Paggising ko, wala na sa tabi ko si Luke. Agad akong bumangon para hanapin siya pero wala siya dito. Nag-ayos na muna ako ng sarili bago ako lumabas ng kwarto. Nakita ko agad sina Crade, kuya Lucas, Axel, at Kyle maliban lang kay Luke. Saan kaya siya nanggaling? Yung mokong na yon! Hindi man lang nag-paalam na aalis na siya. Buwiset ka Luke!
"Claire!"
Lumapit sa akin si kuya at tinignan ako ng seryoso. Hinawakan niya ang aking balikat. Problema nito?
"Bakit diyan ka natulog sa kwarto nina Luke at Kyle? Bakit hindi sa kwarto natin?", anong ibig niyang sabihin? Hindi ba sinabi ni Kyle na gusto niyang makasama si kuya Lucas? Anong sasabihin ko kay kuya? Baka hindi niya rin alam na kasama ko si Luke na natulog. Sa oras na malaman niya yon, patay ako nito!
Lumingon ako kay Kyle at ang kanyang mukha ay parang nagsasabi na huwag ko daw sabihin. Pahamak ka talaga Kyle!
"A-ano kasi.. Nandoon kasi si Kyle kagabi sa kama ko, kaya naisip ko nalang na matulog sa kwarto nila ni Luke. Sakto nga eh wala si Luke"
"Ganon ba...", wow! Tama pala ang naisip ko! Kung ganon sa kama ko pala natulog si Kyle!? Lagot siya sa akin!
Hays... Buti nalang naka isip ako ng palusot. Epal ka talaga Kyle kahit kailan. Akala ko naman alam na ni kuya ang lahat tungkol doon, hindi pa pala. Gusto ko sanang sabihin yung totoo pero parang ayaw sabihin ni Kyle na gusto niyang makasama si kuya Lucas. Yung totoo... Lalaki ba talaga si Kyle? Mukhang bumibigay na eh!
"Nakita niyo ba si Luke?"
"Ako, nakita ko siya kaninang madaling araw. Lumabas siya ng dorm", madaling araw? Lumabas si Luke kaninang madaling araw? Saan naman kaya siya nanggaling?
"Guys, tignan niyo to", napa lingon agad kami kay Crade at nakita namin siyang naka dungaw sa bintana.
"Ang alin?", lumapit kami sa kanya at dumungaw rin kami. May nakita kaming mga estudyante sa baba, para silang nagkakagulo. Anong nangyayari doon?
"Tara tignan natin". Agad na tumakbo palabas ng dorm si kuya at sinundan naman namin siya.
Pag-punta namin, nagtataka kami sa mga reaksyon ng mga estudyante dito. Para silang naka kita ng multo. Takot na takot sila at bulungan sila ng bulungan. Nakapabilog sila at para silang may tinitignan sa gitna. Gusto ko rin makita kaya sumingit ako sa kanila para malaman ko kung ano ang nangyayari dito. Laking gulat ko na may nakita akong estudyante na naka handusay sa sahig.
"SHIT!"
Lumapit doon sina Crade at kuya Lucas at tinignan kung buhay pa, pero ang kanilang mukha ay parang nagsasabi na wala na. Lumapit din ako sa kanila at tinignan ang estudyante. Sobrang daming tama ng bala sa katawan niya. Ilang beses kaya siya pinagbabaril? Nakakaawa naman siya. Pakiramdam ko nasusuka ako dahil sa sobrang baho at sa sobrang dami ng dugo sa katawan niya.
"Mukhang kagabi pa to nangyari. At tignan mo ang kanyang likod, para siyang bumagsak mula sa rooftop hanggang dito. Sa rooftop siya pinatay para walang maka rinig na putok ng baril", pahayag ni Crade.
Nangyari ang lahat ng ito sa rooftop. Doon siya pinagbabaril hanggang sa mamatay siya. At feeling ko, hinulog nalang siya dito basta-basta. Walang hiya ang taong gumawa sa kanya nito. Anong klaseng tao ang gagawa ng isang ganitong bagay!? Napaka sama niya at wala siyang awa.
"Fuck.."
Narinig kong bulong ni Axel at kumaripas siya ng takbo. Saan siya pupunta?
Maya-maya, may mga guro ng dumating dito kaya lumayo na kami nina kuya Lucas.
"Bumalik na kayo sa dorm niyo, now na!", hindi na kami nag-dalawang isip pa na umalis sa lugar na iyon. Pumasok na kaming apat sa school. Hindi namin kasama ngayon si Axel dahil parang may pinuntahan siya kanina. Saan kaya yung lalaking yon?
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK2)
Mystery / Thriller[BOOK2] : Devihell School (Everyone has a secret) Nagtagumpay sila sa misyon nila na mailigtas ang Devine School. Pero hindi nila inaasahan na babalik ulit sila sa Devihell School. Mawawala na naman ng tuluyan ang Devine School. Maram...