CHAPTER 16

1.1K 37 0
                                    

Someone's Point of View

"May balita na ba sa dalawa?", tanong ko sa tauhan ko na isang guro. Uminom na muna ako ng kape habang hinihintay ko ang kanyang sagot.

"Of course, hindi naman ako pupunta dito ng walang Balita diba? --- Yung dalawang yon, mukhang ginagawa nila ang lahat para ilayo nila sa atin si Claire"

"Sinasabi ko na nga ba!", inis kong sabi at sabay na hinampas ang table ko. Nakakabuwiset talaga yung dalawang yon. Hindi talaga sila nagpapatalo sa akin. Bakit hindi nalang sila sumunod sa utos ko sa kanila!? Buti nalang ang kaibigan nila, sumusunod sa utos ko. Palibhasa kontrolado ko ang kanyang isip. Pero sa dalawang yon, hindi ko magawang makontrol. Lumalaban sila sa akin! Mga wala silang kwenta!

Bumukas ang pinto at may pumasok na lalaki. "Well, well, well, nandito na pala ang matapat kong anak"

"Nine nalang silang natitira, napatay ko na ang dalawa. Ginamit ko ang ibinigay niyo sa akin na kapangyarihan. Labis kong ikinagulat na iyon pala ang mangyayari, naputol lahat ng bahagi ng katawan na ginamitan ko non. At yung lalaking ginaya ko ng itsura, gusto ko sana na ako na ang pumatay sa kanya pero wala na". Buti nalang nandito siya para tulungan ako, at hindi lang siya tumutulong sa akin na buhayin ulit si Sabrina. May ipinaghihiganti rin siyang taong na namatay dito. Nagsinungaling ako sa kanya na sina Victoria at ang Five Guardian Prince's ang pumatay sa pinaghihiganti niyang tao, pero sa totoo lang ang mga tauhan ni Sabrina ang gumawa non. Buti nalang tatanga-tanga ang lalaking to, pero maaasahan siya sa mga ganitong gawain. "Very good..."

"At isa pa, may good news ako sa inyo. May katulong akong tao, tinutulungan niya ako na pumatay sa mga estudyanteng mga yon. At may plano na rin kami kung paano kunin si Claire sa kanila". Uminom ulit ako ng kape at tinignan siya. Magaling siya...

"Maaasahan talaga kita. Don't you worry, maipaghihiganti mo rin ang taong gusto mong ipaghiganti sa kanila". Sabi ko sa kanya at sabay na tinapon ang kape sa sahig ng dahan-dahan.

"HAHAHA!", nagsitawanan kaming tatlo dito dahil nakikita na namin ang tagumpay namin. Maghintay ka lang Sabrina, bubuhayin kita. Maghintay ka lamang at magagawa ko na rin ang gusto natin. HAHAHA!

Claire Clemente's Point of View

Pagmulat ko ng aking mata, laking gulat ko na malaman kong nasa labas ako ng school. Gabi na ngayon at wala akong nakikitang mga tao. Panaginip ba to?

"AHH!"

Lumingon ako sa likod ko at may nakita akong taong pumapatay na estudyante. Paulit-ulit niyang sinasaksak ng kutsilyo ang ulo ng babae.

"More! More! More! More! HAHAHA!". Napansin ko ang kanyang suot, nakasuot siya ng kulay itim na pantalon, kulay itim na sapatos, at... Kulay gray na jacket! Naalala ko yung sinabi ng babae.. Nung sinabi niya sa amin kung ano ang itsura ng killer. Hindi ako pwedeng magkamali, ang taong nasa harapan ko ngayon.. Siya ang killer! Sabi ko na nga ba yung lalaking pinatay ng Principal ay isang inosente. Hindi siya yung killer, napagbintangan lang siya non!

"Itigil mo yan!". Sasaksakin niya pa sana yung babae pero tumigil siya ng marinig niya ang sinabi ko. Dahan-dahan siyang tumayo habang hawak-hawak niya ang kanyang kutsilyo at humarap siya sa akin.. Akala ko makikita ko na ang kanyang itsura pero hindi, naka suot siya ng maskara. Buwiset!

Lumapit siya sa akin ng kaonte at dahil sa sobrang takot ko, tinakpan ko ang aking mukha gamit ang kamay ko. Nag bilang na muna ako ng lima bago ko alisin ang kamay ko sa mukha. Pero laking gulat ko na makita ko nalang ang mga estudyante na namatay dito sa likod niya. Nakakatakot ang kanilang mga itsura at pinagpapawisan ako sa sobrang kaba. Bumibilis ang tibok ng puso ko.. Pakiramdam ko sasabog na to dahil sa sobrang bilis. Ayoko na.. Natatakot na ako! Panaginip lang to.. Panaginip! Panaginip lang to!

"ISUSUNOD KA NAMIN!". Bigla nalang silang sumulpot sa tabi ko at hinawakan ang paa at kamay ko. "ANONG GINAGAWA NIYO!? BITAWAN NIYO AKO!", nakita kong sumugod sa akin ang killer at balak akong saksakin.

"HINDI!"

