CHAPTER 27

1K 32 0
                                    

Claire Clemente's Point of View

Pagkagising na pagkagising ko sa kinaumagahan, sabay-sabay na kaming pumasok nina kuya Lucas sa klase. Syempre hindi ulit namin kasama si Luke, sabi kasi ni Kyle na wala daw ganang pumasok si Luke ngayon. Hmp lagi naman!

Mabilis din naman natapos ang una kong klase kaya nagpaalam na si Sir sa amin pero..

"Clemente, mamaya ka na pumunta sa susunod mong subject. May ipaguutos lang ako sayo", sabi ni Sir sa akin habang nag-aayos ako ng mga gamit ko.

"Sige po Sir"

"Pero sir bakit si Claire pa? Marami namang estudyante dito ah!", pagtatakang tanong ni Kyle kay Sir. Nandito pa rin siya dahil ihahatid niya daw ako sa susunod kong klase.

"Marvelous, pumunta ka nalang sa susunod mong subject. Iwan mo nalang kami dito ni Claire, ok?", Marvelous? Iyon siguro ang apelyido ni Kyle. Kyle Marvelous, naks naman!

"Yes Sir, una na ako Claire! Ingat ka", nakapagpaalam na muna ako kay Kyle bago siya umalis. Lumapit na ako kay Sir at hinihintay na sabihin niya sa akin ang ipaguutos niya.

"Pwede mo bang hanapin si Adri?"

"Si Adrian po ba, Sir?"

"Ganon na nga, alam kong kilala mo siya dahil minsan nakikita ko kayong magkasama. Pakisabi sa kanya na kailangan ko siya sa office ngayon din"

"Sige po sir", nagpaalam na muna sa akin si Sir bago siya umalis. Langya! Sa dinami-dami ng kaklase ko dito, ako pa talaga inutusan. Hays... No choice!

Lumabas na ako ng classroom at hinanap si Adri sa loob ng school pero wala siya dito. Naisip ko na baka nasa labas lang siya kaya lumabas na ako agad.

"Adrian!"

Pagbanggit ko ng pangalan ni Adri ng makita ko siyang lumiko. "Adrian, sandali!", dali-dali akong tumakbo para habulin siya pero...

"AAHHH!!"

Laking gulat ko na nay nakita akong dalawang patay na estudyante. Isang babae na may nakatusok na bakal sa kanyang ulo at katawan, napaliligiran din siya ng mga bakal. Ang buong katawan naman ng isang babae ay puno ng pako habang naka dikit siya sa pader na para bang nilarong dart pero barena nga lang ang gamit.

"Claire? Bakit ka sumisigaw?", tinuro ko sa kanya ang dalawang walang buhay na estudyante. Halos mandiri siya ng makita niya ang dalawang yon. Dumating na rin dito sina Crade, Axel, at Kyle. Wala na naman dito si Luke, palagi naman siyang wala.

"Holy shit! Motherfucker!", sigaw ni Kyle ng makita niya ang dalawa. Sa sobrang lakas ng bunganga ni Kyle, hindi siya napigilan na batukan ni Crade. "Aray!"

"Tuwing nakakakita ka nalang ng ganyan, kung anu-ano nalang pinagsasabi mo"

"Ano problema doon? Sino ba hindi mapapamura sa ganyang itsura nila!", binalewala nalang yon ni Crade at lumapit nalang siya sa dalawang estudyante. Lumapit rin sina kuya, Axel at Kyle at pinagmasdan ang dalawang yon. Habang ako naman ay nag-stay lang sa pwesto ko. Sinubukan na tanggalin ni Kyle ang bakal pero hindi niya ito magawa. "Huli na naman tayo, hindi na naman natin sila nagawang iligtas. Apat na nga lang sila hindi pa natin nagawa. Dalawa nalang ang natitira at nasisiguro ko na mamaya na naman kikilos ang mga killer"

"Ang hirap naman tanggalin nito. Hindi naman ata kaya ng isang tao na ilagay ang bakal na ito ng ganito. Siguro nanggaling ang mga bakal na ito mula sa rooftop, tama ba ako Crade?"

"Tama ka Kyle, bumagsak ang mga bakal na ito mula sa rooftop. Pero hindi ito basta-basta binagsak nalang, kumuha talaga siya ng puwersa na ibagsak ang mga bakal na ito sa babae. Pero hindi naman ata ganon ka tanga to kung alam niya naman na mababagsakan siya ng bakal", pagpapaliwanag sa amin ni Crade. Para silang Detective kung mag-imbestiga sa isang patay. Hindi na namin pa kailangan ng pulis o detective para solusyonan ang krimen, nandito naman silang apat.

Devihell School (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon