Nagising ako ng may narinig akong ingay sa labas. Pag-tingin ko kay Axel, wala na siya. Saan naman nag-punta yon? Bakit niya ako iniwan..
"Axel?"
Tumayo ako at hinanap siya dito pero wala talaga siya. Tumingin ako sa bintana at madilim na rin. Talaga bang lalabas ako dito para hanapin lang siya? Pero gabi na.. Nakakatakot na baka may mangyari sa akin na masama. Isa pa, hindi ako iniiwan ni Axel na mag-isa. Lagi siyang nasa tabi ko tuwing gigising ako. Kaya paano niya to nagawa sa akin? Hahanapin ko ba talaga siya sa labas o hindi? At saka gabi na rin kasi, delikado ng lumabas pa. Pero hindi ito pwede, kailangan kong hanapin si Axel.
Hindi na ako nagdalawang isip pa na lumabas sa Clinic para hanapin si Axel. Pero paglabas ko, medyo wala akong makita dahil madilim. Kailan pa nila pinatay ang mga ilaw dito sa hallway tuwing gabi. Hays..
Lalakad palang sana ako ng may narinig akong boses sa likod ko. Lumingon ako at may nakita akong lalaking naka tayo habang siya'y naka yuko. May kulay pulang ilaw na naka tapat sa kanya kaya nakikita ko siya. Nabigla nalang ako ng mapansin ko ang kanyang suot na kulay gray na jacket. Ito yung damit ng killer.. Hindi kaya.. Magiging totoo na talaga ang panaginip ko kanina? O na nanaginip na naman ba ako ulit? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Go to sleep... Go to sleep... Go to sleep", paulit-ulit niyang binabanggit ang salitang GO TO SLEEP. May dinukot siya sa kanyang bulsa sa jacket at isa itong kutsilyo. Patay! Anong gagawin ko ngayon?
Tinaas niya ang kanyang ulo at napahinto siya sa paglalakad ng makita niya ako. "Sino ka? Kung matapang ka, bakit hindi mo tanggalin yang maskara mo sa mukha!", hindi siya umimik. Pero maya-maya hinawakan niya ang kanyang maskara pero hindi niya pa to tinatanggal.
"Huwag ka sanang magalit", sabi niya na may pagkalalim ng boses.
"Anong ibig mong sabihin?", pagtataka kong tanong sa kanya. Yumuko na muna siya at dahan-dahan niyang tinanggal ang maskara niya sabay inihagis niya ito sa kung saan. Dahan-dahan niya rin tinaas ang kanyang ulo at.. Laking gulat ko na makita ko ang kanyang mukha.
"L-luke?"
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Halos matumba ako sa sahig sa sobrang gulat. Hindi! Hindi ito totoo! Panaginip lang to at alam ko yon! Hindi ito nangyayari! Isa tong malaking kalokohan! Bakit? Bakit si Luke pa ang killer? Bakit siya pa!
"Gulat ka noh? Hahahaha! Namiss kita, Claire. Maniwala ka man o hindi, ako ang killer. Ako ang pumapatay sa kanila, gusto mo ba malaman kung gaano na karami ang napatay ko dito?". Bigla nalang nagbukas ang ilaw sa hallway at bumungad sa akin ang mga katawan ng mga estudyante dito. Tadtad sila ng mga saksak sa ulo at katawan at may mga parte ng katawan nila ang nawawala. Halos mapuno na ang dugo dito sa dami ng estudyante. Kabilang na rin sina Mitch, Mike, Adrian, Jeff, Kyle, Crade, at.. Si kuya Lucas?
"HINDI ITO TOTOO!"
"C-claire..", narinig ko pang nag-salita si kuya. Buhay pa siya! "Langya naman oh, buhay ka pa rin hanggang ngayon. Hindi ako makakapayag!"
"Kuya!"
Bigla nalang sumugod si Luke kay kuya at sinaksak niya ito sa ulo.
"HINDI! KUYA!!!", hindi mapigilan na maluha ng makita ko ang itsura ni kuya. Gusto kong lumaban kay Luke pero hindi ko magawa. Hindi ako maka galaw sa pwesto ko at hindi rin ako maka kilos.
"CLAIRE!"
Napa lingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Axel. "AXEL!", nakita ko siyang tumatakbo papunta sa akin pero..
"HUWAG!!", tumakbo si Luke papunta sa kanya at sinaksak ito sa dibdib. Sumuka ng sumuka ng dugo si Axel hanggang sa matumba ito at mawalan ng malay. Napa yuko nalang ako at hindi ko mapigilan na umagos ang aking mga luha. Ano bang ginagawa ni Luke!? Nawawala na siya sa sarili niya! Nababaliw na siya! Hindi ito totoo! Panaginip lang to! Gumising ka na Claire!
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK2)
Mystery / Thriller[BOOK2] : Devihell School (Everyone has a secret) Nagtagumpay sila sa misyon nila na mailigtas ang Devine School. Pero hindi nila inaasahan na babalik ulit sila sa Devihell School. Mawawala na naman ng tuluyan ang Devine School. Maram...