TALA
"Can I officially start courting you?"
Mas napahigpit ako ng hawak sa papel at halos di ako makahinga. Ha? Para sakin pala yun? Ay teka, ba't yan ang tanong ko? Dapat,Siya pala gumawa ng lahat ng yun? Di ko maexplain ang nararamdaman ko ngayon. Kung kanina, humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ng makita ang masasarap na pagkain, ngayon? Goodness! Parang paputol na ang lahat ng vein ng puso ko at anytime sasabog na sternum ko at luluwa na puso ko! Grabeh! Di naman ako nag expect na may mga ganitong da moves si Rapha sakin. Tama talaga pang amoy ni Jill!!! Sasagot ba ako? Ano ba isasagot ko? Ayoko syang masaktan, kakakilala pa nga namin eh mabibigo ko na sya? At alam na alam ko na ang pupuntahan nito. Isang malaking awkward moment to pag di ko to sinagot ng maayos. Tila napalunok ako ng napakabigat na hangin at sinalo ang lahat ng kaba sa mundo habang.
"Eh kasi Rapha...."
RAPHA
Pansin na pansin kong gulat na gulat ang mukha ni Tala. Bat parang ako wala nang maisip? Basta basta nalang lumalabas ang mga gusto kong sabihin at nararmdaman ng kusa? Ganito ba talaga kapursigido and pusong to para makuha tong babaeng nasa harap ko? Tala nga naman, kahit sa oras na to di mo naitatanggal ang pagiging natural. Kitang kita na di sya makasagot. Ramdam ko naman na parang di pa talaga ako like ni Tala. Alam ko yun kahit masakit man. That is why I am courting her for me to know more about her and of course, for her to get to know more of me. Magsasalita na si Tala....
"Eh kasi Rapha...." at napayuko sya sabay baba sa papel na tila nilagay sa lap nya.
"Tala, alam ko namang wala ka talagang gusto saki----"
"Di ko pa man ramdam ang tulad ng nararamdaman mo sakin pero nung konting panahon na magkasama tayo dito sa room, sa school at kahit man kahapon na pumunta ka sa bahay ay kitang kita ko naman ang sinseridad mo."
Habang sinasabi yan ni Tala, naramdaman ko ang pag pula ng mukha ko, di ko akalain na napansin nya ang lahat ng yun. Boom ang bakla naman nung namula ang mukha! Hahaha. Di ko mapigilan ang cells kong nagtatatalon sa saya!
"Pero....."
Wow! Isang salita lang ang "Pero" at gumuho ang mundo ko. Humandaaa!! Defense!!! Hinawakan nya ang kamay ko.
"Pero, ayoko naman ding isantabi lang ang nararamdaman ko. Rapha, ayokong magsinungaling and I want to set your expectation. Alam mo namang maraming nagkakandarapang magaganda sayo jan (habang ngumuso sa direksyon ng DPAU at yumuko pagtapos tila tinitingnan ang sarili nya. Tumingin sya pabalik sakin.) Sigurado ka bang ako? Ako ang liligawan mo?" habang sinasabi nya sakin ang huling dalawang pangungusap ay nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko at tila binulong ang mga salitang yun.
Bigla akong natawa sa mukha nya, nako talaga tong si Koala Bear!
TALA
Ha? Bat sya natawa? Ano ba yan. Wala naman akong ginagawa at hindi ako nagjojoke! Nako na naman, I bet tatawagin nya naman akong.....
"Nako naman ikaw talaga Koala Bear!"
See? I told you, tatawagin na naman nya akong Koala Bear!
"Alam mo kahit di ka man kasing huhubog ng katawan nila, di naman din kasi hubog ang hinahanap ko. Di ka man kasing aarte nila, di ko naman din kasi yan kailangan. Ang kailangan ko ay ang taong totoo at walang kaartehan sa buhay. Yun! Yun, ang pangarap kong maging asawa."
Weh? Asawa agad? Di ko pa nga sinasagot tanong nya kung pwede syang manligaw, asawa na agad? Bilis!!! Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak ng kamay nya.
BINABASA MO ANG
I'm not his type
RomanceKwento ni Tala at Eman na denial sa nararamdaman nila sa isa't isa. Pano kaya nila napaalam sa isa't -isa ang feelings nila? Yan ang malalaman niyo sa pagpapatuloy nito.