"AHH TULONG!! LUMAYO KA SAKIN! AHH!!"
Inalis ko ang mga insekto sa likod ko.
"Claire!"
May tumawag sa pangalan ko pero hindi ko iyon pinansin. Busy lang ako sa ka-aalis ng mga insekto sa katawan ko. Bigla nalang naglaho na parang bula si Samantha. May mga naiwan pang insekto kaya hindi parin nawawala ang takot at kaba ko. Hindi ko parin makalimutan ang itsura niya kanina. May nag-alis ng cabinet sa akin kaya naka hinga ako ng kaonte. Hindi ko namalayan na naluluha na pala ako.
May naramdaman akong taong papalapit sa akin pero pinatigil ko siya. "WAAAHH!! HINDI! UMALIS KA SA HARAPAN KO!! LUMAYO KA SA AKIN!"
"Claire! Hey, hey, hey, calm down! Ako to si Lucas", si kuya?
Tinignan ko siya at tama nga... Si kuya ang taong nasa harapan ko ngayon dito. Na saan na si Sam? Pati yung mga insekto? Bakit bigla nalang nawala dito?
"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sayo?". Hindi ako maka sagot sa tanong ni kuya sa akin dahil hindi ko makalimutan si Samantha kanina.
"Kuya...", niyakap ko siya ng mahigpit at i-binuhos lahat ng aking luha. Bigla nalang pumasok sa isipan ko si Sulki.
"Si Sulki!", humiwalay ako sa pagkakayakap ko kay kuya at hinanap si Sulki. "Nandito siya", hindi ko namalayan na nandito rin pala sina Crade at Axel, kasama nila si Sulki. Kung ganon.. Hindi ko siya katabi kanina? Hindi siya yung nagpakita sa akin kanina? Hindi kaya... Si Samantha ang may kagagawan non?
"H-hindi! Nandito lang siya kanina! Kasama ko siyang nadaganan ng cabinet"
"Anong pinagsasabi mo? Nakita namin siya sa ilalim ng lamesa. Baka namalik mata ka lang siguro", nasa ilalim siya ng lamesa? Kung ganon... Hindi talaga siya yung nakita ko kanina? Paano nangyari yon?
"Claire baka nga totoong namalik mata ka lang. Dumudugo ang ulo mo, gamutin na muna natin". Hinawakan ko ang ulo ko at pagkakita ko sa kamay ko, totoo ngang dumudugo ang ulo ko. Baka nga namalik mata lang ako o kaya kung anu-ano nalang nakikita ko dahil nauntog ang ulo ko.
"Tara na", inalalayan ako nina kuya at Axel na tumayo at pinaupo nila ako sa upuan. Napansin kong walang mga biyak na pader. Ang mga gamit ay naka kalat at nakatumba lang at ang ibang mga ilaw naman ay basag. Ano ba talagang nangyayari ngayon dito?
Kumuha ng first aid kit si Axel at ibinigay ito kay kuya para gamutin ako. Pagtapos niyang gamutin ang sugat sa ulo ko, bigla nalang pumasok si Kyle at nagsisigaw-sigaw.
"Guys! May bad news at good news ako sa inyo ngayon!"
"Ano na muna ang bad news?", bago siya mag-salita huminga na muna siya ng malalim.
"Hindi talaga nagkaroon dito ng lindol. Napansin ko na buo-buo parin ang mga pader at wala man lang akong nakitang mga biyak. At isa pa, napansin ko rin na parang nag-iba ang itsura ng School". Kung ganon... Wala talaga anumang lindol na nangyari dito? Eh bakit yumanib yung lupa kung wala palang lindol? At sabi pa niya, nag-iba daw ang itsura ng Devine School.. Ano ba talagang nangyayari ngayon dito? Hindi ko naiintindihan..
"Ganon ba.. Ano naman ang good news mo?"
"Ang good news ko lang naman sa inyo ay buhay parin ako at walang anumang sugat o galos. Isa pa, hindi nadumihan ang lollipop ko", ngek! Ang ganda ng good news niya ah! Nagbibiro ba siya!? Hindi ito ang tamang oras para gumanyan siya. Wala na talaga sa tamang pag-iisip itong si Kyle.
"Pwede ba, kapag may good news ka yung matino hindi yung kalokohan mo!", inis na sabi ni Axel sa kanya. "Sorry na po boss", iyan kasi! Pag-uutak talaga ni Kyle kahit kailan. Wala man lang masabing matino. Hays nakakabuwiset siya na nakakabaliw. Ewan ko ba dyan! Kulang ata yung pag-uutak. Hays...
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK2)
Mystery / Thriller[BOOK2] : Devihell School (Everyone has a secret) Nagtagumpay sila sa misyon nila na mailigtas ang Devine School. Pero hindi nila inaasahan na babalik ulit sila sa Devihell School. Mawawala na naman ng tuluyan ang Devine School. Maram...