HTN-2

824 22 0
                                    

Rain

Arvin pOv

SAKTONG pag upo ko dumating na din ang first subject namin. Si miss coral,kilala siya dito bilang terror teacher.kaya maraming takot sa kanya.

"Goodmorning class" sabi ni miss coral. Saka nilapag sa mesa ang gamit niya.

"Goodmorning miss coral" sabi naming lahat.

Tumango naman si miss coral saka tumingin sa attendance book niya. Isa-isa niya kaming tinawag saka pinapupunta sa harap para magpakilala. At yun ang pinakaayaw ko sa lahat.

"Arvin Lim!" Tawag ni maam. Agad dumako ang mga ibang studyante sakin. Kilala ako dito.pero hindi isang gwapo o heartrob ,kundi isang taong hindi karapatdapat sa skwelahang ito.

Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko saka pumunta sa harap, kahit alam kong pinandidirian na nila ako. Pagkarating ko agad akong humarap sa kanila. Pero agad kong iniwas ang tingin ko at tumingin nang deretsyu.

"A-arvin Lim,17,taga quezon ,running for Top nutcher in this school, a-and Campus N-nerd." Pagkasabi ko nun agad silang nagtawanan. Pumikit nalang ako para pigilan ang inis ko.

"You can go back to your sit mr. Lim" sabi ni miss coral .agad ko siyang tinignan at tumango pabalik sa upuan ko.

Nasa harap na ko nang upuan ko nang bigla akong nakarinig nang kalabog sa pinto.tinignan ko agad to.Maging ang mga kaklase ko nagulat.

"MR. EVANYEZ!!! WHAT ARE YOU DOING ?!!" Sigaw ni miss coral nang makita si stephen na nakabulagta sa may pintuan.

"M-miss coral! Kasalanan niya! Sinipa niya ko!" Sigaw ni stephen saka may tinuro. Pero hindi yun nakikita dahil narin sa natatakpan to nang pader.

Lumabas si miss coral at parang may kinakausap siya. Puro bulungan ang mga kaklase ko kung bakit naganun si stephen-__- tsk!

Umupo nalang ako. At inaantay na bumalik si miss coral. Wala namn akong mapapala kong pati ako makichismis.Agad kong nakita ang pagpasok ni miss coral. Tinignan ko si stephen. May tinitignan siya ,at halata sa mukha niya ang inis. Saka umalis .

"Okay class! Back to your seats! Hindi naman ata kayu masyadong chismosa at chismoso niyan nu?" Prangkang tanung ni miss coral.

Agad nagsibalikan ang mga kakaklase ko. At nagbubulungan.

Huminto lang ang mga bulungan nang may isa taong pumasok sa room.Isang babae. Na di mo maipaliwanag ang GANDA.

"Class, meron kayung bagong kaklase. Kakatransfer lang nya at wala pa syang alam sa lugar na to. Kaya i hope na maging mabait kayu sa kanya okay?"

"Yes miss coral" sabay na sabi nang mga kaklase ko.

"Tell about your self" sabi ni miss coral sa babae.

"Rain..........chua,17" simpleng sagot niya. At wala kahit bakas na emosyun man lang.seriosly? Nabubuhay pa pla ang katulad niya?

"Okay take ur seats ms. Chua."

Agad naman niyang nilibot ang paningin niya sa buong klase. Hanggang sa dumapo ang tingin niya sakin.

Bigla akong nangilabot sa tingin niya. Kakaiba, at nakakatakot. Nadapo naman ang tingin niya sa katabi kong upuan. Saka siya nanglakad. Pero sakin ang tingin niya.

Peste! Nakakatakot siya!! Bat niya ko tinitigan nang ganyan na para bang may kasalanan ako?! Pero agad ding napawi ang takot ko nang lumagpas siya sakin at saka umupo sa tabing upuan ko ,malapit sa bintana.

Iniwas ko nalang tingin ko sa kanya. At nagfocus nalang sa pakikinig kay miss. Coral.

*******

Lunch break na.kaya tumayo na ko at pumunta nang canteen. Madami na din ang nagsilabasan sa bawat room kaya kailangan kong makabili agad. Dahil hindi maganda ang kutub ko.

Pumila na agad ako .at buti nalang nakabili na ko.pumunta ako sa pinakalikod nang mga mesa dito at mag isang kumakain.

'kyyyyahhhh!!! Stephen my loves!!'

'ayan na sila?!! Dali girls?! Baka mapansin na nila tayu!!'

'hayy ang cute tlaga ni dexter!'

'shut up! Akin lang si stephen!'

'assuming hindi magkakagusto sayu si stephen dahil ako lang gusti niya!'

Halo-halong bulungan at sigawan ang naririnig ko sa loob nang canteen. Hindi na bago sakin yun. Lalo na't sikat talaga sila dito.

Nagfocus nalang ako sa kinakain ko. Pero bigla akong napahinto nang makakita ako nang mga paa sa gilid ng mesa kong saan ako kumakain.

"Uy?! Kamusta nerd?! Buti pala andito ka parin? Hindi ka ba natakot sa pangbubuly ko nung nakaraan??!!"  Sabi ni stephen saka hinawakan at buhok ko at ginulo gulo.

"T-tama na s-stephen" sabi ko. At pinigilan ang kamay niya. Agad naman niya itong inalis saka. Kiniwelyuhan ako.

"Bakit??!! Lalaban ka na??? Tandaan mo! Wala ka lang dito! Kundi hamak na nerd lang!!" Sigaw niya sa pagmumukha ko.

Agad ko narinig ang bulungan at tawanan,may naawa pero mas madami ang nagsitawanan. Niyuko ko ang ulo ko. At dahang dahang tinangal ang kamay niya sa kwelyu ko.

"Tama na! Lagi mo nalang akong binubuly! Anung bang kasalanan ko sayu?!" Sigaw ko. Kita ko sa mukha niya ang gulat pero agad tung napalitan nanf inis!

Naramdaman ko nalang na may malamig na basa sa mukha ko.

Tinapunan niya ko nang juice na kinuha niya sa mesa ko.mas lalo pang nagsitawanan ang mga tao. Parang hindi sila mga studyante.

"Sa susunod na sigawan mo pa ako! Hindi lang yan matatangap mo. Kundi kamao ko na huh!!" Sigaw niya sakin at umalis nang nakangisi.

'wooohhh!! Galing mo stephen my loves!!'

'kawawa namn siya.'

'heh! Hindi siya kawawa deserve niya yan!'

Umalis nlang ako. Dahil hindi ko na makaya pa ang mga naririnig ko. Sanay na ko .pero yung sakit hindi. Pumunta nalang ako sa likod nang school at sumandal sa nakita kong malaking puno.

Tahimik akong humikbi. Oo nakakabakla kong titignan.pero sobra na gingawa niya! Mula first year! Ginagawa nya to skin. Hindi ko naman masabi kay dad. Dahil baka ipabagsak niya ang companya nila stephen .konsensya ko pa.

He's That NerdWhere stories live. Discover now