"Claire!", hindi ko namalayan na lumabas na sa isang kwarto si Crade. Dali-dali siyang lumapit sa akin at inilalayan akong tumayo. Pinaupo ako ni Crade sa kama at tinignan ako ng seryoso.
"Anong bang ginagawa mo? Diba sabi ko huwag mong pilitin na tumayo o lumakad kung hindi mo pa kaya. Pasaway ka talaga Claire"
"Sorry", sabi ko at sabay na yumuko.
"Na saan na pala si Axel? Iwan ka ba daw niya dito. Hay isa pa yon"
"Wala siyang kasalanan dito at saka bago siya umalis, sinabihan niya na muna ako na huwag ng aalis at dito nalang ako magpagaling. Isa pa, may importante pa siyang gagawin", sabi ko habang naka yuko parin. Nahihiya kasi ako sa kanya at sa tingin ko kasi galit siya sa akin kaya ako ganito. Totoo naman, pasaway ako. Lagi naman eh! Kaya nga minsan hindi na nilang maiwasan na mainis o magalit sa akin. Kasalanan ko rin naman...
"Huh? Kailan pa naging busy yung taong yon?", anong ibig niyang sabihin? Nagsinungaling na naman ba sa akin si Axel? Baka naman may pupuntahan siya or something... Hay basta!
"Gusto mo na bang bumalik sa dorm?"
"Oo eh"
"Sige, alalayan nalang kita", hinawakan niya ang kamay ko at tinulungan akong tumayo. Hinawakan niya rin ang beywang ko at inalalayan na niya akong lumakad. Isa pa to si Crade, sobrang bait. Ang seswerte talaga ng magiging girlfriend nila. Iilan nalang ang mga ganitong klaseng lalaki sa mundo. At buti nalang nakilala ko silang lima.
Nang makarating na kami sa tapat ng dorm, nagpaiwan na ako sa kanya dahil alam kong may gagawin pa siya sa Clinic. Binuksan ko na ang pinto at agad na sumalubong sa akin si Kyle.
"Claire, nag-alala kami sayo", hindi lang siya ang nandito. Nandito rin si kuya Lucas at... Axel? Nandito rin pala siya at pinapakain lang si Sulki.. Akala ko ba pinakain niya na si Sulki kanina? Sabi ko na nga ba't nagsinungaling siya sa akin. Tinignan ako ni Axel pero agad niya naman itong iniwasan. May tinatago siyang sikreto sa amin. Aalamin ko yon..
"Nandito na rin ba si Luke?", pag-iiba ko ng usapan. "Nasa kwarto natutulog"
"Ganon ba..", na saan kaya siya kanina?
"Claire!", agad akong napa lingon kay kuya Lucas ng tawagin niya ang pangalan ko.
"Ano ka ba naman! Kailan ka ba hindi magiging pasaway ha? Tignan mo ang nangyari sayo, nasaktan ka tuloy", isa na rin tong si kuya Lucas. Galit na.. Wala na akong magagawa.
"Hinanap ko lang naman si Axel"
"Kahit na! Paano kung may nakakita sa inyo na teachers, edi pareho kayong napatawag sa Principal office", g na g ngayon si kuya sa akin. Ano bang pwedeng sabihin? Hindi ako sanay na ganito.. Hindi ako sanay na ganito si kuya sa akin. Hindi ko kaya..
"Hindi niya yon kasalanan Lucas, ako. Ako ang may kasalanan"
"Hoy Lucas, kumalma ka nga!"
"Patawad sa inyo.. Lalabas na muna ako saglit"
"Sandali! Claire!"
Hindi ko pinakinggan si kuya Lucas at agad akong lumabas ng dorm. Sinara ko ang pinto at sumandal doon. "Hoy Lucas, bakit mo naman ginawa yon sa kanya?", rinig kong tanong ni Axel kay kuya.
"Sumusobra na siya, hindi na siya nakikinig sa akin"
"Kahit na Lucas, kapatid mo parin siya. Kung magalit ka parang kaaway mo na. At saka matanda na yan si Claire, kaya na nyan sarili niya. Isa pa, may sarili na siyang pag-iisip". Pagtatanggol sa akin ni Kyle kay kuya. May point din naman siya pero.. Kasalanan ko parin. Pero kung hindi ko hinanap si Axel, siguro nasa Principal office na siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK2)
Mystery / Thriller[BOOK2] : Devihell School (Everyone has a secret) Nagtagumpay sila sa misyon nila na mailigtas ang Devine School. Pero hindi nila inaasahan na babalik ulit sila sa Devihell School. Mawawala na naman ng tuluyan ang Devine School. Maram...