CHAPTER 2

1.8K 52 0
                                    

Claire Clemente's Point of View

Pumunta ako sa labas at umupo sa mahabang upuan sa gilid. Gusto ko ng sariwang hangin. Nakakainit parin ng ulo ang sinabi sa akin ni Sir Ian kanina. Nakakaloka talaga. Hays..

"Claire?"

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko pala si Axel. Hays ano ba kasi tong iniisip ko? Napaka lalim naman ata nito. "Ikaw pala Axel"

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ganyan itsura mo?"

"Ah wala may iniisip lang"

"Ayos ka lang?", lumapit siya sa akin at hinawakan ang noo ko. Sa tingin niya ba may sakit ako? Loko-loko talaga si Axel kahit kailan.

"Hoy!"

Napa lingon kami agad kay Kyle. Ano naman kailangan ng isang to? "Axel tara na! May meeting tayo ngayon!", may meeting pala sila ngayon. Bakit hindi ko alam? Oo nga pala, hindi naman kasi ako kasali sa kanila.

"Ngayon? Bakit ngayon mo lang sinabi? At saka diba dapat kahapon pa natin yan alam?", biglaan nalang? Ganon ba?

"Ewan ko ba kay Sir Ian. Alam mo ba nowadays...", wow nowadays! Umeenglish ang peg! "May kakaiba akong napapansin kay Sir Ian"

"Tsk lahat naman ata napapansin mo. Tara na baka malate pa tayo"

Parehas kami ni Kyle, parehas kami ng iniisip. Totoo naman kaya! May parang kakaiba ngayon kay Sir Ian. Hindi naman siya ganon dati. Ano kaya nangyari don?

"Claire sama ka sa amin"

"Huh!? T-teka lang!", agad na hinila ni Kyle ang braso ko at sinama ako sa kanila.

Hays napaka kulit talaga ng lalaking ito. Ang sarap i-untog sa pader! Nakakaasar talaga siya. Hindi pa ba siya nagbabago?

Pagpasok namin sa room, marami kaming nakitang teachers na nakapalibot sa malaking pabilog na lamesa. Nandito rin si Sir Ian at ang bakla na nag-rebound sa akin. Kinawayan niya ako at kinawayan ko rin siya. Hindi ko namalayan na nandito rin sina kuya, Crade, at Luke. Nakita ko si Luke na naka pikit habang nakikinig ng music sa headset. Hays hindi man lang ako nilingon at ningitian man lang. Tsk! Napaka wala niyang kwentang lalaki. Siya lang ang nakakagawa niyan sa akin sa lahat ng lalaking nagkakagusto sa akin. Mahal niya ba ako o trip niya lang ako?

Ano nga palang ginagawa ko dito? Saling ketket lang ba ako dito? Tama ako? Makalabas na nga!

Lalabas palang sana ako ng pigilan ako ni Sir Ian. "Dito ka nalang na muna Claire, tutal isa ka narin naman sa nagligtas sa amin", sabi niya ng naka ngisi. Tsk iniinit na naman ba nito ang ulo ko? Pigilan niyo ako mapapatay ko yang hayop na matandang yan! Pero pakiramdam ko talaga nag-iba siya ngayon. Aba kahit na papatayin ko parin yan pigilan niyo ako, pigilan niyo ako!

Sumunod ako sa likod ni Axel. Kinuhaan ako ni Kyle ng upuan dahil sakto lang ito sa kanilang Lima. Well, dahil sila ang Five Guardian Prince's syempre maganda dapat ang upuan nila.

Tumabi ako kay Axel dahil dito lang ang mayroong space.

"At dahil kumpleto na tayo, pwede na ba nating simulan?", tumango nalang sina kuya maliban lang kay Luke. Hindi kasi siya nakakarinig, may headset pa kasing nalalaman. Hindi nalang na muna unahin tong meeting. Nakakaloka siya!

"Dederetsuhin ko na kayong lima. Hindi ko na to patatagalin pa", edi wag! Tsk! Sinasayang niyo oras namin at lalo na ako! Hindi naman kasi ako kasali dito eh!

"Alam namin na kayo ang nagligtas sa amin, pero hindi ibig sabihin non habang buhay na kayong mamumuno sa school na ito". Wow akala ko ba dederetsuhin niya na kami? Dami pang echeburetche hindi nalang sabihin na may Principal na dito. PSH!

Devihell School (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon