Chapter 18

227 29 0
                                    

TALA

At natapos din ang lunch date with Ram. Grabeh! Ang sarap naman nun! I mean, ang saya kasi nakadiscover ako ng makakchika about kay Daniel. Puro virtual nalang kasi mga ka-Daniel ko like yang sa tweets. Jusko. Si Jill naman maka-Daniel sya pero naman, mas maka-Niall yun ng 1D. Hayyy! Ang saya naman. Ano ba first impression ko kay Ram. Syempre, maldita. Hahaha. Yes, honestly! Parang porma nya pa lang, nakakaintimidate na, yang alam nyo yun? Yang tipong ganyan?

Pero syempre, hindi naman ako maiintimidate kasi hindi naman kami ka-age pero siguro pag ka age kami, isa sya sa mga iiwasan kong maging kaibigan kasi feeling ko ang arte-arte nya. hahaha. Pero, hindi lang yan! Ang ganda nya. Yung kutis nya parang hindi naiinitan at hindi dumaan ng pagka stress. hahaha! Oh nga pala, kasi nga bata pa sya. Pero kahit kaka-first year HS nya pa lang, ang demure na nyang gumalaw. Gusto ko naman yun. Sana makapag usap kami ulit.

"Tala, gusto mo?" abot nya ng cotton candy. Ang cute naman ng cotton candy nato, ang colorful.

"Wow! Ang cute naman. Sige, salamat Rapha. Pwede ko bang kunan muna ng picture?" tanong ko sa kanya.

"Oh, naman. Bigay ko na nga yan sayo diba."

Ayun, kinunan ko at pinost ko sa IG ko. Ang cute talaga, makulay kasi.

"Tama nga ako, magiging masaya ka sa cotton candy na yan kasi makulay." tawa nya habang pumisil ng konti para makakuha.

"Aba! Alam mo na yan ah. Baka masanay ako nito. hehe, joke lang." biro ko sa kanya.

"Oh, how's Ram? She finally meets you. She really want----"

"At ayun!! Lumabas din mula sayo. Haha! Kinikwento mo nga talaga ako sa inyo noh? Nako!! Raphael ha!!" napansin kong mukhang nahiya sya at napatahimik.

"Hahaha! Okay lang yun, wag ka nang emo jan. Di naman ako galit, nahihiya lang. Baka kilala na ako ng buo nyong brgy! Hahaha."

"Hahaha! Ikaw talaga. Kasi.. nakwento lang kita sa kanila dahil dun sa start ng College fiesta, parati kasi tayong kasama and sobra akong nag enjoy na kasama ka. Kaya ayun, na kwento ko kina-Mama."

"OMG!!!!!!!! SA MAMA MO???" Gulat na gulat ako nung narinig ko yun. Huhuhu. Sobrang nakakahiya naman yun. Ano kayang pinagsasabi nya dun?? Alam mo bang tumawa lang sya ng malakas?? -___- pagtawanan ba naman ako?!

"HAHAHAHA!!! nakaktuwa ka talaga Koala Bear!!!"

tawang tawa sya sakin. Di parin nya ba ako tatantanan sa Koala bear?

"Bakit ba Koala Bear? Noon ka pa tawag ng tawag sakin ng ganyan ah!" tiningnan ko sya ng mala-koala bear look. Hahaha. Joke.

"Kasi alam mo ba, marami kayong pinagkapareho ng Koala. Alam mo ba na Koalas cannot be kept legally as pets? Ganun ka eh. HAHAHAHAH!!" wow!! At pinagtawanan pa ako ah?? Pet sa mukha nito!!

"Syempre, joke lang yun. Haha! Pero parang pwede rin, gusto kasi kitang i-keep pero parang ilegal na yun. Baka may magalit eh." At lumusot sya ha!

"Syempre!! Magagalit talaga nanay ko! Ay, pati papa ko!"

"So??? Wala kang boyfriend?" tanong nya at pansin kong lumiwanag mukha nya.

"Wala noh. Wala akong oras jan, AnaPhysio pa nga lang di ko na keri eh magdadagdag pa ako ng boyfriend?? Sasabog na orasan ko, mahihiya sila sa kabusyhan ko! Hahaha."

"Ano ka ba, iba naman ang aral sa pag boboypren, iintindihin naman yan nila pag about sa school na." tugon nyang parang nagrarason.

"Wow?? Ikaw na ba ang bagong fairy godfather ng mga manliligaw ngayon? Hahaha!"

I'm not his typeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon