HTN-11

568 14 0
                                    

HTN-11

Rain pOv

HAPON na nang makauwi kami. Nauna nang umalis si arvin sakin.. mas gusto ko kasing maglakad lakad. Pero napahinto ako nang tawagin ako ni arvin.

Patakbo siyang pumunta sa pwesto ko. At agad hinawakan ang mga tuhod niya nang makarating sakin.at parang hinahabol pa ang hininga.

"Bat mo ko hinabol. Diba uuwi ka na?"

"Gusto ko lang kita makasamang maglakad. Para hindi ka naman lonely!" Sabat niya. Napaiiling iling nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman ko namang sumunod siya sakin.
Tahimik lang kaming maglakad sa pasikot sikot dito.

Napatingin ako sa kanya nang makita ko siyang lumingon-lingon sa paligid.

"Bakit?" Tanung ko. Umiiling naman siya. Kaya binalik ko nalang ang tingin ko sa daan.Paliko na kami nang makarinig kami nang hiyawan .huminto kaming dalawa at nagtago. Sumilip kami, puro mga studyanteng lalaki ang nakikipag away sa lugar na to.

"Teka? Sila stephen ba yun?" Tanung niya. Tinignan ko naman ang tinuro niya at tama nga siya ang gag#ng stephen.napayukom nalang ako nang kamao ko nang maalala ko ang sinabi niya. Gusto ko siyang pirapirasuhin. Pero hindi ko magawa! Sh!t lang!!

Nang makita kong nagtakbuhan sila palayo agad kong hinawakan ang kamay ni arvin saka tumakbo palipat.hindi kami pwedeng makita ni stephen dahil sigurado akong hindi maganda ang gagawin niya.

"T-teka...b-bat ba tayu tumakbo" tanung niya habang hinahabol ang hininga.

"Basta! Wag kang lalapit sa stephen na yun!" Sabi ko. Nakakunoot noo niya pa akong tinignan .pero binaliwala ko nalang yun at naglakad ulit. Inabot kami nang isang oras sa paglalakad bago kami makarating sa bahay namin.

Gabi na nang makauwi ako. Binuksan ko ang pintuan at sa di inaasahan bumungad sakin ang mga taong hindi ko gustong makita.

"Rain!!!" Sigaw nung bruha saka lumapit sakin at niyakap ako. Pero hindi ako gumanti. Humiwalay siya at hinawaka  ang magkabilaang mukha ko.

"Rain ang laki laki mo na anak!! Namiss ka ni mommy!" Sabi niya pero tinignan ko lang siya nang blanko.

"Rain!! Long time no see" sabi namn nung isang taong pinakaiinisan ko. Ang katriplets ko.si Light.

"Rain ! Batiin mo naman kami" sabi namn nung isa na katriplets ko din .si Thunder.

Grabi nu? Pinangalanan kaming mga ulan,kidlat at ilaw. Hindi naman ata masyado mahilig magulang ko sa PANAHON.

"Baby!! We miss you! " Sbi nung matandang lalaki
-__- saka ako niyakap. Ang walang hiya kong daddy.

"Tsk! Bat kayu andito?" Tanung ko. Nakakunoot noo naman sila at nagkakatinginan.

"Baby! Andito kami para sunduin ka! Isasama ka nanamin! Wala na si mama dito .matgal na siyang wla baby kaya sumama ka na samin!" Sabi ni dad. Pero hindi ko to pinansin at naglakad paalis.

"Rain!! Hanggang ngayun ba galit ka pa din samin??" Sabay na sabi nila light and thunder.huminto ako at tumingin sa kanilang dalawa.

Tinitigan ko silang dlawa. Alam namin ang ugali sa isa't isa. Para saan pa kung magkakambal kaming tatlo.bigla silang nagkatinginan at sabay na bumuntong hininga.

"Ma....pa....sa next day nalang tayu babalik.... Rain need to be alone." Sabi ni thunder.

"Hayaan na muna natin siyang mag isip" sabi namn ni light. Bumuntong hininga naman ang dlawang wlang hiya.

"Okay baby but promise me....na sasama ka samin sa pagbalik namin." Sabi namn nung bruha. Di ko siya sinagot at umakyat nalang papunta sa kwarto ko.

Agad ko tong nilock at humiga agad sa kama.nilagay ko ang braso ko pantakip sa mata ko. Bigla ko nanamang naalala ang nangyare nuon.kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang hikbi.

After 3 years?? Babalik sila para kunin ako?? Nagpapatawa ba sila? Sila na nga nang iwan sakin tapos babalikan nila ako? Para saan pa kung sasama ako sa kanila! Tsk!!

Matapos na iwanan lang ako kay lola. Ganun nalang yun? Hindi ba nila inisip kung gaanu ako nagmakaawang isama nila ako. Pero hindi sila nakinig. Tanging si lola lang ang karamay ko nun. At siya lang ang tinurong kong pamilya simula nang iwan nila ako. Kaya sobrang sakit skin nang mawala na si lola.siya lang ang tanging dahilan kung bakit pa ako lumalaban sa buhay na to.

Ayaw ko silang makita ni makasama man lang!!hindi ganun kadali mapawi ang sakit na tinanim nila sakin!!

*******

NAGISING ako sa sinag nang araw.... Tumingin ako sa orasan ko .saktong 7am. Pero wala akong ganang pumasok. Sinabi ko nalang kay emmy na walang sasagutin na sagot sa telephono dahil alm kong tatawag siya.

Ayaw ko namang madamay siya sa problema ko at ayaw ko naman ibuhos lahat nang sama nang loob ko. Kaya mas okay na munang hindi ako magpakita sa kanya.



*****

Nagising ako nang tumunog ang alarm ko. Pagtingin ko 4:45pm na. Bumangon ako nang makaramdam ako nang gutum. Kaya lumabas ako papuntang kitchen. Pero wala akong nakitang mga maids. Tumingin ako sa kalendaryo at nalaman kong day off pala nila ngayun.

Kaya umakyat nalang ako sa taas at nagbihis pang alis sinuot ko nalang ang jacket ko na may hood. At pumunta mag isa sa malapit na store dito.

Kumuha ako nang cupnoodles.nilagyan ko to nang mainit na tubig.at kinain ko sa may gilid. Nagtambay lang ako dun nang ilang minuto. Saka ako naglakad pauwi. Medyu madilim dilim na nang kunti kaya binilisan ko nalang ang lakad.

Pero napahinto ako nang makarinig ako nang sigaw. Dahan dahan akong sumilip kong saan ang ingay na yun. Pero nakaramdam ako nang galit kung sinu ang binubugbug nila!!!

He's That NerdWhere stories live. Discover now