Tumakbo ako papunta sa kanya. "Jefferson", hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siyang lumakad pero pinigilan ko siya. "Sandali lang!", lumingon siya sa akin at tinignan ako ng seryoso. "Sabi ko na nga ba, hindi totoo ang lahat ng mga sinabi mo sa akin! Sinabi na lahat sa akin ni Luke na hindi siya ang killer"
"Naniwala ka naman sa kanya agad? Nagpauto ka naman"
"Pwede ba Jefferson! Stop it now, huwag mo ng sirain pa si Luke sa amin. Inosente siyang tao at alam namin yon! So please stop it! Kilala namin si Luke, hindi niya magagawa ang bagay na yon", tinignan niya ako ng ilang sandali at maya-maya ay tumawa siya. "Hahaha! Nakakabilib naman si Luke, tignan mo nga naman oh! Nagawa ka niyang utuin?"
"Itigil mo na to Jeff! Itigil mo na ang paninira pa kay Luke!", inis kong sabi sa kanya.
"Bakit hindi mo kasi subukan na lumabas ng mamayang gabi?". Naalala ko bigla ang sinabi niya sa akin noon. Gusto niya akong lumabas ng gabi para makita ko kung sinu-sino ang mga killer. Pero dahil nga hindi ako uto-uto at hindi basta-basta naniwala sa mga sinabi niya, hindi ko ginawa ang gusto niyang gawin ko.
"Lumabas ka kasi ng mamayang gabi. And you'll see, kung sino talaga si Luke. At tawagin mo lang ako kung kailangan mo ng tulong. Hahaha! --- Oo nga pala, matanong nga kita. Diba misyon nila na iligtas ang mga estudyante? Bakit hinahayaan lang nila na mamatay sila dito?"
"Gumagawa na sila ng paraan para mailigtas ang dalawang natitirang estudyante. Maghintay ka lang, magtatagumpay sila bukas"
"Let's see.. Hahaha!", sabi niya sa akin at sabay na lumakad paalis.
Talagang sinusubukan niya ako! Nakakainis siya! Sinabi ko na ang lahat-lahat pero hindi pa rin siya naniniwala sa akin. Talaga bang ipagpapatuloy niya ang paninira kay Luke sa amin? Nakakagigil siya!
"Lumabas ka kasi ng mamayang gabi. And you'll see, kung sino talaga si Luke. Hahaha!"
Hindi ko gagawin ang sinabi niya sa akin. Hindi ko na kailangan pang lumabas at pilitin na makita pa ang killer. Maniniwala na ako agad kapag sinabi sa akin ni Luke kahit pa sa isang beses. May tiwala ako kay Luke, mabait siyang tao at alam namin yon.
"Claire?"
May tumawag sa pangalan ko at nilingon ko siya. Nakita ko si Mitch na lumalakad papalapit sa akin. "Anong ginagawa mo dito Mitch?"
"Gusto ko lang naman na makita ka, miss na miss na kasi kita". Oo nga pala hindi na kami masyadong nakakapag-usap, at dahil na rin nga sa sobrang daming nangyayari sa akin dito. Hindi ko na tuloy siya naisip.
"Sorry Mitch, medyo busy kasi ako sa ngayon"
"Ok lang naiintindihan kita", sabi niya sa akin at ningitian niya ako. Syempre ningitian ko rin siya. "Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako para sayo Claire"
"Salamat Mitch"
"Sige na may kailangan pa kasi akong puntahan, bye Claire"
"Bye Mitch"
Napaka bait naman pala ni Mitch. Aaminin ko nung una gigil na gigil ako sa ugali niya, at ngayon naman medyo gumaan na pakiramdam ko sa kanya. Ewan ko ba, ang bipolar niya. Minsan masungit minsan mabait. Hays.. Hindi ko na siya maintindihan.
Bumalik na ako sa dorm para magpahinga na, maggagabi na rin kasi. Papasok palang sana ako sa kwarto ng harangin ako ni Kyle. "Claire, pwede bang doon ka na muna matulog sa kwarto", kwarto niya? Oh no! Huwag niyang sabihin na matutulog na naman ako kasama si Luke! "Sorry wala ako sa mood para makipagpalit sayo ng kwarto". Hinawakan ko na ang doorknob para buksan pero pinigilan ako ni Kyle.
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK2)
Mystery / Thriller[BOOK2] : Devihell School (Everyone has a secret) Nagtagumpay sila sa misyon nila na mailigtas ang Devine School. Pero hindi nila inaasahan na babalik ulit sila sa Devihell School. Mawawala na naman ng tuluyan ang Devine School. Maram...