Chapter 24

207 25 1
                                    

RAPHA

Ang ganda lang ng araw nato, inspired akong bumangon eh. Shaa nga pala, Finals na, akalain mo yun? Magtatapos na kami ng first sem and naaamoy na namin ang sembreak, beybeh!!

Itetext ko na  muna inspirasyon ko.

Good morning, Tala! Have great day ahead!

Di pa nag fa-5 mins. eh napansin kong tumunog phone ko, yes, its from her.

Good morning din, Rapha! :)

Woah! Achievement to! Nagrereply agad ah.

Syempre, umagang umaga pa para magharutan. Mamaya na. Hahaha.

"Nak, gusto ka ba nya?" tanong ni mama habang nakita nya akong pababa para kumain.

"Ha? Ano Ma? Anong ibig mong sabihin?" grabeh, ano ba to si Mama kung san san sumusulpot eh.

"Yang dahilan ng mga ngiti mo, aga pa pero kasing init na ng tanghaling-araw yang mga ngiti mo." napaisip ako sa sinabi ni mama at di nakasagot agad.

"Basta nak, wag padalos dalos okay? Di gaanong ibigay lahat para di ka masaktan ng bonggang bongga. Ibigay mo na ang lahat pag mas malinaw pa sa 20-20 vision na gusto ka rin nya." at pumasok na sa kwarto nya. Ano ba yan? Bat ang weird ni mama ngayon? Nakapagbitaw agad ng mga salitang ganun sa ganitong oras? Haha. Mama talaga.

"Kuya, eat na here please. I need to go with you this morning. I can't be late." sabi ni Ram sakin, handa na sya ah. Ang aga ata nito?

"Bat ang aga mo Ram?"

"Diba dapat talaga maaga ang mga estudyante sa paaralan para hindi ma late? Ikaw? Hindi ka ba estudyante since you are not in a hurry?" and she gave me again her famous rolling eyeballs.

'Wow! Makasagot, Ram. Sumusobra na yang pagka brat mo ha!"

"Its not being brat kuya! I'm saying the ideal way a student should do during weekdays!"

"Pssshhh!" at sinubo ko na ang una kong kutsarang almusal. Parang wala na akong gana ah na kung tutuosin eh unang subo  ko to. Aba parang busog na busog na ako sa mga pangaral ni mama at Ram. -____- Girls are girls.

After 30mins I'm done and were leaving for school.

Ang traffic on a monday, tama nga si Ram ngayon na realize ko mga pangaral nya.

Oh, tama, I should tell her my Operation Star.

"Ram? I have to tell you something."

"What?"

"I'm starting to court her.. Today."

RAM

"I'm starting to court her.. Today."

WHAAAT??? Did I heard him right??? Oh shooooots!!!!! Ramiram you're too laaate! Tingnan mo! You should've told him earlier about what you knew just to give him at least, like,  a warning?! Or what. Oh, my. It seems na I can't move my jaw for answering back kuya's last statement.

"You're fine with her, right?" kuya added.

"Aaa-aah, yes. Of course. But Kuya, you have to know something."

"Ahh, yes, I knew it little girl. Don't worry, I'm fine with it."

Ha?? Alam na ni kuya? Yung kay Kuya Eman and Ate Tala?

"You're fine with it? You're not even... feeling like, threatened? Betrayed?"

"Why would I, Ram? Mas una syang nakilala ni Tala. Syempre, they already knew each side of another. I accept that fact though."

I'm not his typeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon