CHAPTER 22

963 30 0
                                    

Luke Cullen's Point of View

"Sino ka?"

"Kailangan ko pa bang magpakilala sayo? Hindi mo ba matandaan kung saan mo narinig ang boses ko?". Nag-isip ako kung saan ko ba narinig ang boses niya, bigla nalang pumasok sa isipan ko ang lalaking gustong makipagkita sa akin sa rooftop. Isa lang naman siya sa mga killer dito. "Akala ko ba patay ka na? Sabi ko na nga ba at kakaiba ka. May kakayahan kang gumaya ng itsura ng tao. Na saan yung kasama mong bading? Kaya ba nasa labas kayo ngayon dahil may papatayin kayo ulit?", bago siya sumagot sa tanong ko, pumalakpak na muna siya ng limang beses.

"Ganon na nga, kaya mo ba kaming pigilan? Pero babalitaan lang kita, hindi lang naman dalawa ang killer dito kundi tatlo kami! Ang saya diba? HAHAHA!", sira ata ang ulo nito.

"Diba dapat masaya ka na dahil naibalik mo ulit ang kulay ng mata mo?", kulay ng mata ko? May kulay ang mata ko ngayon! Bakit sila lang ni Claire ang nakakakita non?

"Ahh! Alam ko na kung bakit nalabas mo ulit yan, dahil siguro.. Sa galit? Hahaha! Bakit hindi mo kaya tignan yung pader na sinuntok mo?". Para naman akong tanga na sinunod ang gusto niya. Pero laking gulat ko na sobrang laki ng warak ng pader. Paano ko nagawa yon? Bumalik na ba ulit ang kapangyarihan ko? Imposible! Paano ko nagawang ibalik yon?

"Pero huwag kang magpakasaya, ilang minuto lang ay mawawala na rin yan. Hindi ka naman kasi gaano pa kalakas, katulad namin". Binalewala ko ang kanyang sinabi sa akin dahil busy ako sa kakaisip kung paano ko nagawang ilabas ang kapangyarihan ko. Sabi niya dahil sa galit, pero imposible naman ata yon.

"Gusto mo pang maging malakas diba? Bakit hindi mo kayang subukan na sumama sa amin?"

"Nababaliw ka na. Sa tingin mo ba sasama ako sa inyo? Kayo nga yung may balak na kumuha kay Claire, tapos aasa kayo na sasama ako sa inyo?". Sira talaga ulo nito. Hindi muna nag-iisip bago itanong sa akin yon. Kahit anong gawin nila, hindi ako sasama sa kanila. Kahit na mahina ako, magagawa ko pa rin na iligtas si Claire sa kanila.

"Ikaw ang baliw, Luke. Ikaw rin ang sira ulo", nababasa niya ang isipan ko? Bakit magkaparehas kami ng kakayahan!? Imposible to! Hindi ko man lang alam na may kagaya ako dito. Ang kagaya ko pa ay isang killer. Malas!

"Sumama ka na sa amin Luke. Alam kong gusto mo rin pumatay ng tao, katulad nalang ni Axel. Sobrang sakit diba? Yung makita mo ang mahal mo na may may kasama ng iba. Hahahaha! At hindi lang yon, mahal din ni Axel si Claire! Huwag ka ng umasa pa Luke, hindi kayo bagay ni Claire. Dahil mas bagay silang dalawa. Hahaha!". Hindi ko mapigilan na magalit sa mga pinagsasabi niya sa akin. Lalo niya pang ininit ang ulo ko.

"Nakakatakot naman yang itsura mo. Easy ka lang dude. Sabi ko na nga ba, gusto mo rin pumatay ng tao. Ano pang hinihintay mo? Sumama ka na sa amin", inabot niya ang kanyang kamay sa akin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako sa kanila o hindi. Pero isa lang naman ang gusto ko, ang mailigtas si Claire kaya..

Inabot ko rin ang kanyang kamay at nakipagkamay ako. Patawad..

Claire Clemente's Point of View

Pagmulat ng aking mata, wala na sa tabi ko si Axel kaya bumangon ako agad at hinanap siya.

"Ohh..", natulala ako ng makita ko si Axel na nagpapalit ng damit, nagkatitigan kami sa mata. Sa sobrang hiya ko, tinakpan ko agad ang mukha ko gamit ang aking kamay.

"Baliw ka talaga Axel kahit kailan. Bakit hindi ka nalang nagbihis sa cr"

"Akala ko kasi mamaya ka pa magigising. Huwag mo ng takpan yang mukha mo, nakita mo na rin naman to kahapon". Kahit na nakita ko na, hiyang-hiya pa rin ako. Sino ba naman makakatiis na tignan ang ganyang itsura ng katawan. Baka nga uminit ang katawan ko sa sobrang hot niya. "Tapos na ako", inalis ko na ang aking kamay sa mukha at huminga ng malalim.

Devihell School (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon