Adrian's Point of View
"Sandali lang!"
Umakyat ako sa taas para habulin ang taong bababa sana ng hagdan. Mukhang siya ata ang kausap ng babae kanina. Kailangan ko na munang iwanan si Claire doon at alam kong papunta na sa kanya si Lucas. Paikot-ikot ako dito sa school hanggang sa makita ko na siya.
"Hoy! Sandali lang sabi!". Hindi niya ako pinakinggan, nagpatuloy lang siyang tumakbo. Sakto at may nakita akong trash can at ibinato ko ito sa kanya. Nadapa naman siya at agad naman akong kumilos. Hinawakan ko ang kwelyo niya at sinapak siya sa mukha.
"Huwag kang matakot! May mga bagay lang akong gustong itanong sayo!"
"Narinig mo naman siya diba! Narinig mo ang sinabi niya! Kami na ang susunod na mamamatay! Kami na!". Paano niya naman nalaman na sila na ang isusunod ng killer?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi mo ako naiintindihan! Lahat ng mga namamatay dito ay kaklase namin noon! Hindi ba nakapagtataka yon? Simula na ang paghihiganti nila sa amin! Malapit na kaming kunin ni kamatayan! HAHAHA!", nagawa niya pa talagang tumawa sa ganitong sitwasyon. Nababaliw na siya.. Nasira na siguro ang pag-iisip ng isang to dahil sa mga nangyayari sa mga kaklase niya noon.
Bakit wala akong alam tungkol dito? Bakit wala akong alam na may plano sila na patayin ang mga estudyante dati dito. Ito ba ang itinutukoy niya sa akin? Ang mga estudyante na sangkot sa pambubully ng isang guro? Hindi na ako magtataka pa..
May mga naririnig akong nga footsteps ng mga estudyante at isang guro, mukhang papunta sila ngayon dito. Binitawan ko na ang lalaki at inayos ang uniform ko.
"Iyon siya! Siya yung lalaki na nakita ko kanina kasama ng babae!", sabi ko na nga ba. Hinahanap nila ang isang to.
"Kunin niyo siya!", utos ng teacher sa mga lalaking estudyante na kasama niya. Agad naman silang kumilos at hinuli ang lalaki.
"T-teka! Nagkakamali kayo! Wala akong kasalanan! Biktima rin ako dito! --- Hoy ikaw!", sigaw niya sa akin at nakita kong nanlilisik ang kanyang mata.
"Alam mo diba!? Alam mo yung totoo! Sabihin mo sa kanila na wala akong kasalanan!". Wala na akong magagawa pa..
Tumanggi ako sa kanya kaya nagalit siya sa akin. "Tara na!", utos ng guro sa kanila.
"MANLOLOKO! SINUNGALING KA! TULUNGAN MO AKO! HOY!!!", tinignan ko lang sila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.
Patawad pero kapag sinabi ko ang totoo, mas magiging malala pa ang parusa ng killer sayo kaysa sa mga guro. Mas mabuti kung parusahan ka nalang ng mga guro kaysa sa ang killer ang pumatay sayo.
"Sabi ko na nga ba, patuloy at patuloy ka pa rin sa pagsesearch ng mga plano namin", napa lingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses na yon. Siya lang naman ang killer dito.
"Tumigil ka na!"
"Hahahaha! Adrian, kung kilala mo naman kung sino ang killer. Bakit hindi mo pa sabihin sa kanila? Huwag mong sabihin na hanggang ngayon, kaibigan pa rin ang turing mo sa akin". Buwiset! Kung hindi ko lang talaga siya kakilala, matagal ko ng sinabi sa kanila kung sino ang killer dito. Buwiset tong nararamdaman ko!
"My good news pala ako sayo, alam mo ba sa ngayon.. May bago na akong kasama sa bawat pagpatay sa mga nakakaawang estudyante na yon. Gusto mo bang malaman kung sino siya? --- Lumabas ka na dyan!". May nakita akong taong lumabas sa isang dorm. Ano to!? Hindi ito maaari! Paano nilang nagawang kontrolin ang isang to? Paano nila nagawang lasunin ang utak niya?
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK2)
Mystery / Thriller[BOOK2] : Devihell School (Everyone has a secret) Nagtagumpay sila sa misyon nila na mailigtas ang Devine School. Pero hindi nila inaasahan na babalik ulit sila sa Devihell School. Mawawala na naman ng tuluyan ang Devine School. Maram...