"Eman.. Eman....!!!"
Kanina pa si Tala maingay, galaw ng galaw at di mapakali sa higaan namin.
"Tal, ano ba!!! Anong problema!! Alas dose na oh!!! Alas dose na at magtatrabaho pa tayo bukas pero di mo pa ako pinapatulog! Gusto mo ba ng ano? Mag a-ano tayo? Oh ba! Walang problema naman yan, basta't sabihin mo lang." at nagsimula akong mag hubad.
"Hoy?! Ano ka jan!? Anuhin mo sarili mo!!! Ang init Eman!!! Huhu!!"
Anong mainit??? Kanina nya pa nilalakasan ang aircon!
"Tal, kung alam mo lang gaano ko tinitiis ang lamig sa kwarto na to!!!"
"Malamig ba talaga mahal? Bat naiinitan ako? Hmm, teka, gutom ako. Kain tayo." sabi nya habang hinihila ako palabas ng kwarto. Pssshh!! NAKO! NAKO! Nako talaga kung hindi ko lang to mahal!!
Mag iisang taon na kaming kasal pero ngayon ko lang napansin ang ganitong ugali ni Tala. Di naman sya ganito.
"Sige, mauna kana sa kusina susunod ako mag babanyo lang ako." at tumango naman sya. Sinadya kong mag banyo, titingnan ko ang lalagyan ng napkin nya. Halos araw araw kaming nag-aano ni Tala. It means, di pa sya dinaratnan. This week, di kami nag-aano kasi iba shift nya sa hospital. Andami pa nitong stock ng napkins nya ah, chineck ko ang basurahan, malinis! Anak ng tokwa! Negative nga, so di sya dinatnan. Ano Eman. Kinakabahan kana? Hinde, hinde..
"Eman!!!" sigaw ni Tala sakin. Lumabas na ako sa banyo at pumunta sa kanya.
Nakaupo lang sya sa dining table at parang bata na naghihintay sa kakainin.
"Mahal, tinatamad akong magluto."
"Wow, kelan ka ba nagluto mahal?" at inirapan nya ako.
"Tulog si Manang eh, kakahiyang gisingin. Alis nalang tayo, bili nalang tayo ng makakain." at ang laki ng ngiti nya sa mukha pagsabi nya nun.
Wala akong magawa, nag tshirt ako at kinuha ang susi ng sasakyan.
"San mo gustong kumain dear?" tanong ko sa kanya habang nakasakay na kami sa sasakyan. Di sya sumasagot sakin.
Paglingon ko sa kanya, nakatulog na pala. Tingnan mo nga tong babaeng to, ang weird nya talaga.
Hininto ko ang sasakyan at pinagmasdan lang syang natutulog.
Hinawakan ko ang tiyan nya. Alam kong di pa kami sure pero ramdam kong andito na ang hinihintay namin.
"Baby, anjan ka na ba sa tiyan ni Mommy? Ikaw ba dahilan bat nagkakaganito sya? Wag mong pahirapan nanay mo ha? Kahit si Daddy nalang, kakayanin ko. Behave lang jan, staypoot!!"
Hahalikan ko sana si Tala ng bigla syang nagising at napahawak sa bibig nya.
"Mahal, naduduwal ako." at dali dali syang lumabas ng sasakyan.
Sinundan ko sya at hawak hawak ang likod nya habang dumuduwal.
"Tal, kelan ka last time dinatnan?"
Napatingin sya sakin at nanlaki ang mata.
"Buntis ako?" (0.0) -------- "Magiging tatay na ako?" (^__^)
YAHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!
BINABASA MO ANG
I'm not his type
RomanceKwento ni Tala at Eman na denial sa nararamdaman nila sa isa't isa. Pano kaya nila napaalam sa isa't -isa ang feelings nila? Yan ang malalaman niyo sa pagpapatuloy nito.