ice cream shop at nagkekwentuhan, malapit na kaming makarating ng biglang napansin ko si Jill na nakangiting nakatingin samin.
"Uy! Bespren lang ba talaga yan?" sabi nya habang kinakalabit ako sa bewang.
"Ano ba Jill, oo naman."
"Bat ang higpit ng hawakan nyang mga kamay nyo?!"
Narinig yata kami ni Eman na nagbubulungan at biglang binitawan ang kamay namin sa pagkakahawak at sabay nagtanong, "Ahh-hh, ehh, Jill mag i-ice cream kami ni Tala, sama ka?"
Napansin naman ni Jill na binitiwan na ni Eman ang kamay ko at napailing nalang sya, "Ah hehe. Wag na! Lumabas lang naman ako sa dorm para bumili ng pang dinner ko mamaya, sige lang. okay lang ah."
Biglang nahiya si Jill at pinangdilatan ako ng mata. Hahaha! Nako talaga.. Tiningnan ko si Eman. Gustong gusto ko talaga siya. Ha? Ay, gusto? Hindi, yang features nya. Yang ang galing lang na napapakalma nya ako. Kahit yung company nya lang, ok na sa akin, ayos na ako. Diba? Oo nga. Diba Tala? OMG! Ano na ba to?!
"Tal, dito ka upo. Yun parin ba sayo?' tanong ni Eman sakin habang papunta sa may counter para mag order.
"Yup, thanks!"
Habang nasa shop kami eh marami kaming napag usapan ni Eman. Marami syang binigay saking pagkain sa utak, haha. Pag kain sa utak para sa akin ay mga WOW ni Eman. Words Of Wisdom. Para kasi syang tatay kung makapagsalita. Love niya kasi ako. Haha! Andami nyang mga advise sa buhay, sabi nya okay lang daw yung mga nangyari. Ang pinaka gusto ko sa mga sinabi nya ay, "Alisandra, di naman kasalanan magkamali minsan ah. Oh, katulad nun, tama lang naman ang reaction mo dun. Kahit ako magagalit pag ganun, pero bumawi kana at okay lang naman pala dun sa guy eh pagtiisan mo nalang. English lang din naman yan eh, alam kong sisiw yan sayo. Ha? Basta't alam mo sa sarili mong wala kang ginagawang masama eh okay na ako jan. Tsaka pag in-ano ka nung lalaking yun, andito ako para tamaan sya. Ha?"
Sabi na sainyo, mahal nya ako. Haha! apat na araw pa bago weekend, mahaba habang usapan pa to. Di na namin namalayan ni Eman na gabi na pala. Nag lakad na kami papuntang car park para makauwi narin. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog na pala ako habang nasa daan, ang traffic naman kasi kaya mas lalo kaming natagalang umuwi. Dun ko namalayan na hawak hawak pala ni Eman ang kamay ko kahit nag dadrive sya nung malapit na kaming dumating samin, sumakit na kase ang leeg ko sa posisyon ng pagkakatulog ko.
"Pagod na pagod ata ah?" tanong nya habang hinahawakan parin ng mahigpit ang malamig kong kamay. Ang lakas naman kasi ng aircon ng sasakyan na to. Nag smile nalang ako sa kanya at umupo ng maayos. Na-awkward ako bigla kasi hawak nya parin yung kamay ko, napansin nya siguro kaya nilagay na nya ang kamay ko sa left lap ko.
"Tsansing na yan ah!" hirit ko para man lang mawala ang awkwardness sa paligid.
"Haha! Di, gusto ko nga. Nakakalma ako pag hawak ko kamay mo, lalo na kanina traffic." seryosong sagot nya na nabigla naman ako. Nagpaalam na ako at bababa na sa sasakyan ng bigla nyang hinila pababa ang kamay ko at napaupo ako pabalik. Niyakap nya ako bigla at binulong nyang, "Tal, di ko siguro alam pag wala ka. Sana tayo na parati partners ha?"
Humarap ako sa kanya, "Ano ba Eman, ang drama natin ah? Kala ko ba ako lang madrama satin? Oo naman, syempre. Promise yan!" I assured him that and smiled. "Dito ka nalang kaya mag dinner?" yaya ko sa kanya.
"Wag na, di paman din ako gutom. Good evening mo nalang ako kay Tita." sabay wave nya sa kamay nya at tinaas narin ang window sa car nya. Pagod narin siguro sya, naiintindihan ko rin naman.
Pareho kaming stress ni Eman sa first day ah, sana naman hindi na sa mga susunod na araw. Ang sarap na talagang pumasok sa kwarto ko para makita ko na si Daniel Padilla ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
I'm not his type
RomantikKwento ni Tala at Eman na denial sa nararamdaman nila sa isa't isa. Pano kaya nila napaalam sa isa't -isa ang feelings nila? Yan ang malalaman niyo sa pagpapatuloy nito.