Chapter 14 (A day full of Stars)

211 30 0
                                    

RAPHAEL

College Fiesta!!

Kakatapos lang ng midterms namin and... ayun!! Pasado ako sa lahat ng subj this midterms. Naaamoy ko na ang magandang pag pasok ng 2ndsem! Hahaha. Kala ko kasi parang ang hirap ng buhay college noon, ngayon.. hindi pala, kasi... SOBRANG HIRAP!!!! hahahaha. Tama kayo, grabeh parang araw araw lagari day. Haha! Anyway, naeenjoy ko na sobra ang Nursing. Kasi pagkatapos namin sa Fundamentals na theories at mga ninununo ng Nursing, NCM na kami. It means, practicum naaa! Mafifeel na namin konti ang hospital techniques kaso nga lang, sa school na muna. 2nd yr pa kasi daw start na sa totoong hospital na kami magduduty. Sakto namang makakawala to ng stress sa exam, College Fiesta namin today!!! Busy kami lahat. Pressure kasi kami dahil ang Nursing over all champion nung nakaraang taon sa College Fiesta. Lalo na't may part din na naka assign sa first years, need namin mag effort. Kakarating ko pa lang sa field habang hinahanap ang katropa kong mga Nursing eh na spot kong una si Tala. Nag lalatag yata sya ng mga cartolina. Ahh!!! Tama! Sya naman pala ang lead sa concept making namin. Concept making parang poster ba sa highschool. Kaso nga lang may specific theme na ifofollow at icocoordinate sa course. Agad ko na syang pinuntahan.

"Tala!"

"OH! ikaw pala yan Rapha. Patulong naman." Habang nagpatuloy sya sa paglatag ng cartolina.

"Oh naman walang problema." At tumulong narin ako sa pagdikit2 ng cartolina.

May mga dumating na rin na mga kaklase namin at ayun sakto, the more the merrier!!! Napansin yata ni Tala na sakto na kami kaya tumayo na sya at nagsalita.

"Hi guys! Good morning! So sana sa gagawin nating to magtulong tulungan tayo. Nasabi ko na naman rin sainyo last time yung draft natin at concept so all we have to do now is to work on this." Sabi nya habang pinupunasan ang pawis nya. Nagsisimula narin kasing uminit. Dahil ang hot nya.. shooots!!! Bat ko to nasasabi dude?! (O.o)

"....wag mahiya mag bigay ng suggestions ok? Plus, I think we have enough colors sa paints for this to be done now so.. go! Go! Go! Lang tayo. Wala akong binabawal sa mga kulay na gagamitin nyo. Go lang! Enjoyin lang natin to!" Pagtatapos ni Tala at binigyan nya kami ng nakakawala ng pagod smile nya. Ang ganda talaga nya. Parang di mo akalain sa mukha nyang ang talented nya plus, good leader sya, tingnan nyo naman niwala syang kahit anung demand. Wtf!!! Bat ba ako ganito?! Did I just adore her?? Oh men, pagtinamaan ka ng lintek, nakoo!!! Lintek talaga dumikit. Anyway, so much of my feelings! Nag start na nga kami. Si Tala na gumawa sa draft dun sa pagdodrawingan namin. Ang galing nya sobraaa!!!! Wow!!!! Ni wala mn lang reklamo kahit ang init na!!! Nang matapos syang mag draft, nag start na kaming mag mix ng mga kulay para kulayan at lagyan ng detalye, tumulong rin sya.

"Alisandra, tama ba tong ginagawa ko?" Tanong ng isa naming kaklase.

"Syempre naman, sabi ko naman walang mali dito as long as yan ang gusto mo. Walang mali sa art." Dagdag nya habang nagmimix ng kulay at nag smile pagtapos nyang magsalita. Yun yun eh, yang smile nyang di mawala sa kanya. Nakita kong ang buhok nya ay bumabagsak sa mukha nya habang nagpipinta kami. Pawis na pawis narin sya dahil sa ang init. Ang iba ay nagsimula nang maghanap ng shaded part para di mainitan pero si Tala di talaga nag dadalawang isip na gawin nalang ang part na di gaanong ginagalaw ng iba naming kaklae kasi nga andun sa may mainit na part.

"Tal, gusto mong ako na muna jan?" Tanong ko sa kanya kasi ang init talaga dun sa ginagawa nya.

"Okay lang ako dito." smile nya.

"Ah, tulungan nalang kaya kita jan?"

"Sure, ayos yan."

At pumunta ako sa tabi nya para gawin yung ibang kukulayan. Nung nilapitan ko sya, mas napansin ko ang mata nyang walang kapaguran. Passion nya siguro to kaya di nya naiisip ang init dahil gusto nyang gawin tong lahat. Ang sarap lang talaga pag ganito ang kasama mo, naiinspire kang ipagpatuloy at tapusin to kasi may isang anghel na di man lang nagrereklamo. Napansin kong mapaupo sya para uminom ng tubig at itali ang buhok nya pataas.

I'm not his typeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon