Hello guys, I will be needing your help if who do you want na mas more moment. Tala-Eman or Tala-Rapha? :) Still pushing through to this chapter for Tala-Eman eh.. Who wants more of Tala-Eman? Feel free to comment! Thankies loves. :*
********************************
TALA
Goood morning! Sabado ngayon and 4am pa lang ay gising ko. Gagawin ko sana tong isang National holiday at ihahandog lahat ng oras ko sa social networking sites ko. Andami ko na kasin pagkukulang sa mga followers ko. Tsk tsk! Sorry guys kasi talagang ang hirap na ng nursing, yun pa nga lang eh hindi na mapasok pasok sa utak ko. Di pa naman to katalinuhan ang utak na meron ako. Nag online ako sa FB. Usual lang ang news feed ko, 1 friend request? uy, si Ram! Wow, ang dali naman akong na search dito sa FB.Kung sa bagay, friends narin naman kami ni Rapha. Inaccept ko na friend request nya at pagkatpos nun eh na-bored na naman ako.
Teka, may naisip ako. Puntahan ko kaya si Eman at ako na naman ang magkakawang gawa sa kanila. Parati nalang kasi sya pumupunta sakin noon at nagluluto ng breakfast. Why don't I try it this time? Haha! Pasensya sya, hindi talaga ako kagalingang magluto, well, tatanggapin nya naman yan kasi wala syang choice. Haha. Nag hilamos at toothbrush lang ako habang nakapantulog pa at sumulong na kina-Eman. Nakita ko si Manang, kasambahay nila Eman na nagwawalis na sa labas. Wow, sipag naman!
"Good morning Manang! Pwede pong favor, pwede pong ako na maghanda sa almusal ni Eman? Anjan ba si tito? Salihan ko nalang din sya."
"Aba iha, magandang umaga din sayo. Wala Si sir dito eh, pero wala namang ano yun kung ikaw maghahanda sa almusal ni sir Eman, di padin ako nakapagluto maaga pa naman din."
"Ah ganun ba manang, sige salamat." At nginitian ko si manang. Ang saya ko naman na makakapaghanda ako ng almusal kay Eman.
"Tara iha, pasok tayo." niyaya ako papasok ng bahay ni manang.
Napansin kong ang tahimik naman ng bahay nila. Papasok sana ako sa kwarto ni Eman pero biglang nagsalita si manang.
"Alam nyo mam, umaga na nakatulog yang si Sir. Andami nyang tinatapos at ang kalat2 pa kagabi. Tingnan nyo ho ang basurahan namin, puno sa mga papel nya." tinuro ni manang ang basurahan nila, oo nga, ang dami ngang drafting paper na gusot. Tsk tsk. Kawawang bespren. Di nalang ako pumasok sa kwarto nya baka magising pa.
Tinuro na ni manang ang lalagyan ng mga gagamitin ko sa pagluluto pati narin ang mga kinalalagyan ng mga sahog. Ayan! All set na ako sa aking "Operation Breakfast"!! Ang lakas naman ng loob ko ah?! Hahaha. Aaminin ko hindi ako gaanong marunong magluto kaya nga omelet at spam nalang ang naisip kong ihanda na almusal nya. Haha! Oh, madali lang yun diba?! Haha. At sure pa akong magugustuhan nya kasi masarap na para saming dalawa ang spam. Haha!
Nagsimula na ako sa pagluluto at pagkatapos ay naghanda narin sa mesa. Tapos ko na lahat2 ng ginawa ko mga 6am. Hinintay ko nalang magising si Eman. Wala naman akong magawa dun kaya nag send nalang ako ng good morning message kay Jill.
Good morning Jill! Sana naman balitaan mo ako kung anong nangyari kay Gab kahapon. Naglilihim ka na. Sana naman wag na kasi may balak na talaga akong ipalapa ka sa buwaya. Hahaha! Joke! mwah :* Gising na!
As expected, wala syang reply haha. Tulog pa yun I am sure. Bat ba ako lang gising sa mundong to?! Naman! Nang biglang may txt akong natanggap. Uy, mula kay Eman at Rapha! Woah!
Eman: Good morning, Tala tala ko :*
Rapha: Good morning, little star!
Kakapanibago naman tong dalawang to. Nireplyan ko naman agad si Rapha at babatukan ko tong si Eman. Gising na pala ang ulol pero di parin lumalabas sa kwarto nya.

BINABASA MO ANG
I'm not his type
RomanceKwento ni Tala at Eman na denial sa nararamdaman nila sa isa't isa. Pano kaya nila napaalam sa isa't -isa ang feelings nila? Yan ang malalaman niyo sa pagpapatuloy nito.