Hindi nila ako pinapansin. Busy lang sila sa pagaayos ng mga gamit dito. Hello? Hindi ba nila ako nakikita?
Lumabas ulit ako at kumatok na muna bago pumasok. "Claire, buti nandito ka na. Mag-ayos ka narin ng mga gamit mo", pahayag ni Kyle.
"B-bakit naman?"
"Marami na kasing estudyante sa ngayon, kaso nga lang nagkulang na ng dorm. Kahit puno na tayo, sige parin sila kahit yung iba sa classroom nalang natutulog. Kaya nagkusang loob nalang kaming lima na magsama-sama sa iisang dorm", lima? So it means, hindi nila ako kasama? Kawawa sa kanila.. Pero bakit nila ako pinagaayos ng gamit kung hindi naman pala ako kasama sa kanila?
"Kasama ka rin", ahh! Hndi pa kasi ginawang anim! Hinintay pa ako na mag-isip. Loko talaga tong si Kyle kahit kailan. At kaninong dorm naman kami magsasama-sama?
Dumaan si kuya sa harapan ko at hindi ako pinansin. Wow snob na pala si kuya ngayon. For your information kuya, binalik ko na yung buhok ko dati. Ano pa bang kulang?
"Mag-ayos ka na!"
"Ito na nga oh!", makapag-utos tong si Kyle akala mo boss ko. Psh!
Nang matapos na kaming mag-ayos, sumunod lang ako kina kuya at Kyle. Pumunta kami sa isang dorm at binuksan nila ang pinto. Bumungad agad sa amin sina Crade at Axel. "Andyan na pala kayo, tara pasok kayo", sabi ni Axel sa amin. Siguro sa kanya ang dorm na ito.
Pagpasok namin, napa wow ako sa sobrang laki. Ibang-iba ito kumpara sa dorm namin. Wala naman itong taas, malawak lang talaga siya. Yung parang bahay na talaga. Ibang-iba rin ito kumpara sa dorm ni Luke. Madilim kasi ng kaonte yung dorm ni Luke, dito sobrang liwanag. Pakiramdam mo nasa mansion ka.
"Feel at home kayo dito"
"Wow! Ang ganda naman dito"
"Ako ang nagdesign ng dorm na to. Masasabi na nga natin na hindi ito isang dorm kundi isang mansion", sabi ko na nga ba! Kay Axel ang dorm na ito! Ang sarap pala ng buhay dito ni Axel. Tapos mag-isa lang siya dito. Hindi ba napaka sarap non?
"Sa gitna ang kwarto namin ni Crade. Sa kaliwang kwarto naman non ay sina Claire at Lucas. Ikaw naman Kyle, kasama mo si Luke sa kanang kwartong yon"
"Yes! Magkasama kami ni fafa Luke", eww! Bakla ba to si Kyle? Kailan niya pa tinawag na fafa si Luke?
Tumakbo siya at pumasok sa kwarto nila ni Luke. Ang swerte naman ni Kyle.... Shocks! Bakit ko iyon nasabi!? Porket kasama niya lang ba si Luke? Hays... Nagseselos ba ako? Magkaibigan lang naman yung dalawang yon. Hindi naman bakla si Kyle. Ano ba tong pinag-iisip mo Claire!?
"Claire, baka nabibigatan ka na sa hawak mo. Mas mabuti pang pumunta na kayo sa kwarto niyo ni Lucas"
"Siguro nga"
"Tara na Claire", sabi sa akin ni kuya. Salamat at pinansin niya narin ako. Lumakad na si kuya dala-dala ang mga gamit niya. Ganito nalang ba talaga sila? Hindi na ba nila ipaglalaban ang kanilang sarili? Hindi na ba nila ipaglalaban ang kanilang karapatan dito?
"Nakipag-deal ako kay Sir Ian"
"Huh?", napahinto sa paglalakad si kuya at natulala sina Crade at Axel sa sinabi ko.
"Pwede pa kayong mamuno dito kapag nanalo tayo sa paligsahan. Kailangan niyo lang ng mataas na votes ng mga estudyante dito. Kailangan niyong malamangan ang Principal", lumapit sa akin si Crade at hinawakan ang aking balikat. Tinignan niya ako sa mata at huminga ng malalim bago mag-salita.
"Naiintindihan ka namin Claire, pero kailangan namin respetuhin ang desisyon ng mga teachers. Sana maintindihan mo rin kami Claire", ganito nalang ba nila patatalsikin sa pwesto ang Five Guardian Prince's? Napaka walang hiya talaga ng mga teachers. Ibang-iba na talaga ang school na ito kumpara sa dati.
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK2)
Mystery / Thriller[BOOK2] : Devihell School (Everyone has a secret) Nagtagumpay sila sa misyon nila na mailigtas ang Devine School. Pero hindi nila inaasahan na babalik ulit sila sa Devihell School. Mawawala na naman ng tuluyan ang Devine School. Maram...