CHAPTER 25

1K 33 1
                                    

Sa sobrang dami kong iniisip, nakatulala nalang ako. "Lucas, ok lang ba si Claire!? Kukunin ko na ang kumot ah!", sigaw ni Kyle mula sa itaas.

"Sige lang! --- Tara na Claire, kailangan na natin bumalik sa dorm bago pa mag-gabi", binuhat niya ako ng dahan-dahan pero hanggang ngayon ay tulala pa rin ako. Nakarating na kami sa dorm at nandito silang lahat maliban lang kay Luke. Si Kyle at Crade ay nagtutulungan na paghiwa-hiwalayin ang mga kumot na tinali ko, kahit hindi ko alam kung ako ba talaga ang may gawa. Lumapit naman si Axel sa amin at tinignan niya ako, alalang-alala siya sa akin.

"Ok lang ba si Claire?", pagtatakang tanong ni Axel kay kuya Lucas. Tulala pa rin ako hanggang ngayon. "Ok lang siya pero may malaki tayong problema"

"Teka ano ba kasi nangyari?", pagtatakang tanong ni Kyle sa amin.

"Sinabi niya ba sayo kung bakit niya ginawa ang bagay na ito?", tanong ni Crade habang hawak-hawak niya ang mga kumot. "Mamaya ko nalang sasabihin sa inyo", lumakad si kuya habang buhat-buhat pa rin ako. Dinala niya ako sa kwarto at pinaupo ako sa kama ko.

"K-kuya, I promise.. Hindi ko ginawa yon"

"Pahinga ka na muna Claire, pagod ka lang siguro"

"Nagsasabi ako ng totoo!", inis kong sabi. Bakit ba kasi ayaw niyang maniwala? Sigurado naman talaga ako na hindi ko ginawa ang bagay na yon! Hinding-hindi ko iyon magagawa.. "Hays.."

"Hoy Lucas!"

"Ito na! --- Maiwan na muna kita"

"P-pero..."

"Pahinga ka na muna, please lang"

Hindi na ako nag-salita pa at hinayaan ko nalang siyang maka labas ng kwarto. Nakakainis! Hindi talaga siya naniniwala sa akin! Hindi ba kapani-paniwala ang sinabi ko sa kanya kanina? Hinawakan ko ang kwintas sa leeg ko at tinanggal ito. Ito siguro ang dahilan kung bakit ayaw maniwala sa akin ni kuya. Totoo naman kasi! Hindi ko ginawa yon! Malay ko ba baka may kumontrol na naman sa katawan ko, kahit na suot-suot ko tong kwintas na bigay sa akin ni kuya Neon. At saka wala akong natatandaan na sinuot ko ang kwintas ko na ito.

Itinabi ko na ang kwintas sa tabi ng unan ko at hinawakan ko naman ang aking paa. Naalala ko na naman ang panaginip ko kanina. Tinignan ko ang aking binti pero wala naman akong nakitang bakat na saksak. Ano bang nangyayari? Bakit ako nagkakaganito?

Biglang nagbukas ang bintana at laking gulat ko na makita ko si Adrian na pumasok dito. "Adrian? A-anong ginagawa mo dito? At paano ka naka daan sa bintana?"

"Ssshh, huwag kang maingay. Naki pasok ako sa katabi nitong dorm at dumaan ako sa bintana. Nakadaan ako dahil may apakan naman"

"Apakan?"

"Hays.. --- Oh ito". Kinuha niya ang aking kamay at may inilagay siya doon na kung anong bagay. "Bago ka matulog, ilagay mo yan sa baba ng paa mo. Naiintindihan mo ba ako?"

"A-ano? Teka, alam mo ba ang sitwasyon ko ngayon?", pagtataka kong tanong sa kanya. "Ganon na nga Claire, nakita ko kasi ang kaibigan ko na pumasok sa bintana mo. Hindi ko alam ang ginawa niya para hindi mo maigalaw ang iyong paa. Pero malamang, inutusan na naman siya ng demonyong boss namin". Anong pinagsasabi niya? May boss siya!? At sinong kaibigan ang itinutukoy niya?

"Teka nga lang, hindi ka lang ba basta ordinaryong est___", hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil narinig ko bigla ang boses ni kuya Lucas. "Alis na ako, basta gawin mo ang sinabi ko sayo", mabilis niyang sabi at agad na siyang lumabas sa bintana sabay isinara ito agad.

"T-teka lang!", nahuli na ako ng pagsabi. Tinignan ko ang palad ko at may nakita akong dahon na kulay green. Biglang nagbukas ang pinto at pumasok si kuya Lucas na may dala-dalang tray. Agad ko rin naman tinago ang dahon sa paanan ko.

Devihell School (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon