Shit anong gagawin ko? Alam kong namumula ako ngayon dahil natatandaan ko ang nangyari noon. Yung katarantaduhan kong ginawa. Shit paano na to?
"Ikaw!"
Bahala na si batman para sa akin. Sana hindi niya ako maalala. Sana! Sana!
Tumayo ako tinignan siya ng seryoso. "Ako nga!", patay tayo dyan! Mukhang naalala niya pa ako. Ano ng gagawin ko ngayon?
Lumapit siya sa akin at nakikipagkamay sa akin. Nakikipagkilala ba siya sa akin? Tama ako o tama ba ako?
"Ako si Adrian, but you can call me Adri for short. Nice to meet you, Claire Clemente", WHAT!? Kilala niya ako!? "Papaano mo nalaman ang pangalan ko?", hindi niya sinagot ang tanong ko pero maya-maya ay bigla nalang siyang tumawa na nakakaloko. Baliw ba to? Tumatawa ng walang dahilan? Ibang klase!
Tumigil na muna siya sa kakatawa bago siya mag-salita. "Sino ba naman hindi makakakilala sayo? Lahat ng tao dito, kilala ka. Isa ka lang naman kasi sa nagligtas sa amin, right?". Oo nga pala! Bakit hindi ko naisip yon? Ang engot mo talaga Claire kahit kailan!
Pumunta siya sa gilid ko at nilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko. "Masaya akong makita ka ulit, Claire". Napansin kong kumislap ang kanyang mata na kulay asul. Teka! Namalik mata ba ako?
Ningitian niya na muna ako bago siya umalis.
Nakahinga na ako ng malalim at umupo ulit sa hagdan. Hindi ko na gugustuhin pang makita pa siya ulit. Naalala ko na naman kasi yung... Wahhh! Ano ba tong pinagiisip ko! Abs lang yon! Walang malisya! Aksidente lang na pumasok ako sa silid niya! Ayoko na! Ayokong makita ko pa siya ulit! Kinabahan talaga ako kanina. Akala ko may gagawin siya pero wala naman pala. Buti nalang mabait siya. Baliw rin na lalaki at para siyang si Kyle. Bahala na nga!
Tinignan ko ang mga estudyante na naglalaro dito sa labas. Sobrang saya nila. Parang lahat sila walang pinoproblema. Yung iba naghaharutan, naglalandian, nag liligawan, nagkakasiyahan, at yung iba tahimik lang sa isang tabi. Kung nandito lang talaga si Emily, siguro bida-bida kami dito. Hays... Nakakamiss na tuloy siya. Gusto kong magkaroon ng bagong mga kaibigan pero wala parin akong nahahanap hanggang ngayon. May sari-sarili silang mundo at parang wala rin silang balak na makipag kaibigan sa akin. Iba ba ako sa kanila? Ibang klaseng estudyante ba ako dito? Pakiramdam ko nagiisa lang ako dito. Walang maka usap at walang kaibigan. Mayroon nga akong maka usap dito, kaso nga lang sina Kyle, Axel, Crade, kuya Lucas, at si Luke nga lang. Gusto ko rin naman sila kausap pero gusto ko iba naman. Gusto ko pang magkaroon ng ibang kaibigan, katulad ni Emily.
Ibang-iba na talaga ang School na ito. Mas masaya pala sila sa Devine School kaysa sa Devihell School. Pero para sa akin, mas gusto ko sa Devihell School. Kahit na puno ng kasamaan, kahirapan at katatakutan. Mas pipiliin ko parin sa Devihell School. Nakakamiss talaga!
Nakita ko si kuya na naglalakad sa hindi kalayuan. "Kuya!", tinawag ko ang pangalan niya pero hindi niya ako nilingon. May problema talaga si kuya sa akin. Halata naman eh! Hays sana bumalik na ang dating si kuya Lucas.
"Kuya sandali!", lumapit ako sa kanya at huminto naman siya. "Kuya, uy! Hindi mo na ako pinapansin. May problema ba?"
Humarap siya sa akin at nilagay niya ang kanyang kamay sa buhok ko. Para niya akong ginawang bata sa ginagawa niya. Ano ba talagang nangyayari kay kuya? Bakit siya nagkakaganito!?
"Sorry Claire ha. Marami lang talaga akong iniisip kaya nag desisyon na muna akong hindi ka pansinin. Ayoko na munang may nangungulit sa akin ngayon. Gusto ko na munang mapag-isa, ok ba yon?", kaya ba ayaw akong kausapin ni kuya dahil lang sa marami siyang iniisip? Oo nga naman... Tama lang naman siya eh. Siguro baka hindi pa siya maka get over na wala na ang Five Guardian Prince's dito. Hays paano na yan? Medyo nag-aalala na ako kay kuya.. Hindi lang sa kanya, pati sa iba. Siguro ito rin ang dahilan ni Luke kaya siya nagkakaganon. Now I know!
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK2)
Mystery / Thriller[BOOK2] : Devihell School (Everyone has a secret) Nagtagumpay sila sa misyon nila na mailigtas ang Devine School. Pero hindi nila inaasahan na babalik ulit sila sa Devihell School. Mawawala na naman ng tuluyan ang Devine School. Maram...