CHAPTER 26

977 32 0
                                    

"Please don't go.. Please stay, forever with me". Pilit kong lumalayo sa kanya pero hindi ko magawa. Sobrang higpit ng pagyakap niya sa akin kaya wala na akong nagawa. Binaba ko nalang ang aking kamay at hinayaan siyang yakapin ako. Naramdaman kong may pumatak na tubig sa balikat ko, yon pala lumuluha na si Luke. Hindi ko na rin natiis ang sarili ko kaya niyakap ko na rin siya.

"I'm sorry Luke"

"I'm very sorry too Claire. Hindi dapat kita iniwan, I'm so fucking stupid.."

Niyakap ko nalang siya at hindi na nag-salita pa. Nang mahimasmasan na kami, humiwalay na kami sa isa't-isa, pero maya-maya ay pinatong ni Luke ang kanyang ulo sa balikat ko. Biglang pumasok sa isipan ko ang napaginipan ko tungkol sa kanya.

"Luke, h-hndi ka kasama sa mga killer.. D-diba?". Hindi siya sumagot sa tanong ko, nanatili lang na nakapatong ang kanyang ulo sa balikat ko. Ilang minuto na ang nakalipas hindi pa rin siya umiimik hanggang sa...

"Ganon na nga...". Gumaan ang pakiramdam ko ng sagutin niya ang tanong ko. Ngayon alam ko na ang sagot sa tanong ko, si Luke ay hindi isa sa mga killer. Inosente siyang tao, mabuti nalang.. Pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Jefferson sa akin. Naguguluhan pa rin ako kung sino ang paniniwalaan ko. Syempre sino pa ba ang dapat kong pagkatiwalaan, walang iba kundi sina Luke.

"Stay with me", bulong niya sa akin at tinaas niya na ang ulo niya. May mga luha pa siya sa kanyang pisngi kaya pinunasan ko ito. Hinawakan ni Luke ang pisngi ko at tinitigan ako sa mata.

"Mahal na mahal kita Claire"

"Ganon din ako Luke"

Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ako sa bibig. Dalawang minuto kaming naghalikan at humiwalay na ako sa kanya. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit at pinakiramdaman ang kanyang mainit na katawan.

Axel Machvelie's Point of View

Hindi ako pumasok dahil nagpasya ako na aalagaan ko si Claire dito. Hindi rin naman kayang alagaan ni Claire ang kanyang sarili dahil sa kanyang paa. Hindi pa rin namin alam ang totoong dahilan kung bakit hindi maigalaw ni Claire ang kanyang paa. Iniisip nalang namin na baka nahulog lang siya.

Nagluto ako ng pagkain para sa kanya. Pagtapos kong maihanda na lahat ng pagkain, pumunta na ako sa kwarto nila ni Lucas na dala-dala ang tray. Kumatok na muna ako at hinintay na papasukin ako ni Claire.

"Claire? Si Axel to, nagluto ako ng pagkain para sayo". Hinintay ko siyang sumagot pero wala talaga. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto pero wala siya dito.

"Claire?". Binaba ko na muna ang tray sa lamesa bago ko siya hinanap dito sa kung saan. Hanap ako ng hanap sa kanya pero hindi ko talaga siya makita. Saan naman kaya nag-punta yung babaeng yon? At saka paano naman siya nakaalis dito kung hindi niya naman magawang maigalaw ang paa niya? Ang weird naman ata non.

"Claire!"

Lumabas na ako ng dorm para pagpatuloy na hanapin siya. Lakad ako ng lakad dito at sigaw ng sigaw ng pangalan ni Claire hanggang sa makita ko na siya. Lalapit sana ako sa kanya ng makita ko si Luke na kaharap niya. Hawak-hawak ni Luke ang pisngi ni Claire habang si Claire naman ay nakatitig sa mukha niya. Hindi nila ako napansin dahil medyo malayo ako sa kanila.

"Mahal na mahal kita Claire", narinig kong sabi ni Luke.

"Ganon din ako Luke"

Unti-unting naglapitan ang mukha nila sa isa't-isa hanggang sa tuluyan na maghalikan silang dalawa. Tulala lang akong pinapanood silang dalawa. Ayokong maka istorbo sa kanila kaya nagtago nalang ako. Hindi ko sila kayang makita na ganon. Sobrang nasasaktan ako.. Wala akong kaalam-alam tungkol sa kanilang dalawa. Bakit hindi nila sinabi sa amin ang tungkol doon? Bakit nila tinago sa amin ang nararamdaman nila sa isa't-isa?

Devihell School (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon