Axel's Point of View
Paggising ko, may naramdaman akong basang panyo sa noo ko. Naramdaman ko rin na basa ang aking katawan. Bumangon ako at hinayaan na mahulog ang panyo. Tumingin ako sa paligid at saka ko nalang nalaman na nasa kwarto ko pala ako. Si Claire ba ang nag-dala sa akin dito? Nagawa niya pala akong buhatin mula sa kusina hanggang dito. Kakaiba talaga siyang babae. Siya ang kauna-unahang babae na nakilala kong ganon sa buong buhay ko. Lahat ng babae na tinititigan ko lang sa mata, agad na nafafall sa akin pero siya.. Hindi ko naman ibig sabihin na gusto kong mafall siya siya sa akin pero.. Parang ganon na nga rin..
Bumukas ang pinto at pumasok si Claire na may dala-dalang pagkain. "Gising ka na pala", nilapag niya yung hawak-hawak niyang pagkain sa lamesa. Lumapit siya sa akin at bigla nalang niyang hinawakan ang noo ko habang ang kanyang mukha ay medyo malapit sa akin. Naka hawak rin siya sa kanyang noo. Pambihira naman oh. Kailangan ba malapit yung mukha niya sa akin?
"Bumaba na ng kaonte ang lagnat mo. Mabuti naman!", sabi niya at sabay na ngumiti sa akin.
"Ikaw ba ang gumawa sa akin nito?"
"Huh? A-ah eh ganon na nga. P-pero huwag kang mag-alala, nakatakip naman yung mata ko habang pinupunasan yung katawan mo ng basang panyo. At saka hindi ko alam ang gagawin ko sayo, hindi ko alam kung dadalhin ba kita sa Clinic o hindi. Pero naisip ko na baka busy si Crade kaya naisip ko na ako nalang ang mag-alaga sayo dito", pagtapos niyang sabihin yon, ngumiti na naman siya sa akin. Medyo nagulat rin ako ng sabihin niya yon sa akin. Mukhang hindi siya ang mafafall, baka ako. Nakakaasar!
"S-salamat"
"Your welcome", sabi niya at sabay na lumayo sa akin. Iyon pala, nilapit niya lang ang lamesa sa akin. Bata pa ba ako para gawin niyo to sa akin?
"Kumain ka na bago pa lumamig ang pagkain". Sinunod ko ang sinabi niya, baka kasi magalit pa to sa akin at batuhin ako ng mga gamit ko dito. Para kasi siyang boss ko kung makapag-utos.
Susubo palang sana ako ng pagkain nang marinig kong kumalam ang tiyan niya. Pinapauna niya akong kumain pero hindi pa pala siya kumakain. "S-sorry..". Mas mabuti kung siya nalang ang maunang kumain kaysa sa akin, at saka ladies first.
"Ikaw nalang ang kumain nito"
"Huh? Hindi na, ikaw nalang ang kumain. Mamaya nalang ako kakain kapag tapos ka na. At saka ginawa ko yan para sayo, sayang naman kung ako ang kakain niyan diba?", sabi niya na may halong lungkot. Kapag pinagpatuloy niya yan, baka makonsensya ako. At baka mas lalong matuluyan na akong mahulog sa kanya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Kahit kailan, hindi pa ako nagkakagusto sa isang babae. Pero bakit ganito?
"Patawad"
"Huh?"
"Patawad kung nagsinungaling ako sayo non". Nakokonsensya na talaga ako.
"Wala yon at saka naisip ko na rin naman non na hindi totoo ang sinabi mo non sa akin. Pero, saan ka ba talaga nag-punta non?". Sasabihin ko na ba sa kanya ang totoo o hindi? Buwiset na konsensya na to!
"Nung araw kasi non, may nakita akong lalaki na nakatitig sayo. Napansin niya akong naka tingin ako sa kanya kaya tumakbo siya. Hinabol ko siya pero hindi ko siya naabutan. Hindi ko na rin masyadong maalala pa ang kanyang itsura". Tinignan ko siya at parang takot na takot siya. Kilala niya kaya kung sino ang itinutukoy ko?
"Claire?"
"Hmm? Sorry.. Salamat Axel"
Hindi niya naman kailangan pang magpasalamat sa akin. At saka hindi ako papayag na samaan nila ng tingin si Claire. Lalo na't babae siya. Hindi talaga ako umuurong pag babae. Ayoko lang talaga na ginaganon nila ang babae. Hindi ako sanay.. At saka, poprotektahan ko si Claire. Pero nakakainis tong memorya ko, kung naalala ko lang ang mukha ng lalaking yon, matagal ko na siyang hinahanap dito.
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK2)
Mystery / Thriller[BOOK2] : Devihell School (Everyone has a secret) Nagtagumpay sila sa misyon nila na mailigtas ang Devine School. Pero hindi nila inaasahan na babalik ulit sila sa Devihell School. Mawawala na naman ng tuluyan ang Devine School. Maram...