"Sino ka?"
Hindi niya ako pinansin. Tinanggal niya lang ang kutsilyo sa ulo ng ahas at lumakad paalis. "Sandali!", huminto siya at humarap sa akin. Napansin kong kumislap ang kanyang mata na kulay pula. Parehas sila ng kulay ng mata ni Mike. Si Mike lang naman yung tumulong sa akin nung oras na pinagkakaguluhan ako ng mga estudyante.
"Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa dorm ka na ngayon?". Maka pagsabi ako akala mo nasa dorm na ako eh noh. Pero parang hindi naman siya estudyante dito. Sino siya at anong ginagawa niya dito? Naliligaw ba siya?
"Bumalik ka na sa school kung ayaw mong mapa hamak ka", sabi niya habang naglalakad siya paalis. Babala niya ba yon o tinatakot niya lang ako?
"T-teka!", umalis na siya ng tuluyan, hindi ko na siya napigilan pa. Hays.. Paano to? Paano na ako makakabalik ng school? Hindi ko man lang maigalaw ang paa ko ng maayos. Hihingi sana ako ng tulong sa kanya pero mukha siyang masungit. Akala ko talaga si Crade yon, mali pala ako. Magkahawig kasi sila ng itsura. Hmm.. Malay ko ba! Baka nga magkamag-anak sila ni Crade or something. Hayss.. Paano na to? Paano na ako makakabalik sa dorm! 30 minutes lang ang kailangan ko! Hays.. Buwiset ang tanga-tanga ko talaga kahit kailan!
"Oh... Anong ginagawa mo dito?", agad akong napa lingon sa likod ko ng may narinig akong nag salita. Saktong-sakto ang pagdating ni Adri. Buti nalang nandito siya. Oh right no choice! Kailangan kong magpatulong sa kanya..
"I think I sprained my ankle, can you help me?"
"Ganon ba? Hmm..", lumapit siya sa akin at dahan-dahan niya akong binuhat.
"Ako ng bahala sayo"
Lumakad na siya habang buhat-buhat ako. Hindi ko alam kung nabibigatan ba siya sa akin o hindi. Pero isa lang masasabi ko sa kanya. Sobrang bait niya, para siyang si Axel. Hindi lang siya mabait, mapalabiro rin siya. Gusto ko siya.. I mean yung ugali niya. Hehehe!
"Ano bang ginagawa mo dito?"
"May hinahanap kasi akong tao. At sabi ng kaibigan ko dito daw siya pumunta kaya nandito ako ngayon"
"Kaibigan ba talaga", natulala ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?
Nagulat ako ng ibaba niya agad ako ng walang sabi. Dahan-dahan niya akong binaba para hindi sumakit ang paa ko. Lumingon-lingon siya sa paligid at sabay na tinignan ako sa mata. Natulala ako ng bigla nalang kumislap ang kanyang mata na kulay blue ng dalawang beses. Ano bang problema niya? At saka anong meaning ng pagkislap ng kanyang mata?
"Maiwan na kita, may magdadala na sayo sa school", sabi niya at sabay na umalis. Anong ibig niyang sabihin? "Teka lang Adri!", lumingon siya sa akin at ningitian ako. Problema niya?
"Ngayon ko lang narinig na tinawag mo ako sa pangalan ko. Huwag kang mag-alala, may darating na dito para tulungan ka"
"T-teka ka lang!", hindi ko na siya napigilan pa, naka alis na siya na wala man lang sinasabing paalam. Hindi ko siya maintindihan.. May darating dito para tulungan ako? At saka paano niya naman nalaman yon? Nawiwirduhan ako sa kanya..
"Claire!"
"Axel?"
Si Axel ba ang itinutukoy ni Adri na darating para tulungan ako? Paano niya naman nalaman yon? Ang weird talaga.. Hindi kaya.. May tinatago siyang sikreto sakin?
"Sabi ko na nga ba't nandito ka. Anong ginagawa mo dito?"
"Edi hinahanap ka"
"Pasaway ka parin kahit kailan. Bakit ka naka upo dyan? Anong nangyari sayo? May masakit ba sayo?"
"Yung paa ko, hindi ako makalakad o makatayo man lang", lumapit siya sa akin at binuhat rin ako. May naamoy akong kakaiba.. Sobrang bango.. Si Axel kaya yon?
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK2)
Mystery / Thriller[BOOK2] : Devihell School (Everyone has a secret) Nagtagumpay sila sa misyon nila na mailigtas ang Devine School. Pero hindi nila inaasahan na babalik ulit sila sa Devihell School. Mawawala na naman ng tuluyan ang Devine School. Maram...