Chapter 22

188 27 5
                                    

Wanted to acknowledge new friend here sa watty, ZeroLouisexSaito! Thankee buddy and sa voting club to help me promote this story. Love, love! :)

***********************************************

EMAN

"Tala, sigurado ka na ba sa gusto mo na tutuloy talaga tayo sa park?" tanong ko kay Tala habang naglalakad.

"Oo, bakit? Ayaw mo na ba akong papuntahin dun? Sabi kasi ni Papa last time pinasyal nya si boogy dito eh, sabi nya ang tataas nadaw ng mga damo. Tama ba? or baka nalinisan na ngayon?"

"Oo, tama si tito, mahaba na nga mga damo tapos baka makagat ka pa ng mga insektong di mo kilala. Wag na tayong tumuloy." hila ko sa kanya pabalik.

"Eman!!! Ehdi kilalanin natin ang insekto! Hahhaha! Sabihin mo, natatakot ka lang." hinila nya na naman ako papuntang park. Hay nako talaga tong si Tala! Grabeh, halos lumuwa na puso ko sa kabog.

TALA

"Wow!!!!!!!!" namangha naman ako sa nakita ko. Ang linis ng park ngayon ah. Sunday pa naman, sanay kasi akong walang tagalinis dito noon pag linggo.

"Akala ko ba marumi dito Eman? Ang daya nito! Bat ang linis?" ngumiti lang si Eman sakin at napakamot sa ulo. Biglang may batang lalaki ang tumakbo papunta sa kanya at nagtawag pa ng ibang batang lalaki na kasama nyang naglilinis sa park.

"uy!! Andito na si kuya pogi!" sigaw ng batang lalaki habang kinakamay nya ang iba pa nyang mga kasama. Syempre, nag taka ako. Kelan naging pogi si Eman??? HAHAHAHA. Joke.

"O, mga bata, overtime ba sa paglilinis?" tanong ni Eman, lumuhod sya upang magka level nalang sila sa mga bata habang tinatapik ang ulo nito.

"Overtime ka jan! Dating gawi kaya to, alam kasi naming pupunta ka na naman dito eh, hinihintay ka lang namin at... mukhang... kasam mo na yung babaeng maha----" tumigil ang bata sa pagsasalita dahil hinila sya ni Eman at...

"Oooop oo-pp!! Oy!! ice cream!! Gusto nyo ba? Oh, heto bili na kayo." inabot ni Eman ang pera at bumili ang mga bata ng ice cream. Hinila nya ako sa isang bench doon at naupo kami.

"Tal, ice cream, baka gusto mo rin?' tanong nya sakin.

"No thanks, I'm ok. Always ka pala dito bespren? Daya mo naman, di mo ako sinasama." tanong ko sa kanya at binigyan sya ng mukhang nagtatampo.

"Eto naman! naka pout ka na naman! Wag na magalit, andito ako kasi--"

"Kasi ate, nag hahanda si Kuya Eman para sa araw na dadalhin nya daw dito ang babaeng pinakamamahal nya." sumabat ang bata na sumulpot sa likuran namin, di sya napigilan ni Eman dahil bigla nalang syang umeksena. Biglang akong natahimik sa sagot ng bata at napahawak sa dibdib ko. Weew!! Di ko inexpect ang sagot ng bata.

"Ikaw bespren ha! May pinopormahan kana pala, di mo sinasabi!" napatingin ako sa malayo pagtapos kong sabihin yan kay Eman. Narinig kong tumawa sya ng mahina.

"Kaso nga lang bespren, ako lang nakakaalam na pinopormahan ko sya." sagot nya sakin, mas lalo na akong nanigas sa kinauupuan ko,. Bat ba ako nasasaktan? Ano ba to? Dapat nga diba masaya ako dahil may pinopormahan na bespren ko? Nagpatuloy lang ako sa patingin sa malayo at di parin binabasag ang pananahimik ko.

"Ate, anong pangalan mo?" nilaro ng bata ang buhok ko at natanong sakin yan.

"Hello, bata! Ako si ate Tala! Ikaw, anong pangalan mo?" 

"Bryan, yan tropa ko sila Dong, Bradi at Sean."

"Hello mga bata, parati kayo dito?"

"Oo parati, naglalaro at nagbebenta kami dito noon ng makita kami ni Kuya Eman, pinatigil nya kami sa pagbebenta."

I'm not his typeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon