Nakapatong ang kanyang ulo sa kama at gising pa rin siya hanggang ngayon. Nagkatitigin kami sa mata at alam kong namumula ang mukha ko. Hindi talaga ako sanay sa mga ganitong bagay. Pero nang makita ko ang kanyang itsura, parang hirap na hirap rin siyang matulog.
"Hindi ka rin ba maka tulog?"
"Hindi pa pero, maya-maya siguro makakatulog na ako"
"Medyo malaki naman yung kama kaya...", t-teka! Ano tong pinagsasabi ko!? Gusto ko ba siyang makatabi dito sa kama!? Pero ok lang naman sa akin. Tinutulungan niya naman ako so tutulungan ko na rin siya, kahit ngayon lang.
"Gusto mo ba akong makatabi? Ok lang ba yon sayo?"
"A-ah I mean, ayoko lang na nakikita kang nahihirapan. At saka kahit ngayon lang matulungan man lang kita", kinakabahan ako habang nagpapaliwanag sa kanya. Sino ba naman hindi kabahan diba?
"Hmm sige sabi mo eh"
Tumayo siya at humiga sa kama, pero alam kong kalahati lang ng kanyang katawan ang nagkasya sa kama. Ayoko siyang mahirapan kaya umusod ako pero hindi ko namalayan na wala na pala akong uusudan kaya mahuhulog ako.
"Ohh..". Hinawakan ni Axel ang kamay ko at niyakap ako. Muntikan ng magdikit ang aming mukha sa isa't-isa, pero buti nalang napigilan ko. Amoy na amoy ko ang kanyang hininga, impyernes mabango.
"Muntikan na yon ah. Buti hindi ka nahulog, baka masaktan ka". Parang humuhugot ata to si Axel? Pero ang seryoso ng kanyang mukha nung sinabi niya yon.. May napapansin rin akong iba sa kanya ngayon.
"Mas mabuti kung yakapin nalang muna kita para hindi ka mahulog, makulit ka rin siguro matulog", nakakahiya tong ginagawa namin.. "A-ah s-sige", pautal-utal kong sagot. Shit! Bakit hindi ako tumanggi!? Kasi pag tumanggi naman ako, masasaktan siya at mapapahiya kaya no choice ako. Pero wala naman malisya diba?
"Tulog ka na"
"Goodnight, Axel"
"Machvelie, iyon ang apelyido ko". Machvelie? Ang ganda ng apelyido.. Ang sarap pakinggan.. "Goodnight din, Claire"
Pinikit na namin ang aming mata para matulog na. Sinusubukan kong matulog kahit ganito ang pwesto namin. Magkaharap kami, malapit ang mukha namin sa isa't-isa, at naka yakap pa siya sa akin. Shocks makakatulog ba ako ng ganito!
Maya-maya, may narinig akong nagsara ng pinto. Teka, parang may sumilip ata.. May nagbukas ata ng pinto at sinara ito agad ng makita kami ni Axel ng ganito. Gusto ko sanang tignan kaso hindi ko magawa. Naka yakap kasi sa akin si Axel at mukhang gising pa rin siya hanggang ngayon. Bahala na..
Luke Cullen's Point of View
Nagising ako ng maramdaman kong sumakit ang ulo ko. Malabo ang paningin ko pero patagal ng patagal, lumilinaw na rin. Bumangon ako ng dahan-dahan at nilibot ko ang aking paningin. Nasa isang silid ako ngayon, medyo madilim dito pero may ilaw rin naman. Kulay pula nga lang.
"Ahh", napa hawak ako bigla sa ulo ko ng maramdaman kong sumakit ulit. Tinignan ko ang kamay ko kung may dugo ba o wala, wala naman. May napansin nga lang akong peklat sa palad ko. Naalala ko na ang nangyari..
~Flashback ~
[Chapter 11]Nang mawala na sa paningin ko ang lalaki, naisip ko bigla si Claire. Iniwan ko pala siya mag-isa doon sa classroom na yon. Baka may mangyari sa kanya na hindi maganda.
Aalis palang sana ako ng may narinig akong footsteps na papalapit sa akin. Agad akong lumingon sa likod ko at may nakita akong babaeng may suot na maskara na may hawak-hawak na kutsilyo. Nang mahuli ko siya, bigla siyang tumakbo papunta sa akin. Balak niya akong saksakin pero naiwasan ko ito at sinipa ko siya palayo sa akin.
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK2)
Mystery / Thriller[BOOK2] : Devihell School (Everyone has a secret) Nagtagumpay sila sa misyon nila na mailigtas ang Devine School. Pero hindi nila inaasahan na babalik ulit sila sa Devihell School. Mawawala na naman ng tuluyan ang Devine School. Maram...