CHAPTER 13

1.2K 33 0
                                    

Claire Clemente's Point of View

Paggising namin, agad kaming pumasok sa klase. Kasabay ko sina Kyle at Axel maliban lang kina kuya, Crade, at Luke. Si kuya at si Crade talagang hindi namin sila kasabay, hindi naman namin sila kaklase. Si Luke? Sabi ni Kyle hindi niya daw yon kasama sa kwarto kagabi at hindi niya alam kung na saan siya ngayon. Saan naman kaya siya natulog? Na saan kaya siya ngayon..

Naka upo na kami sa kanya-kanya naming upuan. Napansin ko na wala ng nagkekwentuhan sa mga kaklase ko o nagdadaldalan man lang. Siguro naisip nila na isa sa amin ang killer. Wala na talagang taong pagkakatiwalaan dito. At saka nasa Devihell School na ulit kami, sabi nga nila THERE'S NO ONE YOU CAN TRUST HERE WHILE YOU WERE HERE.

"Hays.."

Pumasok na ang bagong teacher namin kaya umayos na kami. Nasan na kaya si Sir Ian? Kumusta na kaya yon? Tsk! Ano bang pake ko doon!? Pagtapos niyang tulungan yung bruhang Principal na yon mag-aalala ako sa kanya! Never!

Ito na naman tayo.. Wala na naman kaming gagawin sa klase kundi tumahimik lang. At saka nabuhay na naman ang salitang "I need respect", hayss...

Mabilis rin naman natapos ang klase ng science subject ko kaya pupunta na ako sa next subject ko, sa TLE classroom ko. Bubuksan ko palang sana ang pinto ng may naramdaman akong kakaiba. Lumingon ako sa kanan ko at may nakita akong lalaki na naglalakad sa hindi kalayuan. Naka uniform siya, matangkad, at gwapo rin. T-teka! Y-yung mukha niya... Parang pamilyar sa akin.. Siya ba yung lalaking nagligtas sa akin kahapon sa ahas? Hmm.. Siya nga! Si weird guy! Estudyante rin pala siya dito. Nakalimutan ko palang magpasalamat sa kanya!

Nakita ko siyang lumiko na pero hinabol ko parin siya. Liliko palang sana ako ng may nakasalubong akong lalaki.

"Mike?"

"Ikaw?", naalala ko na naman yung sinabi niyang IKAW sa akin kahapon. Puro nalang siya IKAW. Wala na ba talaga siyang matinong sasabihin sa akin?

"May nakita ka bang lalaki na dumaan dito? Matangkad siya tapos gwapo! Ganito siya katangkad", pinakita ko sa kanya kung gaano katangkad si weird guy pero tumanggi siya sa akin. Imposible na hindi niya nakita yon. Dito siya dumaan at kitang-kita ko yon!

"Oras pa ng klase ha. Diba dapat nasa klase ka na ngayon?"

"Oo nga eh pero nakita ko nga kasi si weird guy"

"Weird guy?"

"Si weird guy, siya yung tinatanong ko sayo kung nakita mo ba siya dito, pero sabi mo naman hindi. Sige na, punta na ako sa classroom ko". Lalakad palang sana ako ng sabihan niya na naman ako ng salitang IKAW. Nakakairatang pakinggan! Lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Ikaw yung tawag ko sayo, hindi ko pa kasi alam ang pangalan mo". AHH!!! Kaya pala.. Now I know! Sana naman hindi ko na marinig pa ang salitang IKAW sa kanya.

"Ako si Claire!"

"Claire?"

"Ganon na nga". Akala ko naman kilala na ako lahat ng tao dito, may isa pa palang hindi.

"Bakit hindi.. Never mind, pumunta ka na sa klase mo", nag-paalam na muna ako sa kanya bago ako pumasok sa TLE classroom ko.

Ano kaya ang gusto niyang sabihin sa akin? Bakit hindi niya kaya naituloy ang sinabi niya sa akin kanina? Isa rin yon si Mike, ang weird din non.

Pumasok na ang teacher namin at ganon na naman. Tahimik ulit kami..

"AAHH!!", bigla nalang kaming naka rinig ng sigaw ng tao sa labas ng classroom. May nag-bukas ng pinto at may pumasok na estudyante.

Devihell School (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon