CHAPTER 32

1K 31 0
                                    

Jefferson's Point of View

"Maligayang pagbabalik, Sabrina", maarteng sabi ni Madam Rianne. Kasama na namin ngayon si Mitch at parehas kaming naka luhod. Ito ang respeto namin upang batiin si Sabrina sa kanyang pagbabalik gamit ang katawan ni Claire.

Naka tali pa rin siya sa upuan pero gising na. Tinaas niya ang kanyang ulo at nanlilisik ang kanyang mata. Nagbago ang kulay ng mata ni Claire, naging kulay asul na ito. Syempre hindi na Claire ang tawag ko sa kanya kundi Sabrina na. Tinanggal niya ang mga lubid na naka tali sa kanyang paa at kamay at tumayo siya.

"Sa wakas, natapos na rin ang paghihirap ko sa lugar na iyon", ang itinutukoy niya ay ang lugar kung saan siya napunta pagtapos niyang mawala, sa kadiliman. Kung nandito na si Sabrina, malamang si Claire na ang nandoon. Lumapit si Sabrina sa Principal at kay madam Rianne. "Salamat sa aking mga mabubuting kaibigan"

"Ikinagagalak ko ang iyong pagbabalik sa mundong ito Sabrina". Tinignan kami ni Sab at napansin niya kami. "Sila ba ang tumulong sa inyo?"

"Ganon na nga"

"Kung ganon, bibigyan ko sila ng magandang regalo". Lumapit siya sa amin at itinapat niya ang kanyang kamay sa amin ni Mitch. May iba akong naramdaman sa leeg kaya hinawakan ko ito, iyon pala binigyan niya kami ng isang itim na necklace at may bungo na kulay pula sa gitna. "Kayo na ang sunod na magiging taga sunod ko"

"Maraming salamat", pahayag namin ni Mitch.

"Anong plano mo Sabrina?"

"Plano ko? Simple lang, ang patayin lahat ng estudyante at ang mga teachers dito. Kabilang na ang Five Guardian Prince's at ang dalawang nag-traydor sayo". Hindi to pwede.. Balak niyang patayin sina Michael at Adrian. Pero ano pa nga ba magagawa ko, papabayaan ko nalang siya na gawin yon.

Pumunta kami sa likod ng school at dito gagawin ni Sabrina ang plano niya. Lumutang siya sa ere at tumapat sa buwan. "De la ostoros no mores te afulu. Uruge turos te amou no. Dem bale e huste no etor. Rine ne kadulume oh estote pene umbra!". Biglang lumakas ang hangin at nagkaroon ng usok sa itaas. Bigla naman naging kulay pula ang buwan at ang mga uwak ay nagsisiliparan sa likod ni Sabrina. "Jefferson, sa tingin mo ba tama ang desisyon natin?", nagulat ako sa tanong sa akin ni Mitch.

"Bakit? Ano ba sa tingin mo?"

"Para kasing mali ito, nagsisisi na ako sa lahat ng ginawa ko. Para na tayong kumampi sa demonyo at tinalikuran ang Diyos. Sa tingin ko dapat hindi natin to ginawa". Nababaliw na siya. Kung kailan malapit na ang katapusan saka pa siya nagsisi. "Wala na tayong magagawa kaya kung ako sayo, sumunod ka nalang sa kanilang tatlo"

"Porket wala tayong panlaban sa kanila hindi na tayo gagawa ng paraan?"

"Kung ayaw mong masaktan ka nila tumahimik ka nalang", inis kong sabi sa kanya.

Hinawakan ko ang bigay sa amin ni Sabrina na necklace. Alam kong wala kaming panlaban sa kanya, pero ito lang ang mabuting magagawa namin para hindi kami kasama nilang mamamatay dito.

"Jefferson.. T-tignan mo.."

Tinignan ko naman ang itinuro sa akin ni Mitch at laking gulat ko na nandito na ang lahat ng mga estudyante at teachers. Para silang wala sa sarili nila. Malamang lahat sila kinontrol ni Sabrina. Sila lang ang nandito, wala dito ang Five Guardian Prince's at sina Adrian at Mike. Hindi sila kayang kontrolin ni Sabrina dahil hindi pa rin naman sila pangkaraniwang tao. May kapangyarihan pa sila tulad ni Sab. Magkakasama ang mga estudyante sa kanan at ang mga teachers naman ay ang mga nasa kaliwa. Ang Principal at si Madam Rianne naman ang nasa gitna.

Devihell School (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon