"AHH!!"
Bigla nalang hiniwa ng Principal ang leeg ng lalaki at nagsitalsikan ang mga dugo nito sa kanya. Hiniwa pa ng hiniwa ng Principal ang leeg nito hanggang sa pinugutan niya na ang ulo nito. Tumayo ang Principal habang hawak-hawak ang ulo ng lalaki. Takot na takot kaming lahat at hindi kami makapaniwala na ginawa yon ng Principal sa harap namin. Anong klaseng tao o Principal siya!? Paano niya nagawa ang bagay na yon?
"Kung sino pa ang killer sa inyo..", hinarap niya sa amin ang ulo ng lalaki.
"Matutulad kayo sa kanya". Napaka sama niya! Wala naman silang evidence na siya talaga ang killer! Hayop siya, wala siyang puso!
"At isa pa, ayoko sa lahat ang nagsisinungaling na estudyante. Naiintindihan niyo ba ako?". Hindi sila sumagot sa Principal, mukhang takot na takot silang sumagot. Sino ba naman makakasagot sa tanong niya pagtapos ng lahat ng ginawa niya sa harap namin. Hindi siya Principal! Tulad siya nina Tyler at Xylem, mga halimaw at demonyo! Pumapatay ng taong inosente!
"Claire!", nagulat nalang ako kay Axel ng hilain niya ako papunta sa kanya. Pero ang mas ikinagulat ko, hinagis pala ng Principal ang ulo ng lalaki sa pwesto ko. May galit ba siya sa akin? O alam niya ang iniisip ko? Hindi maaari..
Umalis na ng tulyan ang Principal kasama ang ibang guro. Tsk! Ito ba ang pinili nilang Principal? Ganitong klaseng Principal! Wala silang kwenta! Mga sunod-sunuran lang sila sa Principal. Yung mga teachers naman uto-uto. Tapos ihagis ba daw yung ulo ng lalaki sa pwesto ko? May kakaiba talaga sa Principal na yon..
"Ayos ka lang?", tumango nalang ako kay Axel bilang sagot.
"Students, bumalik na kayo sa dorm niyo at tapos na ang palabas". Hindi na sila nag-dalawang isip pa kaya pumasok na sila sa loob ng school, pero kitang-kita ko parin sa kanilang mukha ang takot at pangamba.
"Bumalik na rin tayo", sumunod kami kay Axel at bumalik na kami sa dorm. Umupo kami sa sofa at nagpahinga.
"Hindi ko parin makalimutan yung nangyari kanina. Totoo ba talaga na siya ang killer?"
"Hindi ko alam, dapat humanap na muna sila ng ibang evidence bago nila patayin yung lalaking yon. Kutsilyo na may dugo? Sapat na ba yon? Malay ba nila na naglaslas yung lalaking yon o kaya may hiniwa lang na hayop. Mga utak rin nila", inis na sabi ni Crade. Tama naman talaga si Crade! Hindi naman talaga sapat na ebidensya yung kutsilyo na yon! Paano nalang kaya kung totoong inosente yung lalaking yon.. At isa pa.. Si kuya Lucas..
"Katabi ko kanina si kuya Lucas. May sinabi siya kanina habang naka tingin siya sa lalaking inakala nilang killer. Sabi niya hindi siya..."
"Hindi siya ang alin?", parehas kami ng tanong ni Axel. Iyan rin ang tinanong ko kay kuya pero hindi siya sumagot. Binalewala niya lang ang tanong ko sa kanya.
"Tinanong ko rin yan sa kanya pero hindi niya ako pinansin, umalis lang siya agad"
"Isa lang ibig sabihin non, alam ni Lucas na hindi isang killer ang lalaking yon kanina". Parehas kami ng iniisip ni Axel. Pero paano naman nasabi ni kuya na hindi isang killer ang lalaki kanina? Nakita niya na ba ang itsura ng killer?
"Teka nga lang, baka alam na ni Lucas kung sino yung killer!?". Lumapit si Axel kay Kyle at binatukan ito. Napa aray naman si Kyle sa sobrang sakit. "Kung alam na ni Lucas kung sino ang killer, malamang sasabihin niya yon agad satin. Gamitin mo nga yang utak mo"
"Huwag ng umasa dahil masakit yon. Alam niyo na, my brain is empty and full of thrash", daming alam nito ni Kyle maligo lang hindi. My brain is empty daw eh paano siya nakakapag-isip kung walang laman yang utak niya? Hays... Loko-loko rin to minsan si Kyle, pero funny rin. Hehehe!
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK2)
Mystery / Thriller[BOOK2] : Devihell School (Everyone has a secret) Nagtagumpay sila sa misyon nila na mailigtas ang Devine School. Pero hindi nila inaasahan na babalik ulit sila sa Devihell School. Mawawala na naman ng tuluyan ang Devine School. Maram...