Claire Clemenente's Point of View
Pumasok na ako sa loob ng school. Gusto daw muna kasi ni Luke na mapag-isa. Tsk kung yon naman pala gusto niya then FINE!
May nakita akong babae na tumatakbo papunta sa akin. "Claire, pinapatawag po kayo ni Sir Ian sa office niya", wow pati ba naman ako ginagalang na dito? Kailangan may po narin? Hays hindi ako sanay. At saka dapat sa Five Guardian Prince's lang sila gumagalang. Isama mo narin pati teachers. Nakakatuwa nga kasi may mga bagong teachers na kami. Nagtuturo narin sila ng maayos.
"Ganon ba, salamat"
Agad akong pumunta sa office ni Sir Ian. Nakita ko siyang naka tayo sa gilid ng bintana. Nang makita niya ako, pinaupo niya na ako sa upuan. Bago niya ako kinausap, uminom na muna siya ng kape niya sa lamesa.
"May kailangan tayong pag-usapan.. About sa grades mo", pinakita niya sa akin ang card ko. Hindi ako nagulat dahil inaasahan ko na ganito talaga ang grades ko. Actually 81 ang pinaka mataas. Oha napaka genius kong babae.
"Sa lahat ng estudyante dito, ikaw ang pinaka mababa. Nabalitaan ko rin na puro ka nalang cutting. Paano ka makakagraduate niyan kung yan ang ginagawa mo dito?", lagi nga akong cutting tapos naka 81 pa ako na grades. Diba napaka galing non?
"Hindi porke___"
"Hindi porket isa po ako sa mga nagligtas sa inyo dito, gagawin ko na po ang gusto ko. Ganon po ba? Diba iyon po ang gusto mong iparating sa akin, Sir Ian?". Pinangunahan ko na siya. Well, alam ko naman ang tingin niya sa akin. Hindi ko naman talaga pinapantayan ang taas ng Five Guardian Prince's. Gusto ko lang talaga ang ginagawa ko. Sabi nga ng iba, sige sige maglibang, huwag kang magpakahibang. Oh diba? "Hindi naman sa ganon Claire"
"Sir Ian, huwag niyo na pong pahabaan pa ang usapan natin dito. Sorry po kung nawawalan na ako ng galang sa inyo", tumayo at yumuko ako sa kanya. Lumakad na ako at pumunta sa pinto. Bubuksan ko palang sana ito ng tawagin niya ang pangalan ko.
"Claire, hindi sa oras lagi nalang ang Five Guardian Prince's ang mamumuno dito", anong ibig nilang sabihin?
"Magkakaroon na tayo ng Principal. Pinagusapan na namin mga guro ang tungkol diyan", ibig sabihin... Kung magkakaroon na dito ng Principal baka... Baka pwede ng mawala ang Five Guardian Prince's.. Ganon ba yon?
"What are you saying?", pagtatakang kong tanong.
"Mawawala na ang Five Guardian Prince's dahil magkakaroon na tayo ng ibang pinuno dito. Walang iba kundi ang bagong Principal natin. Kaya hangga't may natitira ka pang oras para sa mga katarantaduhan na ginagawa mo, sulitin mo na ang pagkakataon mo". Nainis ako sa sinabi niya. Iba na siya ngayon. Hindi na siya yung dating si Sir Ian na nakilala ko dati. Sino naman kaya ang ginawa nilang Principal dito sa Devine School? Kapag nakita ko siya.. Waaah! Papasabugin ko ang kanyang ulo!
Lumapit ako kay Sir Ian at hinampas ang lamesa sa harapan niya. Gusto kong itapon lahat ng gamit dito pero hindi ko magawa, dahil teacher parin siya at estudyante lang ako dito.
"Pagtapos nilang iligtas kayo sa Devihell School na yon. Pagtapos nilang mahirapan at masaktan. Pagtapos nilang ibuwis ang kanilang buhay para sa kapakanan ninyo dito. Ito! Ito ang igaganti niyo sa kanila!?", hindi ko mapigilan na magalit at sigawan si Sir Ian. Ito nalang ang gagawin ko kaysa sa magwala dito. Pasalamat siya guro siya dito dahil kung hindi, itatapon ko siya sa bintana sa likod niya.
"We don't have a choice, kailangan natin ng Principal dito at gusto rin naman natin ng kalayaan dito. Ito ang tatandaan mo Claire, hindi na ito tulad ng dati, isa na ulit itong ordinaryong paaralan ulit. Devine School na ulit ang paaralang ito!". Kalayaan? Hindi pa ba kalayaan ang tawag sa ginawa namin para sa kanila?
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK2)
Mystery / Thriller[BOOK2] : Devihell School (Everyone has a secret) Nagtagumpay sila sa misyon nila na mailigtas ang Devine School. Pero hindi nila inaasahan na babalik ulit sila sa Devihell School. Mawawala na naman ng tuluyan ang Devine School. Maram...