HTN-10

576 13 0
                                    

HTN-10

Arvin pOv

SIMULA sa gabing yun, narealize ko kung bakit ganun nalang ang pakikitungo niya sa mga tao.. sobra akong naaawa sa kanya. Pero hindu ko yun pinapakita dahil alam kong ayaw niya yung kinaaawaan siya.

Lumipas ang ilang buwan. Oo months.. lalo kong nakilala kung sinu ba talaga si rain chua.patagal nang patagal nakikita ko ang ilang mga expression niya gaya nalang pag naiinis. Nakikita ko na yun pero hindi ko sinasabi sa kanya. At minsan kapag nalilito siya sakin. Kita ko kung paanu to sumisilay sa malaanghel niyang mukha. Pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko na wag magsasabi sa nakikita ko. Dahil baka di ko na makita pa yun.

Halos lahat na ata nang expression niya nakita ko. Maliban nalang sa pagtawa at pag ngiti. Puro mga panget ang nakikita ko-__-. Peri masaya na ko dun dahil nag iimprove na siya. Wala naman sakin yun basta ang importante ay yung makita ko yung tawa niya at ngiti niya.

Pero lahat lahat na atang pagpapatawang ginawa ko .ni isang pangyayareng yun wlang tawa at walang ngiti!! Kaya sumuko nalang ako.

********

KANINA ko pa hinahanap si rain. Hindi kasi siya pumasok sa ilang subject nag cutting nanamn ang babaeng yun.

Pinuntahan ko siya sa teretoryo niya. Pero wala siya dun. Naglakad lakad lang ako. Isa pa lunch break naman ngayun.

'girl..balita ko magkasama yung rain at si stephen..'

'yun nga din ang dinig ko eh..'

'sa tingin mo may relasyun ba sila?'

'malay ko ...pero kung titignan mo bagay naman sila'

'mhh! Hindi pwede akin lang si stephen!'

'at akin naman si dexter!'

'hahhahhhaahaha'

Yan ang narinig ko nang mapahinto ako sa hallway.Magkasama si rain at stephen? Pero bakit?
Agad akong naglakad. At hinanap ang dalawa. Natagalan pa ko pero nakita ko din sila sa taas nang building. Nasa may field ako at kitang kita ko sila mula dito. Maliit lang kung tignan pero halatang sila yun.

Magkalayo silang dalawa at parang may pinag uusapan.may sinabi si stephen na nagpaseryoso sa mukha ni rain. Oo kita ko yun. Malinaw ang paningin ko at hindi ako nagkakamali sa mga nakikita ko.

Lumapit si stephen kay rain ,nakaramdam ako nang inis nang mas lumapit pa siya kay rain at parang may binulong sa teinga. Napansin kong nanlaki ang nga mata ni rain. Tinignan siya ni stephen saka ngumisi at lumakad paalis.

Pero nanatili lang si rain dun at tulala. Anu ba ang sinabi nung gag#ng yun at nagkaganyan siya?.pumunta nalang ako sa building na yun. At inantay siyang bumaba.

Lumipas ang 30minuto nakarinig ako nang yapak.kaya nang kunwari akong napadaan. Nung nakita ko na siya agad ko siyang tinawag .pero nakita ko sa mukha niya ang gulat.

"Rain!! Kanina pa kita hinahanap! Saan ka ba pumunta?" Tanung ko .nakita kong umiwas siya nang tingin.

"Ah wala nagpahangin lang sa taas medyu masama lang pakiramdam ko." Pagsisinungaling niya. Pero sinakyan ko nalang to.

"Ahh ganun ba ,oh tara na may dala akong lunch para satin." Sabi ko at hinila siya pababa .Nang makarating agad kami sa pwesto namin. Binigay ko agad ang lunch namin. At sabay kaming kumain..dinadaldalan ko lang siya. Dahil alam kong malalim ang inisip niya.

Hindi ko man alam kung anu ang sinabi nung stephen na yun. Pero ramdam kong hindi ito maganda. Kaya mananahimik nalang ako at magmamatyag.

"Arvin......" Biglang tawag niya sakin nang matapos kaming kumain. Tumingin ako sa kanya na may pagtatanung.

"Kung mawawala ba ako sayu... Kaya mo na bang lumaban?" Tanung niya sakin...hindi ko alam kong bakit bigla akong nanigas sa kinauupuan ko... Nakaramdam ako nang matinding kaba.

"H-huh? Anung ibig mong sabihin?" Tanung ko .

"Ah wala kalimutan mo nalang yun" sabi niya at umiiling iling. Saka niya sinandal ang ulo niya sa puno. At pumikit. Tumayo naman ako at tumabi sa kanya. Kinuha ko ang cp ko at earphone.

Nilagay ko sa tainga ni rain ang isa at sabay kaming nakinig nang kanta..

[Orange marmalady:Theme song]

Tahimik kaming nakikinig .habang dumadampi ang masimoy na hangin sa mga mukha namin.. dinadamdam ang kanta. Napatingin nalang ako kay rain nang maramdaman ko ang ulo niya sa balikat ko.

Napangiti nalang ako. At hinayaan siya.kung tutuusin. Lagi nanaming ginagawa to. Naging BESTFRIEND ko ang kagaya niya. Oo bestfriend lang.....hindi na ko umaasa na lalagpas pa dun. Dahil alam kong wala akong pag asa. Tama nang alam ko na hindi niya ako iiwan gaya nang iba.at hindi sasaktan.

Ganung posisyun lang kami hanggang sa oras na para pumasok sa sunod na subject. Ayaw pa sana ni rain pero hinila ko siya papasok. Papalag pa sana siya nang bumusangot ako. Kaya napilitan nalang siyang pumasok na ikinasaya ko naman.

He's That NerdWhere stories live. Discover now