TALA
Napansin kong natulala lang si Eman at grabe ang titig nya sa daan at higpit ng hawak nya sa manibela. Na offend ko kaya sya? Naremember nya ba paghihiwalay nila ni Sandra? Nakuuuu!!! Ano ba naman Tala!!! Ang tanga eh, suma cum laude sa katangahan eh.
"HAHAHAHAHAHA!" biglang tawa ni Eman. Ang weird! "...bat bigla mong natanong? ahhh, nakita mo mukha nya jan sa cam. Syempre eh ex ko yun, may mukha talaga yan jan. Tagal narin nyan, delete mo kung gusto mo. Pansin ko rin kasi naman puno na yata MC ko."
"Wow! Ang bitter bitter, di ko malunok sa kapaitan!"
"Ako pa ngayon bitter? Eh sino ba yung bitter sa mga ex nyang wala sa katinuan?!" tawang tawa ang taong to habang nanlalait, parang kung sinung gwapo naman! Hayyy! Sobra... parang di kami naka aircon sa sobrang presko nitong kasama ko sa sarili!
"Ssssshhhh!!! Ingay na masyado Eman, ang dami mo na masyadong sinasabi." sabi ko sabay pagpapatugtog sa kanta ni Daniel Padilla my darling my love so sweet!!!
Adik sa 'yo
Awit sa akin
Nilang sawa na sa
Aking mga kuwentong marathon
Tungkol sa 'yo
At sa ligayang
Iyong hatid sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw...
"Grabeh Tal!! Sa bahay niyo, pati sa sasakyan ko, Daniel parin???" Sabay salubong ng mga kilay nyang walang kasing kapal.
"Eh so?! Care mo? Love ko to eh?!" Sabay lapit ko sa mukha ko sa mukha nya, parang nang aambang bang (sige sagot ngayon kundi tatamaan ka sakin!) Tumingin rin sya sakin at naramdaman ko hininga nya na dumampi sa ibaba ng ilong ko. Nandilat mata ko at di ako makagalaw. Omg! Ang lapit na pala naming mag kiss! Nakooo! Ready say.... Aaaaawkwaaaard! Hahahaha. Buti nalang di dyahe sa kanya kasi tumawa lang sya at napakanta narin ng..
Ooooohhh..
Sa umaga't sa gabi
Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawa't pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita..
Mahal parin talaga ako ng bespren ko, kahit ayaw nya at alam king binging bingi na sya sa mga kanta ni Daniel Padilla na di ako nagsasawa eh tinitiis nya parin. Halos maubos na namin ng kanta ni Daniel sa album nya bago pa kami makarating sa University. Kinanta nalang namin ang kaba namin.
Di na talaga mapipigilan ng tadhana at kailangan na namin mag parking at huminto sa harapan ng University.
"Eman, future school ba natin to?" Natutulala ako habang nakatingala at minamasdan ang taas ng school building. Bigla akong napayuko ng biglang hinawakan ni Eman ang kaliwang kamay ko.
"Tal, here we go! Let's do this?" tumingin sya sa akin habang binibigkas na ito at kitang kita ko ang saya nyang abot tenga.
"Eman and Tala will conquer youuuuu!!!" sabay naming sinigaw bago paman pumasok ng tuluyan sa gate ng University.
"Dela Paz Antonio University..." habang binabasa ni Eman ang pangalan ng University papasok. Pangalan palang eh takot na takot na ako.
Ang lawak, ang ganda at ang sosyal ng mga tao dito.
"Eman, ang gagara naman nila. Alam mong di ako sanay sa mga ganito, mabubuhay kaya ako dito sa susunod na apat na taong mag aaral tayo dito?" Tanong ko kay Eman habang kapit na kapit sa braso nya.
"Hahaha! Ano ka ba Tala! Para ito lang? Di mo kaya? Magkasama naman tayo, wag kang mag alala, pag may minor subject tayong classmates tayo, sagot kita! hahaha." pabirong sabi ni Eman, infairness, nawala naman ang konting kaba ko.
BINABASA MO ANG
I'm not his type
Roman d'amourKwento ni Tala at Eman na denial sa nararamdaman nila sa isa't isa. Pano kaya nila napaalam sa isa't -isa ang feelings nila? Yan ang malalaman niyo sa pagpapatuloy nito.