Nagising nalang ako ng may naramdaman akong humawak sa braso ko. Bumangon ako sa kama at lumingon-lingon sa paligid. Napansin ko na wala akong kasama dito sa kwarto. Tinignan ko ang aking braso at natakot ako ng may nakita akong bakat na kamay.

Biglang nagbukas ang pinto at pumasok si kuya na naka suot ng uniform. Patay! Late na pala akong gumising! Babangon palang sana ako ng pigilan ako ni kuya. "Huwag ka ng pumasok Claire"

"A-ano?", pagtataka kong tanong sa kanya. Lumapit siya sa akin at bigla ko nalang naalala ang bakat na kamay sa braso ko. Tinago ko ito gamit ang aking kumot. Ayokong makita niya to at baka mag-alala na naman siya sa akin. "Paggising ko kasi kanina, nakita kong pinagpapawisan ka kahit malamig naman. Naisip ko na baka masama ang pakiramdam mo kaya hindi na kita ginising. Hinayaan na kita na matulog". Pinagpapawisan ako? Ganon din ang nangyari sa panaginip ko kanina. Bakit parang totoo ang nangyari kanina sa panaginip ko? Kanina yung braso ko at ngayon naman yung pawis ko. Ano pang sunod?

"Magpahinga ka nalang dito, ok ba? Huwag mo ng pilitin na pumasok pa. Pinaghandaan na rin pala kita ng almusal mo, nasa kusina", ang bait talaga ni kuya kahit kailan. "Salamat kuya"

"Huwag kang magpasalamat sa akin, kuya mo ako at tungkulin ko na alagaan ka ng mabuti. Lalo na't babae ka pa. Magiingat ka, alis na kami"

"Ingat rin kayo", akala mo talaga malayo kami sa isa't-isa. Buti nalang may ganon akong klaseng kuya. Kung nandito lang si kuya Neon baka sobrang sarap na ng buhay ko dito. Bakit hindi na kaya nagpaparamdam sa akin si kuya Neon? Kahit sa panaginip man lang hindi ko siya nakikita. Namimiss ko na siya..

Tinignan ko ulit ang aking braso at pinagmasdan ito. Hinawakan ko ito at medyo masakit. Kailan pa ako nagawang hawakan ng mga taong nakita ko sa panaginip ko sa totoo? Babala ba nila yon sa akin na.. Isusunod nila ako? At yung killer.. Umasa ako na makikita ko na ang kanyang mukha pero sayang, naka suot siya ng maskara. Sino kaya siya?

Bumangon na ako sa kama at nag-ayos ng sarili. Nagsuot ako ng jacket para walang makakita sa braso ko. Ayoko silang ipagalala. Pumunta ako sa kusina para mag-almusal na. Salamat kay kuya.. Ang bait niya talaga..

Kakain palang sana ako ng makita ko si Axel. Iba ang kanyang itsura ngayon, para siyang pagod na pagod. Napansin ko rin ang kanyang suot.. Teka, hindi ba siya pumasok? Saan siya nag-punta?

"Ohh Axel, ikaw pala. Hindi ka pa ba kumain? Sandali lang ha, ipaghahanda kita". Iniwan ko na muna ang pagkain ko sa lamesa at tumayo para gawan ng pagkain si Axel.

Bigla nalang may humawak sa balikat ko. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Axel. Pero laking gulat ko na bigla nalang siyang bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.

"AXEL!"

Hinawakan ko ang kanyang noo at sobrang init niya. Ano bang gagawin ko sa lalaking to!?

"Hoy Axel! Gumising ka! Axel!"

Axel's Point of View

Hindi ako pumasok dahil masama ang pakiramdam ko. Tinanong ako kanina ni Crade kung papasok ba ako, ang sabi ko naman sa kanya ay tinatamad ako. Hindi ko sinabi sa kanya na masama ang pakiramdam ko. Naalala ko ang nangyari sa akin kagabi, may babaeng gustong makipagkita sa akin at nagconfess siya. Hindi ako nag-salita non. Binigyan niya ako ng isang candy at gusto niyang kainin ko ito sa harap niya. Wala akong nagawa kundi sundin ang gusto niya. Wala naman nangyari sa akin na kakaiba pero nung pagbalik ko dito sa dorm, nanghina ako at parang may tumutusok sa tiyan ko. Hindi ko pinansin yon at dumeretso lang ako sa kama ko para matulog. Nakakainis! Mukhang naisahan ako ng babaeng yon. Gusto niya ata akong patayin. Kapag nakita ko siya ulit, malalagot siya sa akin. Pero rerespetuhin ko parin siya dahil babae siya. Pasalamat siya babae siya dahil kung hindi, mapapatay ko siya.

Lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig sa kusina. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala akong ginawa na kung ano. Hindi ko inaasahan na makikita ko si Claire dito sa kusina.

"Ohh Axel, ikaw pala. Hindi ka pa ba kumain? Sandali lang ha, ipaghahanda kita". Tuwing nakikita ko ang kanyang mukha, naalala ko ang pagsisinungaling ko sa kanya. Nakokonsensya ako..

Lumapit ako sa kanya kahit hirap na hirap akong mag-lakad. Pipigilan ko sana siyang gawan ako ng pagkain pero nahilo ako at nawalan ng malay.

Devihell School (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon