Luke Cullen's Point of View
"Claire!", hinabol ko si Claire pero bigla nalang siyang nawala. Hindi ko na siya naabutan pa. Pumasok nalang ako sa school at sakto naka salubong ko sina Lucas. Mukha may plano silang iligtas yung dalawa pang natitirang estudyante, pero huli na sila. At ang saklap, ako pa ang naka patay sa isa. Na saan naman kaya ang isa?
"Nakita niyo ba si Claire?"
"Hindi bakit? Hindi mo ba siya kasama!?", pagtatakang tanong sa akin ni Kyle. "Itatanong ko ba sa inyo kung kasama ko siya?"
"Oo nga naman...", binatukan ni Crade si Kyle kaya napahawak naman ito sa ulo niya. "Hanapin natin siya! Hindi siya pwedeng mawala sa tabi natin, lalo na't siya na ang isusunod ng killer", pagaalalang sabi ni Lucas. Nagtaka naman sina Axel, Crade at Kyle sa sinabi ni Lucas. Hindi pa kasi nila alam ang tungkol doon. Kami lang ni Lucas ang nakakaalam. "Anong pinagsasabi mo?", pagtatakang tanong ni Crade kay Lucas.
"Kukunin nila sa atin si Claire para gamitin ang kanyang katawan para buhayin si Sabrina, pero bago pa naman nila gawin yon, papatayin na muna nila ang mga estudyante ni Ma'am Madelyn na naka ligtas sa sunog", nagulat naman silang tatlo sa sinabi ni Lucas. Gulong-gulo ang kanilang isipan at nag-iisip na kung anong pwedeng gawin. "Akala ko ba isa sa mga killer si Luke?", pagtatakang tanong ni Axel. Magsasalita na sana ako ng may biglang nag-salita sa likod ko.
"Mali ang iniisip niyo, hindi siya isang killer". Paglingon namin sa likod, nakita namin sina Adrian at Mike. Matagal na namin silang kilala at naging classmate na rin namin silang dalawa. "Adrian? Mike? Anong ginagawa niyo dito sa labas!?"
"Nandito kami para tulungan kayo at sabihin sa inyo ang totoong nangyayari"
"A-ano? Kung ganon, marami kayong alam tungkol sa nangyayari ngayon?"
"Hays kakasabi nga lang nila, diba?"
Tinignan nila akong dalawa at parang may gustong silang sabihin sa akin. "Mag-uusap tayo, pero gusto namin yung walang nakakarinig kahit sino man"
Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa? Hindi naman sila ganito dati. May itinatago ba silang sikreto sa amin?
🌸~🌸~🌸~🌸~🌸
Nandito kami ngayon sa dorm ni Axel dahil ito lang ang naisip namin na lugar. Naka upo sila Lucas sa sofa samantala ako ay naka tayo lang sa gilid. Sina Adrian at Mike naman ay naka tayo sa harapan namin.
"Ano ba talagang nangyayari? At sinu-sino ba talaga ang mga killer?", pagtatakang tanong ni Axel sa kanilang dalawa. Nagtinginan na muna silang dalawa bago sila nag-salita. "Una muna, gusto kong malaman niyo na tulad niyo rin kami. May mga iba't-ibang kapangyarihan rin kami tulad niyo. At ang nagbigay sa amin nito ay ang tinatawag naming boss, walang iba kundi ang Principal. Kaibigan siya ni Sabrina at gusto niyang makasama ulit si Sabrina kaya naisip niyang buhayin siya. Ang pwede lang saniban ng kaluluwa ni Sabrina ay ang katawan lamang ni Claire". Iyon pala ang dahilan kung bakit napili nila si Claire. Pero ang ikinagulat talaga namin ay may kapangyarihan din sila tulad ng sa amin. "Hindi lang naman kami ang may ganitong kapangyarihan, kasama rin dito ang kapatid ni Mike"
"Kapatid? T-teka! Si Jefferson ba ang itinutukoy niyo!?", tumango nalang sa amin silang dalawa at nagtitigan kaming lima. "Pero bakit? Anong dahilan?"
"Hindi namin inaasahan na kaming tatlo ang napili ng Principal. Binigyan niya kami ng mga iba't-ibang kapangyarihan para talunin kayo at mag higanti. Wala kaming dapat na ipaghihiganti sa inyo ni Adri, pero si Jefferson ay ipaghihiganti ang girlfriend niya sa inyo. Walang iba kundi si Samantha. Nilalason ng Principal ang utak ni Jefferson, lagi niyang sinasabi na kayo ang pumatay kay Sam kahit hindi. Alam namin ni Adrian na sina Tyler at Xylem ang may gawa non. Sinubukan na rin namin sabihin kay Jefferson ang totoo pero hindi siya naniwala sa amin. Mas inuna niya ang galit niya sa puso kaysa sa utak. At isa rin siya sa mga killer", pagpapaliwanag ni Mike sa amin. Iyon pala ang totoong nangyari. "Diba tatlo ang killer.. Kayong tatlo nina Jefferson ang killer!?", tumanggi naman silang dalawa sa tanong ni Kyle.
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK2)
Mystery / Thriller[BOOK2] : Devihell School (Everyone has a secret) Nagtagumpay sila sa misyon nila na mailigtas ang Devine School. Pero hindi nila inaasahan na babalik ulit sila sa Devihell School. Mawawala na naman ng tuluyan ang Devine School. Maram...