HTN-7

681 27 0
                                    

HTN-7

Arvin pOv

DUMAAN ang linggo na palagi ko nang nakakasama si rain.at nitong linggo wala na ding nagbabalak pang mangbully sa akin. Dahil na din sa nanlaban ako at hindi ko hinahayaan na bulihin ako ,gaya nang sabi ni rain. Maliban nalang kay stephen.

Siya ang may pinakamatigas na ulo. Lumalaban ako sa kanya pero mas lalo niya ako pinag iinitan. Pero sa huli natatalo siya. Ehh paanu binubugbug siya ni rain-__- kababaeng tao parang lalaki kong kumilos.

Wala ding laban sa kanya si stephen dahil mas magaling si rain makipaglaban, hindi ko malaman kong paanu niya to nagagawa. Sa kalakasan niyang yan marami ang natakot sa kanya. Maski ako takot sa kanya. Pero iba ang ugali niya kung makakasama mo siya. TAHIMIK siyang tao at walang paki sa paligid. Kausapin mo man siya titignan ka lang niya nang blanko. Pero prangka kong sumagot.

Ni ngiti man o tawa wala akong nakikita.ibang klase tong babaeng to. At tanging ako lang ang nakakalapit sa kanya. Wala siyang pinapansin maliban nlang sa mga prof.

Araw -araw ko din siya pinagdadalhan nang pagkain.luto ni manang .hindi naman kasi siya bumibili sa canteen ayaw niya daw yun .nakakadiri kuno-__-.

UMAGA nang lunes,pero hindi siya pumasok. Kahit anung subject wala talaga.pinagtanung ko naman kay miss carol. At ang sabi nilalagnat kuno. Nagulat pa ako dahil tinatablan pa pala nang sakit yun? Kinuha ko ang tel.phone no. Sa bahay nila tumawag dun. Sumagot yung maid nila. Pero nagtaka ako nang nagsisigaw siya nung sinabi kong kaibigan ako ni rain.

Ang sabi pumunta ako sa bahay nila kong ayaw niya akong ipasalvage-__- kaya wala akong nagasa kundi magpahatid sa bahay nila rain. Sinabi na kasi sa akin nung maid kung saang adress.

Tinuro ko din kay manong kung saan. At nang makarating kami .napamangha ako sa nakita ko. Sobrang laki nang bahay nila este Mansion pla. Mas malaki sa amin pero maganda din tung sa kanila. Pinagbuksan kami nang gate at pinasok ni manong ang kotse. Saka ako bumaba.

Umakyat ako sa hagda at kumatok.mga ilang sandali pa ...biglang bumukas ang pinto nang pagkalakas lakas!!!

"Kkyyyahhh!!!!!!!! Nakarating ka din!!!!" Sigaw nang isang babaeng nakamaid uniform.

"Ah ikaw ba yung---"

"Oo ako nga!! At malaking pasasalamat ko at andito ka!!!!" Sigaw niya saka ako hinila papasok sa loob.nagulat ako nang madaming mga maid ang nakaabang.

"Emmy?? Sya ba yung tinutukoy mong kaibigan ni young Lady??!" Tanung nang isang maliit na babae na nakauniforme na pangmaid.

"Oo! Siya yun!! Kaya magpasalamat kayu dali!!!!" Sigaw nung emmy.

"YOUNG MASTER!! THANK YOU!!" Sigaw nilang lahat! Napatakip pa ko nang tainga ko.

"Ahh? Bakit kayu nagthathank you??!" Tanung ko nang okay na tainga ko.

"Ah kasi ngayun lang nagkaroon nang kaibigan si young lady, simula bata kasi wala pa siyang naging kaclose man lang at saka gabi gabi nalang soyang umuuwing sugatan..." Sabi nung emmy. Teka? Umuuwing sugatan?? Magtatanung na sana ako nang hilain ako nung emmy.

"T-teka saan mo ko dadalhin??"

"Sa kwarti ni young lady! Dalhan mo siya nang gamot! Hindi kami makapasok dahil sa kasungitan niya!" Sabi niya habng hila-hila ako paakyat .nakasunod din ang mga ibang maids na may hawak na tray. At sa ting ko gamot yun. Saka may tubig.

Nakarating kami sa ilang malaking pinto na kulay brown. Binitawan na ko ni emmy saka humarap sakin.kinuha niya ang bag ko at binigay sa isang maid. Saka kinuha ang isang tray na may gamot at tubig.

"Ibigay mo yan kay ypung lady pls!! Nilalagnat siya kagabi pa. Pero ayaw nya kaming pumasok! Kaya ikaw nalang ang chance namin para gumaling siya pls!!!" Sabi niya at dinikit pa ang palad saka yumuko .maging ibang maid yumuko sakin.

"T-teka hindu nyu na kailangan gawin yan . Gagawin ko naman din to kahit wag na kayung makiusap" sabi ko. Nakita ko agad silang tumingin sakin at may malalaking ngiti sa labi.

"Really??!! Kyyahhh!! Thank you!! " Sabi ni emmy at nagtatalon.

Napangiwi nalang ako sa inasal niya.

"Okay! Maiiwan ka nanmin ahh??! Kaw na bhala sa kanya! Alam kong magagawa mo to! May tiwala kami sayo Young master!" Sabi ni emmy .tumango tango naman ang mga maids. Saka sila umalis.

Bumuntong hininga nalang ako at kumatok. Pero walang sumasagot. Kaya unti-unti ko tong binuksan.
Bigla akong nangilabot nung wala akong makita. Pakiramdam ko papasok ako sa haunted house.

Pero lumakad padin ako at lumapit sa naanigan kong kama.medyu nasanay na mata ko sa dilim kaya hindi na ko mahihirapan pa.

Nilagay ko ang tray sa tabi nang kama niya sa may desk. Nakita ko na nakabalot na balot siya nang kumot.

"A-ah r-rain?" Tanung ko pero wlang sumsagot. Niyogyog ko pa sya pero wlang epekto. Kaya inalis ang kumot saka ko nilagay ang kamay ko sa noo niya.

Halos magmura na ko sa isipan ko nang maramdaman kong sobrang init niya at nanginginig siya!!! Dali dali akong lumabas at pinakuha ko nang maligamgam na tubig ang isang maid saka pinadala sa kwarto ni rain. Pinabuksan ko din ang bintana para makita ang sitwasyun niya.

Ako na ang nagpunas sa mukha niya.at pinilit siyang painumin nang gamot. Nagpatulong din ako sa isang maid. Na palitan siya nang damit dahil sa basa na to nang pawis.

Nilagyan ko nalang siya nang basang panyo sa noo niya at inantay siyang magising.

*********

NARAMDAMAN ko may humahaplos sa buhok ko. Pero hindi pa ako dumidilat.hinayaan ko lang siyang hawak hawakan ang buhok ko. Isa pa masarap sa pakiramdam yung ganun.

"Arvin......"

"Arvin....." Mhmhmh sinu ba yun?

"Arvin.gumising ka...." Napadilat ako nang makaramdaman ako nang nalambot na bagay sa mukha ko.tinangal ko to kaya nalaman kong unan.

Pagtingin ko sa nagtapon.

"Rain!! " Sigaw ko at lumapit sa kanya at niyakap siya. Naramdaman kong nanigas siya sa kinauupuan niya .kaya agad akong humiwalay at yumuko.

"S-sorry masaya lang ako at gising ka na" sabi ko at kumamot sa batok ko.

"Tsk! Hindi naman big deal sakin yun." Sabi niya kaya agad ko siyang tinignan . Blankong mukha ang nakita ko.

"Kagabi ka pa ba andito?" Tanung niya. Tumango nalang ako. Napansin kong umiwas siya nang tingin at parang namula ang pisngi niya. Kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan ang nuo niya. Nagulat pa siya peri hindi ko pinansin yun at pinakiramdaman ko kung may lagnat pa siya. At masaya ako dahil wala na.

"Wala ka nang lagnat!" Sabi ko at lumayo sa kanya.ngumiti ako sa kanya. Pero napawi ang ngiti ko ng samaan niya ko nang tingin.

"Kumain ka na ba?" Tanung niya. Agad akong tumingin sa relo ko at nalaman kong 2pm na pla.dun ko lang naramdaman ang gutum. Lalo na't hindi ako kumain kagabi.

"Ha-ha-ha h-hindi eh" sabi ko at yumuko. Narinig kong bumuntong hininga siya at kinuha ang telephono na nasa kanan niya. May tinawagan siya saglit. At tumingin ulit sakin.

Saktong nagtagpo ang mga mata namin. At bumalot ang mahabang katahimikan.

He's That NerdWhere stories live. Discover now