Chapter 7 (Meeting Raphael Rosales Arellano)

289 34 0
                                    

"Happy 25th wedding anniversary, Mommy and Daddy!" bati namin ng mga kapatid kong si Red at Ram sa mga magulang namin. Taon-taon kaming ganito, sa totoo nga eh inaantay talaga namin to sa pamilya kasi masaya ang lahat pag anniversary nila. Nagmula ako sa angkan ng mga Rosales. Ako pala si Raphael Rosales Arellano. At kung iniisip mo kung belong ako dun sa matataas at malalaking pangalan ng mga Rosales sa business eh hindi ka nagkakamali. Si Mama talaga ang nagmula sa mga Rosales. Malamang eh ako nga si Raphael Rosales Arellano! Hahaha. Alam mo bang tumaas talaga ang standard at pagtingin ko sa love dahil sa parents ko? Mula sa mayamang pamilya si Mama, Nurse na sya nung nakilala nya si Papa. Tatlong taon ang tanda ni Papa kay Mama ngunit noong panahon na yun ay patapos pa lamang si Papa sa kursong Civil Engineering. Napilitang mag trabaho si Papa habnag nag aaral upang makapagtapos at sa pagmamahal at pursigi ay nakatapos din si Papa at naging Engineer. Nang malaman ng lolo ko na ang pinakasalan ni Mama ay hamak lamang, halos iluwa sya nito. Hindi daw yun madali para kay Papa lalo na't nagdadalang tao na si Mama kay Kuya Red. Lahat ginawa nila para lang makamit namin ang magandang buhay ngayon. Lalo na si Papa na tinaguyod kami at ngayon ay may ari na sya nang isang Construction Firm at si Mama naman ay isa ng Doctor at nakatayo narin ng korporasyong hospital. Oh, diba? Nakakahanga? Kaya nga panay paalala ni Mama sa amin tuwing umaga mapa-bago man matulog.. "Respetuhin nyong lubos ang Daddy nyo. Lahat ng ito ay dahil sa kanya." Walang duda, mahal na mahal parin talaga nila ang isa't -isa. Oo na, isa na ako sa mga lalaking romantic-type. Pero ba't ganun? Wala pa po talaga akong naging girlfriend ever since. Dahil ba 'to sa tumaas ang standards ko dahil sa lovestory ng parents ko o sadyang..... malas lang ako sa lovelife? Hahaha. Kung ano man, siguradong mamahalin ko ng sobra sobra kung sino man Siya.

"Anak?! Okay ka lang?" tanong ni Mama habang tinatapik ako sa balikat. Aba'y natulala na naman ako sa pagkamangha nitong Anniv celeb nila haha.

"Aba oo naman, ok lang Mama." nang hinila ko ang upuan para makaupo na sya sa dining table namin at makapag dinner na kami.

"Rapha, handa ka na ba sa DPAU?" tanong ni Papa habang inaayos ang table napkin sa  lap nya. Natawa naman ako sa tanong ni Papa.

"Pa, ano ba naging Valedictorian na si Rapha sa DPAU at doon kaya kami mula preschool tapos tatanungin mo sya kung handa na sya? Hahaha. Pa naman, nag jojoke eh." natatawang tugon ni kuya.

"Aba, iba na ito. Kolehiyo na sya. Anung kurso ba kinuha mo?"

"Nursing kinuha ko Pa, gusto ko rin kasing maging Doctor tulad ni Mama eh sabi nila Nurses makes the best Doctors, yun nalang pre-Med ko."

"Yan ang gusto ko sayo anak, nag-iisip. Manang mana ka talaga sa akin. Basta't ayusin lang pag aaral at sayong sayo ang suporta ko." Habang nagfifist pump kami nila kuya.

"Oyyy oyy boys, wag nating kakalimutan na papasok narin sa highschool si Ram." singit ni mama habang kumikindat kay Ram. SI Ram ang bunso naming kapatid, obssess sya kay Mama at ano pa nga ba? Gusto nya ring mag doktor pag dating ng panahon.

"Syempre naman, makakalimutan ba si Ram? Baby girl natin yan eh. Bawal pa boyfriend ha?" pabirong sabi ni kuya at nag rorolling eyeballs na si Ram.

"Baka si kuya pa isumbong ko sainyo, magiging spy nya ako pag may girlfriend na sya, dapat mas maganda sakin kasi pag hindim nako! I'm gonna shook her head!" patawang tugon nitong si Ram.

"Eh kamusta naman si Kuya na aalis ng bansa bukas para sunduin na ang kanyang bride-to-be? haha! Mukhang excited kuya ah!" Change topic nitong si Mama.

"Anung excited? Excited na excited." 

Oo, engaged na si Kuya sa 12 yrs nyang Gf na si Ate Sabina. Ang ganda rin nun, syempre, Arellano yata kami, gaganda ng taste eh. Haha!

Akala niyo lahat ng mayayamang pamilya walang kibuan sa hapag? Nag kikita lang pag aalis na ng bahay? Di maalagaan ang mga anak ng mga magulang? Nako!!! I and my family can prove that wrong :)

I'm not his typeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon