HTN-12

536 14 0
                                    

HTN-12

Arvin pOv

NAGLAKAD lang ako pauwi.dahil hindi na daw makakarating si manong. Sa kadahilanang naplatan ang kotse, kaya wala kong choice kundi maglakad.

Medyu malayu lang naman nang kunti tung school namin sa bahay.kaya nilakad ko nalang sayang lang ang pamasahe.
Nakakalungkot lang kasi hindi pumasok si rain. Hindi ko naman malaman kong bakit. At wala ding sumasagot sa telephono nang mansion nila.

Mahaba -haba din tung nilakad ko. Sa totoo lang pangalawang beses ko palang maglakad pauwi.kaya medyu hirap din ako kung saan ako dadaan.
Bigla ko tuloy naalala yung naglalakad kami ni rain. Napangiti nalang ako sa naisip ko. Kakaiba talaga siya. Hindi siya katulad nang ibang babae na sa mukha tumitingin.

Naalala ko yung bawat panenermon niya sakin s tuwing nagpapabully ako. At sa tuwing natatalo ako. Para ko siyang nanay kong mautos. Pero dragong nanay.napansin ko nalang sarili ko na tumatawa. Baliw na kong baliw. Pero masaya ako kasi nakilala ko ang katulad niya.

'Hay arvin...inlove ka na talaga sa babaeng yun'

Napangiti ako. Sa inisip ko. Pero agad ding napawi yun. Dahil may biglang humarang sakin.
Hindi ko alam pero bigla akong nanlambot nang makita kong madami sila. Samantala nag iisa lang ako. Walang dumadaan lagi dito kaya dilikado ako.

Tinignan ko siya. Masamang tingin ang pinukol niya sakin. At parang anumang oras ay gigilitan na ko nito!

"S-stephen...anu to!" Sabi ko .bigla siyang ngumisi nang nakkatakot.

"Alam mo ba ang ginawa mo nerd?!!!" Sigaw niya.

"A-anung ibig mong sabihin??!"

"Tss, wag ka nang mag maangmaangan pa! Alam mo ba nang dahil sayu magagrounded ako!!!" Anung pinagsasabi niya??

"Anu?! Bat naman ako gagawa nang ikakagalit mo!"

"Yun na nga eh!! Ginawa mo! May nakakita sayu na nagsumbong ka sa dean na nakipag away ako!! "

"H-huh??! Hindi stephen!! Hindi ako! Hindi ako ang may gawa nun!! Nagsisinungaling lang yung nagsabi!!!"

"Sa tingin mo maniniwala ako??! Alam mo bng galit na galit ang ama ko nang malaman niya yun?!!!Malaking kasalanan mo sakin NERD!!"

"A-AH hindi nga ako!! Maniwala ka naman!lagi nalang ba ako!!!"

"Ikaw lang ang kilala kong may galit sakin! Sa ginawa mo. Sakit ang igaganti ko!" Sabi niya at sininyasan niya ang mga kasama niya.

Agad akong umatras at tumakbo. Pero nagulat nalang ako nang biglang may himila sakin at sinuntok ako sa mukha nang pagkalakas lakas!

Naramdaman ko nalang ang sarili ko sa sahig.hindi pa man ako nakakarecover ,agad akong napaubo dahil sa sipa na naramdaman ko sa tyan ko.

Sunod sunod ang suntok at sipang natanggap ko.nakahiga ako habang pinagsisipa nila ako kahit saan. Wala akong nagawa kundi takpan ang mukha ko.masakit sobrang sakit. Hirap na din ako huminga. Pati puso ko nahihirapan na.

Bat ba laging nangyayare sakin to.? Wala naman akong kasalanan sa kanila pero bakit?
Napasigaw ako nang sinipa nang malakas ang tyan ko. Nanghihina na ang katawan ko. Kinuha nila ang braso kong nakaharang sa mukha ko. Basag na ang salamin ko. Nakita ko ang isang paa na handang sumipa sa mukha ko. Kaya napapikit nlang ako at inantay na maramdaman ang sakit.

.

.
.
.
.
.
.
.
.

*BOGGGSSSHHHH!!!*

*AHHHHHHH*

*BLAGGGG!!*

*BOOGGGSSSHH!!*

Yan mismo ang naririnig ko. agad kong dinilat ang mata ko. At nagsilakihan ang mata ko .nang makita ko ang isang tao na nakikipaglaban sa groupo ni stephen.

"R-rain........." Biglang sabi ko.kahit hinang hina na ko.

Pinagsisipa niya ang mga lumalaban sa kanya. At pinagsusuntok. Kung iisipin mas malakas siya kaysa sa mga kalalakihang nakikipaglaban sa kanya.halos maubos na ang mga ito at nakahandusay na din sa sahig.

Pero nangulantang ako nang makita ko si stephen na papalapit sa dereksyun ko. At mas lalo akong kinabahan nang kinuha niya ang isang tubo nang bakal...gusto kong tumayo at umalis pero mismong katawan ko na ang bumibigay.nasa harap ko na siya at nakangisi .tinaas niya ang hawak niya at ipapalo na sakin.pumikit ako. At inantay na dumapo ang bakal sa mukha ko.

"AHHHHHH!!!!" Rinig kong sigaw. Agad akong dumilat dahil alam kong si rain yun. At inisip kong sinipa niya lang palipad si stephen..pero mali ako nang akala. Dahil nasa harap ko siya mismo. At tinitiis ang mga palo ni stephen na dapat sa akin.

Biglang nangiligid ang mga luha ko .nang makita ko kung gaanu niya pinipigilan ang sarili niyang wag sumigaw.samantala palo lang nang palo si stephen.Gusto ko siyang itulak pero hinang hina na ang katawan ko.ni hindi ko maitaas ang kamay ko. Kaya wala akong nagawa kundi ang umiyak.

Nakita kong dinilat ang mata niya .at tumingin sakin.at mas lalo akong naiyak nang makita ko ang di ko pa nasisilayan.Ang mga ngiti niya. Isang ngiting nagsasabing okay lang siya.at kaya niya yun.pero mas lalo akong nasaktan sa ginawa niya. Bakit ngayun ko pa to nakita.bakit sa ganitong sitwasyun.

Natulala ako nang makita may makita akong tumulong dugo sa ulo niya papunta sa mukha niya. Hirap na ko nakahinga. Sobrang sakit ang nakikita ko. Bakit ko siya mailigtas sa mga ganitong sitwasyun?! Ang hina ko!

"Fck! BAGAY LANG SAYU YAN!! PAKILAMERA!!, MATAGAL KO NANG GUSTONG GAWIN SAYU TO!!" Sigaw ni stephen nang tumigil siya.

Agad siyang umalis at nakarinig nalang ako nang mga yapak paalis. Pero ang tingin ko ay kay rain lang.walang salitang lumabas sakin.habang umiiyak.

Bigla siyang napahiga sa gilid ko. At kita sa mukha niya na nanghihina siya.

"R-rain..." Pilit kong salita. Pero ngumiti lang siya at pumikit.

Nagsilakihan ang mga mata ko.tatayo na sana ako nang  bigla akong nahirapan huminga.! Sh!t bat ngayun ka pa sumumpong!! Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Tanging naghahabol lang ako nang paghinga ko.pinilit ko ilapit ang kamay ko sa mukha niya.

Hanggang sa biglang umikot paningin ko at naging blanko ang lahat.

He's That NerdWhere stories live. Discover now