Tinignan niya ako ng seryoso at ganon din ako sa kanya. "Baliw ka talaga kahit kailan. Tinitignan ko lang kung mayroon kang sakit". Hayss! Buwiset naman oh! Hanggang ngayon ba binabasa niya parin ang isipan ko? For your information sir Luke, ikaw itong baliw! Kung pwede ka lang sipain eh! Assuming talaga ako kahit kailan. Napa hiya ako doon ah! Gaga ka kasi Claire. Ayan tuloy napala mo!
Hinawakan niya ang aking noo at tinignan kung may sakit ako. Wala naman akong sakit eh! Kung makapag-alala naman itong si Luke sa akin wagas.
"Wala ka talagang maalala?"
"Wala talaga"
Kahit na pilitin ako ni Luke na paalalahanin ang nangyari kanina, wala talaga. Wala talaga akong maalala sa nangyari kanina. Ano kaya ang totoong nangyayari?
"Dito ka na muna matulog", ano daw!? Seryoso ba siya?
"A-ano?"
"Gusto na munang makasama ni Kyle si Lucas, kaya doon na muna siya matutulog sa kwarto niyo". Dito talaga ako matutulog? Kasama siya!? Nakakahiya naman oh! T-teka... Iisa lang ang kama dito.. Hindi kaya! Huwag niyang sabihin na tabi kami sa iisang kama!
Lumapit siya sa akin at may kinuha siyang kung anong bagay sa baba ng kama. May hinila siyang kutson at kinuha niya ang isang unan sa kama. Akala ko tabi kami dito sa kama. Hays chussy ko talaga kahit kailan. Kahit na alam ko naman na mahal namin yung isa't-isa, pero hindi ko talaga siya maintindihan. Hindi ko maintindihan ang kanyang totoong nararamdaman para sa akin. Biro lang niya ata yon.
Napansin kong tinignan niya ako pero agad niya naman itong iniwasan. Shit! Nakalimutan kong binabasa niya isipan ko! Ang tanga-tanga ko talaga kahit kailan!
"Dyan ka na sa kama ko". Ibig sabihin kama niya to? Siguro yung kutson na kinuha niya sa baba ng kama niya, dyan siguro natutulog si Kyle. Ang kapal naman ata ng mukha ko.. Ako pa talaga ang nag-reklamo eh sa kanya nga ang kamang to. Nakakahiya na talaga!
"Ilang beses na ba kitang pagsasabihan? Sabing nababasa ko ang isipan mo"
"Hays... Kasalanan ko ba iyon? Pwede ka naman kasi mag banggit ng ibang pangalan", nakakaasar ka talaga Luke! Buwiset ka! Huwag na ang isipan ko please! Please lang!
"Kung ayoko?"
"Bakit pa kasi ako?"
"Ikaw lang naman ang priority ko kaya wala kang magagawa. Mabuti ng alam ko ang iniisip mo. Baka mag-isip ka dyan ng kakaiba". Anong ibig niyang sabihin? HALA! Ganon ba ang tingin niya sa akin? "Wow, nag-salita ha.. Kung may kakayahan lang talaga akong tulad ng sayo, baka matagal na akong may nalalaman tungkol sa pagkatao mo"
"Hindi madumi ang isipan ko tulad ng sayo. Nilapit ko nga lang yung mukha ko sayo, kung ano na agad pumasok sa isipan mo". Duh! Madumi ba yon? Sipain ko siya!
"Matulog ka na", sabi niya at sabay na tumalikod sa akin. Tsk! Ganyan nga! Tutal ayokong makita yang pagmumukha mo.
Pinatay niya na muna ang ilaw bago siya humiga sa kutson, nakatalikod siya sa akin. Medyo maliwanag naman dito dahil sa buwan. Gabi na ngayon, ang bilis na naman ng oras ngayon. Syempre bumalik na naman ulit kasi kami sa Devihell School. Kaya normal lang na mabilis ulit ang oras.
Humiga na ako sa kama at tumalikod rin ako sa kanya, para pantay lang. Nagkumot ako at pinikit ko na ang aking mata para matulog na.
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK2)
Mystery / Thriller[BOOK2] : Devihell School (Everyone has a secret) Nagtagumpay sila sa misyon nila na mailigtas ang Devine School. Pero hindi nila inaasahan na babalik ulit sila sa Devihell School. Mawawala na naman ng tuluyan ang Devine School. Maram...