CHAPTER 6

1.2K 46 0
                                    

May nakita akong lalaki na naka tayo at ang kanyang kamay ay naka tago sa bulsa ng kanyang pantalon. Matangkad siya, maputi, at gwapo rin. "Dapat sumusunod na agad kayo kapag sinabihan na kayo na kumalma at huminahon. Bumalik na kayo sa dorm niyo bago pa uminit ang dugo ko sa inyo". Nagulat ako ng bigla nalang kumislap na kulay red ang kanyang mata. Medyo may pagkakahawig rin siya kay Luke. Pero mas gwapo si Luke syempre. Pero... Bakit kaya? Bakit parang si Luke siya kung umasta? Cold at parang masungit din siya. Idol kaya nito si Luke?

Agad na nagsialisan ang mga estudyante sa harapan ko at bumalik sa kanya-kanyang dorm. Iniwan nila kaming dalawa dito. Lumakad siya at nilagpasan ako.

"T-teka!", huminto siya sa paglalakad ng hindi man lang ako nililingon. Para nga siyang si Luke.

"S-salamat"

"Hindi mo na kailangan pang mag pasalamat. Ayoko lang talaga sa mga taong pasaway at maraming sinasabi. Akala nila alam nila ang nangyayari dito, kung makapag-salita sila akala mo nandoon sila sa panahon na yon. Kaya wala silang karapatan na gawin yon sayo". Wow.. Ang astig niya.. May point din naman siya sa sinabi niya. Mga bago lang sila dito kaya mali sila na sabihan ako ng ganon. Pero teka nga lang... Sino ba siya?

"T-teka.. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

"Importante pa ba yon sayo?", tanong niya sa akin at sabay niya akong tinignan ng seryoso. Totoo nga.. Para nga siyang si Luke. Yung Luke na nakilala ko nung unang-una palang. Parehas na parehas talaga sila ni Luke kumpara lang sa kulay ng kanilang mata. Kulay asul kasi yung kay Luke, sa kanya naman ay kulay pula. Panaginip ba to? Akala ko si Luke lang ang ganyang lalaki dito, pero mayroon pa pala.. Sino siya? Gusto ko siyang makilala.

"Ganon na nga"

"Michael", Michael? Ang cool ng name.

Tumalikod siya sa akin at lumakad ng dahan-dahan.

"Mike nalang ang i-tawag mo sa akin"

"A-ah sige"

Para talaga siyang si Luke, magkaiba lang talaga sila ng kulay ng mata. Hindi kaya may something sila ni Luke? Imposible akala ko ba alam ko na ang lahat ng secret ni Luke. Imposible na magkamag-anak silang dalawa. Imposible talaga...

Lalakad palang sana ako ng may nakita akong babaeng tumitingin sa akin. Masama ang tingin niya sa akin.. Teka.. Parang kilala ko siya..

"Nagkita na ba tayo noon?"

Alam ko na! Kilala ko na siya! Siya yung kaibigan ni Sam! Siya yung babaeng sinisisi ako sa pagkamatay ni Samantha! Tama nga ako! Pero hanggang ngayon parin ba, sinisisi niya parin ako sa pagkamatay ni Sam? Hindi niya pa ba alam ang totoong nangyari?

Hindi niya sinagot ang tanong ko kundi lumakad lang siya paalis.

"Sandali lang!", hinabol ko siya hanggang sa labas. Pumunta siya sa kung saan naka libing lahat ang mga taong namatay noon sa Devihell School. Alam ko na kung saan siya pupunta.

Umupo siya sa tapat ng puntod ni Samantha. Hindi ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya.

"Hey..."

Tinignan niya lang ako ng seryoso. Tsk! Wala ba talaga siyang balak na kausapin ako? Sampalin ko siya eh! Arte pa ba girl? Pasalamat siya kaibigan siya ni Sam dahil kung hindi, kanina ko pa to sinuntok sa mukha.

Ok, ok, ok, kumalma ka Claire.. Dapat ko siyang kausapin ng matino at sabihin sa kanya na wala talaga akong kasalanan sa pagkamatay ni Sam. Pero parang hindi ko ata ito makakausap ng maayos. Tignan mo kaya siya.. Parang walang pake alam sa akin. Kanina ko pa kinakausap hindi ako pinapansin. Sarap sabihan ng 'ganda ka?'. TSK!

Devihell School (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon